BABALA KONTRA SINDIKATO SA PABAHAY

SA tuwing sasapit ang halalan, karaniwang paandar ng mga nagnanais maging Β­pangulo, senador at kongresista sa Kamara, ang mangako sa Β­hangaring makuha ang asam na boto – proyektong pabahay para sa mga hirap sa pamumuhay. Mula dekada sitenta, ilan na ba sa mga nagdaang Β­pangulo ang nakapagbigay ng tunay na pabahay? Panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos nang itaguyod ang National Housing Authority (NHA) na siyang nagsulong noon ng pabahay sa ilalim ng programang Bagong Lipunan Improvement of Sites and Services (BLISS). Nang maupo naman sa Palasyo si Joseph Estrada,…

Read More

GIMIK NG PINKLAWAN BULILYASO!

TUKOY na ng taumbayan kung bakit si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon ay galit na galit sa tapat ng pintuan ng simbahan sa Manila Cathedral kamakalawa. Imbes na makakuha siya ng simpatiya ng nakararaming Pinoy dahil sa ginawa niya, ay samut-saring batikos ang kanyang Β­inaani ngayon. Maging mula sa kapwa niyang mga abogado at mga ordinaryong mamamayan. Unang PUNA ng nakaraΒ­raming Pinoy ay wala siyang Β­respeto sa simbahan at sa kanyang mga kasamahan sa Comelec. Sa harapan mismo ng Manila Cathedral siya nagsisigaw na Β­binabanatan niya ang kanyang…

Read More

PAGKUKUBLI NG OCTA

TALIWAS sa giit ng Octa Research Group, nananatiling peligroso ang Β­estado ng Pilipinas sa banta ng Β­COVID-19, ayon mismo sa Centers for Disease Control and Prevention na katuwang ng World Health Organization sa pagtutok sa sitwasyon sa iba’t ibang panig ng Β­mundo. Ayon sa Octa, nasa “moderate risk” na ang Metro Manila at iba pang panig ng bansa at posible pang makamit ang estadong “low-risk” sa susunod na mga linggo, dahil anila sa pagbaba ng arawang tala ng mga positibo sa nakamamatay na karamdaman. Pero iba ang pananaw ng Centers…

Read More

AKO BISAYA PARTY-LIST REP. SONNY “SL” LAGON, MAMIMIGAY NG PREMYO SA KANYANG 53rd BIRTHDAY!

HINDI talaga maitatanggi na napakarami nang pagkakataong nasilayan at nasaksihan ang buong pusong katapangan at katatagan sa kamalayan ng mga Pilipino. Siyempre, mula sa mga Β­giyera, bagyo, pagputok ng mga bulkan, at iba pang kalamidad, nasubok ang tibay nating lahat. Walang eksaktong panahon kung paano nabuo ang konsepto ng Filipino resilience. Kung tawagin sa Tagalog, ito ay ang pagiging matatag ng mga Pilipino. Ngunit sinasabing Β­maaaring ito raw ay nag-ugat sa mga paniniwala at pananampalataya ng mga Pinoy. Paano nga naman kasi, tuwing may mangyayaring hindi maganda o maranasan nating…

Read More

OFW NA MAY SAKIT SA BITUKA, NAKATENGGA PA RIN SA POLO- RIYADH

Aksyon OFW

MAGANDANG araw, mga ka-Saksi, muling humingi ng tulong sa Aksyon Bantay OFW ang kabayani nating si Cielo Sabando na tubong Surigao, at matagal nang may karamdaman sa kanyang bituka. Bagama’t nasa pangangalaga na siya ng POLO sa Riyadh, Β­Saudi Arabia, si Sabando ay naghihintay pa rin ng kanyang exit visa simula pa noong 2020. Hindi pa raw siya napasama sa dalawang repatriation flights ng gobyerno noong nakaraang taon. Ipa-follow po natin ang kaso ni kabayaning Sabando sa tanggapan ni AKO OFW chairman Dok Chie Umandap na tumututok dito. *** Umaapela…

Read More

COMM. GUANZON AT ANG COMELEC

ANO BA ‘YAN? Magaling o Β­medyo nagpapansin lang si Commissioner Rowena Guanzon ng Commission on Elections? Nang mapanood ko po kasi siya sa balita sa television, Β­kinilabutan ako bakit nanlilisik ang kanyang mata?! ‘Di ba kapag ganoon ang ikinikilos ng isang indibidwal, ang paniniwala ng mga matatanda noon na baka sinasaniban ng masamang espiritu, o kaya’y lumilihis na sa katinuan ang kanyang pag-iisip? At kailangang maikonsulta o maipagamot ito sa isang espiritista upang mapalayas ang masamang espiritu na gumagambala sa kanya, o kaya’y kailangan kaagad siyang mapasuri sa mga manggagamot…

Read More

SALUNGAT NA SAPANTAHA NG DALAWANG DALUBHASA

SA pagbaba ng bilang ng arawang tala ng mga positibo sa nakamamatay na karamdaman, muling nagsulputan ang mga naggagaling-galingan na wari ba’y mga dalubhasa sa larangan ng agham. Ayon sa grupong OCTA, naabot na ang sukdulan ng pandemyang naglugmok sa ating bayan. Batay sa kanilang pakilala, ang husay nila ay matematika – hindi siyensya o medisina. Sa tinuran ni Dr. Guido David, marami ang bumilib. Marami ang umasang tapos na ang pandemya, kaya naman ang resulta, lansangan muling dinagsa sukdulang magkapalit-palit na nga sila ng mukha. Giit ni David, maraming…

Read More

MALANSANG POLISIYA

SA paandar ng Chinese Β­Embassy kaugnay ng aniΒ­la’y pagiging top importer ng China ng mga isdang bingwit ng mga mangingisdang Pilipino, biglang nalagay sa alanganin ang paandar ng Department of Agriculture (DA) na nagsaΒ­bing kapos ang ating suplay ng isda sa mga pamilihan. Sino ba naman kasi ang maniniwalang kinakapos ng isda ang Pilipinas gayong napapalibutan tayo ng malawak na pangisdaan. Mantakin mong 7,101 isla mayroon ang Pilipinas at ang bawat isla, napapaligiran ng malawak na pangisdaan. Ayon sa embahada ng mga Tsino sa bansa, pumalo sa halos $100 milyon…

Read More

SA GOBYERNO KAYO MAGTRABAHO

SA isang huntahan, narinig ko ang pag-uusap ng mga magulang ukol sa kanilang mga anak na naapektuhan ang kanilang hanapbuhay sa halos dalawang taong pandemya sa COVID-19. Kung hindi nawalan ng trabaho ang kanilang mga anak, nabawasan ang kanilang sahod dahil may mga kumpanya ang nagbawas ng sahod ng kanilang mga empleyado para huwag lang silang ma-retrench. Ibig sabihin, ang mga anak ng mga nag-uusap na mga magulang ay nagtatrabaho sa pribadong sektor na labis na naapektuhan nang kumalat sa mundo ang COVID-19 na nagsimula sa Wuhan, China. May magulang…

Read More