SA ika-apat na pagkakataon, muling nalagay sa kompromiso ang bayan ko, ang kalusugan mo at ang kaligtasan ng bawat Pilipino. Dangan naman kasi, hindi napaghandaan ang panibagong peligro sa pag-aakalang tapos na ang delubyo. Sa pag-amin ng Department of Health (DOH) hinggil sa pagpasok ng bagong COVID-19 Omicron variant, napapaisip ang publiko – muli na naman bang ipatutupad ang paghihigpit ng pamahalaan sa galaw ng tao? Ang sagot – posible, lalo pa’t higit na nakahahawa ang Omicron variant, ayon mismo sa resulta ng mga pag-aaral ng mga eksperto. Ano nga…
Read MoreCategory: OPINYON
GOOD MOVE
GOOD move ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na umatras sa senatorial race dahil dalawang bagay ang naiwasan nito kung sakaling itinuloy niya ang pagtakbo. Una, kapag nanalo siya, hindi ubra ang pagiging dating presidente niya sa 23 other Republic. 24 Republic ang tawag sa 24 Senador at kahit meron siyang kakampi na sina Sens. Bong Go at Bato dela Rosa, hindi pa rin sapat ang kanilang puwersa. Hindi puwedeng hindi siya dadalo sa kanilang session lalo na kung bumalik na ang old normal dahil mapupuna at mapupuna siya…
Read MoreKAPIT-TUKO SA PWESTO
MULING bumida sa balita ang kontrobersiyal na Kalihim ng isang departamento. Dangan naman kasi, sadya yatang kapit-tuko sa pwesto – sukdulang deadmahin ang isinisigaw ng mga taong nais ay mawala na siya sa gobyerno. Maging ang simpleng parinig ni Pangulong Rodrigo Duterte na nag-alok sa iba ng kanyang pwesto, mistulang walang epekto. Bakit nga naman aalis si Health Secretary Francisco Duque sa kanyang pinamumunuang pwesto gayong malaki pa ang potensyal ng ganansya mula sa mga transaksyon ng kanyang departamento. Ano nga ba ang pwedeng magpalayas kay Duque sa kanyang trono?…
Read MoreBLOOD IS THICKER THAN WATER
MAS matimbang ang kadugo kaysa mga udyok lamang ng iilan na marahil naging dahilan ng pinal na desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na kaya hindi siya tumakbo sa pagka-vice president at hindi kinalaban ang kanyang anak na si Inday Sara. Bagama’t may mga naglalaban-laban na mga miyembro ng pamilya sa mga lokal na posisyon sa eleksyon, subalit hindi pa ito nangyari sa national position. Hindi rin marahil matanggap ni Pangulong Duterte na ang kanyang anak (Sara) ang makakalaban ng grupo ng kanyang administrasyon kaya ito rin ang nag-udyok kaya tuluyan…
Read MorePAGSUKO SA PINTIG NG BAYAN
TULUYAN nang gumuho ang basag na partidong kinabibilangan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pasyang bawiin ang kanyang inihaing kandidatura para sa Senado, at piliing suportahan na lamang ang tambalang tampok ang pinakamalapit sa kanyang puso, sukdulang iwanan ang partido. Araw ng Lunes nang personal na tumungo ang Pangulo sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) para sa pagsusumite ng pormal na liham ng pag-atras sa puntiryang pwesto sa Senado. Wala mang hayagang pag-amin, ang ipinamalas ng Duterte ay isang patunay na mas nanaig ang puso ng isang ama sa anak…
Read MoreCAYETANO KUMAKAHOL DAHIL MAG-EELEKSYON
HANGGANG ngayon, tila asong kumakahol pa rin itong si dating Speaker at incumbent Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano laban sa e-sabong o online sabong. Nais daw ni Cayetano na isulong ang mga programang makatutulong upang manatiling buo ang pamilya. Ito raw ang dapat pinagtutuunan ng pansin ng Kongreso at hindi ang nakakaadik na bisyo tulad ng e-sabong. Well, kung titingnang maigi, matagal na sa Kongreso si Cayetano at naging senador na rin pero puro ngakngak lang daw ang ginagawa nito at pamumulitika. ‘Yung konting libangan ng mga mahihirap na Pilipino…
Read MoreMGA LIHAM PARA SA KORTE SUPREMA, PINAAAKSYUNAN
MINSAN ay nadismaya itong si Supreme Court (SC) Chief Justice Alexander Gesmundo dahil sa natuklasan nitong mga liham na dinala ng koreo sa SC na hindi kaagad nabigyang pansin ng mga opisyal ng mga kinauukulang dibisyon o ng mga tanggapan ng SC. Nangyari ang pagkadismaya ng punong mahistrado noong mag-ikot-ikot ito isang hapon sa buong gusali ng Korte Suprema, ito’y para kumustahin ang kanyang mga nasasakupan o mga empleyado ng hudikatura. Subalit sa halip na magalak ito sa kanyang pangungumusta ay pagkadismaya ang kanyang naramdaman makaraang mapansin nito ang nakatambak…
Read MoreBANTA SA INTEGRIDAD NG HALALAN
HABANG abala ang marami sa paghahanda para sa nalalapit na halalan, patuloy naman ang pagpapalakas ng pwersa ng mga armadong grupong karaniwang gamit ng mga kilalang politiko mula sa kanayunan. Ayon sa Palasyo, 14 private armed groups ang tuluyan nang nalansag ng National Task Force for the Disbandment of Private Armed Groups (NTF-DPAGs). Pagmamalaki pa ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process, higit pa sa kanilang taunang target ang kanilang nalansag mula Enero. Ang siste, tila ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) lang yata ang…
Read MorePURO BUYAWYAW
HINDI na bago ang kalakarang pagbubunganga sa ilalim ng administrasyong pinamumunuan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kaya naman hindi na rin marahil nakapagtatakang maging ang kanyang mga itinalaga sa pwesto mistulang butangera’t butangero sa tuwing masasangkot sa indulto. Sa pagsisiwalat na inihayag ni Foreign Affairs Secretary Teddyboy Locsin, ibinida niya ang panibagong kapabayaang ipinamalas ng isang departamento. Aniya, napamahal ang gobyerno sa biniling hiringgilya para sa malawakang pagbabakuna. Hindi ito ang unang pagkakataong nagpa-saring si Locsin laban sa isang kapwa niya kalihim na minsan nang umani ng batikos sa kabiguang lumagda…
Read More