KAPAG ITINADHANA WALA KAYONG MAGAGAWA

AYAW talaga lumaban nang patas itong mga tao na nasa likod at harap ng mga paninira laban kay dating Senador Bongbong Marcos. Hindi na sila nakuntento sa Martial Law issue, nakaw na yaman, emergency alert sabotage, pekeng survey ng Rappler, disqualification cases at cancellation ng Certificate of Candidacy (COC). Ngayon naman lumabas na itong si Commission on Election (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon ay masyadong nagmamadali na ilabas ng First Division ang desisyon laban kay BBM. Hindi napigilan ni Guanzon na magsabi sa social media na boboto raw siya para i-disqualify…

Read More

HINDI NA NATUTO

SA tuwing makakikita ng pagbaba ng bilang ng arawang kumpirmadong kaso ng COVID-19, nagluluwag ang gobyerno sa ipinatutupad na mga restriksyong layon lamang ay tiyakin ang kaligtasan ng bawat Pilipino. Katwiran ng gobyerno, kailangang timbangin ang kalusugan at kabuhayan, dahil wala na anilang salapi ang kaban ng bayan. Sa tinuran mismo ng Pangulo, malinaw na wala nang salaping gagastusin, kaya naman wala na rin dapat timbangin. Ang angkop lang na gawin ay tiyakin ang kaligtasan ng bawat mamamayan. Hindi katanggap-tanggap ang alibi ng pamahalaan sa kawalan ng sapat na salaping…

Read More

GINOONG BERNIE TACOY, PAG-ASA NG MATAG-OB, LEYTE

MAY ilang naglutangang panukala na tila gustong ipagpaliban ang halalan. Maging ang PDP-Laban ay nais ding palawigin ang panahon ng paghahain ng kandidatura. Hindi naman sila nagtagumpay dahil ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang hirit. Tiniyak ng Comelec na tuloy ang pagsasagawa ng national and local elections sa Mayo 9, 2022. Ito’y kahit na hindi pa raw nakakamit ng Pilipinas ang tinatawag na “herd immunity” laban sa COVID-19. Ayon kay Comelec spokesΒ­person James Jimenez, waΒ­lang balakid sa ginagawa nilang preparasyon. Sa kasalukuyan, mataas na raw ang porsiyento ng…

Read More

HINDI OK SI DOK?

UMAALMA ang ilang Β­empleyado ng Bureau of Immigration na nakatalaga sa Bicutan Detention Β­facility maging sa Immigration officers na Β­itinalaga sa medical unit ng ahensya dahil sa umano’y patuloy na tila pagiging malupit ng kanilang hepe. Isa ang BI sa mga ahensya ng pamahalaan na may mga pinakamataas na bilang ng mga nagpositibo sa mabilis na pagkalat ng Omicron variant partikular sa mga frontliner sa airport na maituturing nating buhay na bayani mula nang manalasa ang COVID-19 sa ating bansa. Ngunit mayroon nga bang pagkukulang sa tungkulin ang medical unit…

Read More

BATAS NG PILIPINAS DAPAT KILALANIN AT IGALANG NG MGA DAYUHAN

NAPAKAHALAGA ng papel na ginagampanan ng batas sa isang bansa anumang uri ng pamahalaan ang pinaiiral dito. Ito ang nagsisilbing gabay sa mga mamamayan at mga dayuhan ukol sa kung ano ang mga ipinagbabawal gawin sa bansa at kung ano ang karampatang parusa na maaaring harapin ng sinumang lalabag dito. Sa ganitong paraan ay napapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa isang bansa. Ang pagsunod at pagkilala sa batas ay hindi lamang Β­responsibilidad ng mga lokal na mamamayan kundi pati na rin ng mga dayuhang bumibisita o namamalagi sa isang bansa,…

Read More

WALANG TAKAS, KAHIT RETIRADO

ILANG araw bago pa tuluyang magretiro, nagpakawala ng mga mapangahas na salita si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon, sukdulang malagay sa kompromiso ang integridad ng halalan sa Mayo. Aniya, diskwalipikado si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos na tumatakbong Pangulo sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa Comelec 1st Division na kinabibilangan nito. Ang siste, wala namang maipakitang dokumentong pirmado. Nakalulungkot isiping isang magaling na abogadong tulad ni Guanzon ay ilalagay sa kahihiyan ang tanggapang kinabibilangan niya mismo. Bakit nga kaya? Dahil ba sa walang mawawala sa…

Read More

MGA BATA NAMAN

SA susunod na buwan, sisimulan na ang pagbabakuna sa mga batang edad 5-anyos hanggang Β­11-anyos para magkaroon sila ng proteksyon sa coronavirus disease 2019 o COVID-19. Mahigit 50% porsyento na raw kasi sa mga bagets na edad 12-anyos hanggang 17-anyos ang nabakunahan na kaya sisimulan na ang pagbabakuna sa mga mas bata sa kanila sa Pebrero. Nagtatanong tuloy ang mga tao kung sakaling may mamatay (huwag naman sana) na batang mababakuΒ­nahan, mag-iingay ba si Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta? Naging kontrobersyal kasi ang Dengvaxia noong nakaraang administrasyon dahil…

Read More

TOTOO ANG OPLAN BAKLAS

HINDI na bago ang diskarteng pilipit sa larangan ng pulitika – batuhan ng putik, pagkakalat ng fake news, walang prenong patutsada, below-the-belt na puntiryang halaw sa kathang-isip lang nila, at gitgitan sa entablado ng makabagong panahon, ang social media. Kung tutuusin, malaking bentahe ang social media lalo pa’t limitado na ang personal na pangangampanya, bagay na tila sinakyan ng mga taong nasa likod ng mga kandidatong kursunada, sa hangaring makapwesto at makapagsamantala sa sandaling maΒ­luklok sa pwesto ang manok nila. Ang totoo, matagal nang kalakaran ang isinawalat ng isang kontrobersyal…

Read More

GIRIAN NG RUSSIA AT UKRAINE, US NAGHAHANDA?

PATULOY na naghahanda ang mga militar ng magkabilang panig ng Russia at Ukraine na posibleng pagmulan ng pagsiklab ng digmaan ng dalawang bansa. Ang Moscow na kilalang kabisera ng Russia ay inihahanda ang kanilang mga sundalo at mga armas panggiyera. Kapuna-PUNA na sa boundary ng dalawang bansa ay makikita sa mga international television na parehas mainit ang mga sundalo ng magkabilang. Bagama’t nakatutok na ang mga baril ng mga sundalo ng Russia sa mga sundalo ng Ukraine ay wala naman dalang mga armas ang huli, maliban sa kanilang bandera. May…

Read More