BASURA NG ONLINE SELLERS

KAHIT noong hindi pa panahon ng pandemya, usong-uso na ang online shopping dahil mas convenient ito kumpara sa pupunta ka sa mall, iikot ka para hanapin ang produktong nais mong bilhin. Lalong lumakas ang online shopping sa panahon ng ­pandemya dahil hindi na naka­lalabas ang mga tao, matagal nagsara ang mga mall at lahat halos ng negosyo kaya nagpista ang online sellers. Bukod diyan, mas mura ang mga produktong binibili sa online shopping kumpara sa mga mall na ang laki ng ­diperensya ng presyo… siguro dahil nagbabayad ng renta ang…

Read More

26 OFWs SA RIYADH, NAGMAMAKAAWA NANG MAKAUWI NGAYONG PASKO

Aksyon OFW

HIGIT tatlong buwan nang nasa accommodation ng Al Mawarid Company ang 26 na kalalakihang OFWs sa Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia. Nakausap ko via video call si OFW Jonito Ponsaran, tubong Iloilo City, at ­nag-ma­makaawa silang ­mabigyan ng konting perang pambili ng mga personal hygiene, iba pang pangangailangan at pagkain ng grupo. Sila ay pansamantalang nakatira sa accommodation building ng Al Mawarid Manpower Services sa New Industrial City, Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia. Tapos na umano ang kanilang kontrata sa nasabing kompanya, walang kinakaharap na mga kaso roon at nag-expired…

Read More

RESPETO NG INTERNATIONAL COMMUNITIES SA MGA PILIPINO, BUMABALIK NA

PANGARAP ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos (BBM) na muling kilalanin at irespeto ang mga Pilipino ng international communities. Sa mga pagtitipon na dinadaluhan ni BBM ay laging bukang bibig niya ang kanyang panawagan sa mga Pilipino na pagkakaisa. Sabi niya, kalimutan muna ang pagkakawatak-watak dahil hindi tayo makababangon mula sa epekto ng COVID-19 pandemic kung hindi magkakaisa ang sambayanang Pinoy. Sa pagdalo niya sa Montalban, Rizal event noong Sabado, Disyembre 11 ay idineklara niya sa harapan ng kanyang libu-libong supporters ang “Kilusang Pagkakaisa” sa lugar. Kasama ni BBM ang…

Read More

PAGLIMOT SA BAYANI

ANOMANG kalayaang tinatamasa ng bawat Pilipino ay handog ng mga magigiting na bayaning nanindigan hanggang kamatayan para sa bayan – at hindi kailanman dahil sa mga pulitikong hangad ay magpaandar para mapansin man lang. Pero ilan nga ba sa atin ang nakaka­kilala sa mga tulad nina General Vicente Lim, ­Josefa Llanes Escoda at Jose Abad Santos? Marahil nga kilala natin ang tatlo lalo pa’t sila ang mga mukhang sumasalamin sa salaping sanlibong piso. Higit pa sa kanilang mukha sa pera, sino nga ba talaga sila? Si Vicente Lim ay ang…

Read More

COVID-19 RESPONSE ‘DI MAHALAGA KAY CAYETANO

MISTULANG aso itong si dating House Speaker at incumbent Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano na patuloy na kinakahol ang e-sabong o online sabong. Kumbaga, ayaw niya yata itong tantanan. Marami nga ang ­nagtataka kung bakit parang napakatindi raw ng galit ni Cayetano sa e-sabong. Para bang walang pakinabang dito ang mamamayan at bayan. Binigyan-diin kasi ni Cayetano ang kahalagahan na mabusisi nang mabuti ang panukala na bigyan ng prangkisa ang e-sabong ­operators. Sinuspinde kasi ng ­Senate Committee on Public Service na pinamumunuan ni Sen. Grace Poe, ang pag­talakay ng panukala.…

Read More

ALIAS SPIDER-MAN, HUDAS AT RAPIST NG PASAHERO SA AIRPORT?

ISANG intelligence officer ng Bureau of Immigration ang naging laman ng usapan ngayon sa ahensya sa nangyaring raid kamakailan sa BGC upang arestuhin ang illegal Chinese Pogo Workers ngunit pagdating ng arresting officers ay walang ­nadatnan makaraang makatakas ang mga ito matapos itimbre di-umano ang operasyon. Aba eh parang pelikula lang. Ayon sa nakalap ­nating impormasyon ay protektor umano itong si alias Spider-Man ng mga iligal na dayuhan sa bansa kapalit ang lingguhang payola na tinatanggap umano nito sa mga Chinese handlers na sina alias “Anna” at “Betty Chuwawa” na…

Read More

BAKIT MATATAG ANG KAMPANYA NG KAMPO NI BBM?

DUMADAGUNDONG ang kabi-kabilaang balita ukol sa pulitika ngayo’t nalalapit na ang eleksyon ngunit isa sa mga kandidatong kapansin-pansin sa publiko na matatag sa surveys at name recall ang pangalan ni dating Congressman, Governor at Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. o mas kilala bilang BBM. Sa mga pahayagan ay maraming artikulo ang mababasa tungkol kay BBM. Ngunit mas mapapansin na, bagama’t may mga batikos, ay mas marami pa ring mga Pilipino ang naghahayag ng suporta para sa dating senador. Sa panahon kasi ngayon sa social media, ang mas naririnig na pangalan…

Read More

OMICRON: PARATING O NARITO NA?

MAY sapat na dahilan para mabahala ang sambayanan sa kinatatakutang pananalasa ng bagong bantang dala ng Omicron variant. Kung susuriing maigi ang pahayag ng Philippine Genome Center (PGC), posibleng mayroon nang Omicron ­variant sa bansa. Anila, inaasahan na nila ang detection ng nasabing ­COVID-19 ­variant of concern sa mga darating na araw o linggo. Ayon mismo kay Dr. Cynthia Saloma na tumatayong executive director ng PCG, hindi maiiwasan ng bansang Pilipinas ang pagpasok (kung hindi man nakapasok na) ng Omicron ­variant. Katunayan, oras na lamang aniya ang hinihintay. Sa kanyang…

Read More

PPE PA LANG YARI NA ANG MGA PASYENTE

HINDI na ako magtataka kung bakit ayaw magpa-check-up ng mga tao sa hospital lalo na sa mga pribado dahil sa Personal Protective Equipment (PPEs) na gagamitin ng health workers sa mga pasyente ay nakamamatay na ang presyo. Isa ako sa mga ­natutuwa na kahit papaano ay ­karamihan sa mga hospital ngayon ay wala na silang COVID-19 patients at matindi pa rin ang paghihigpit ng mga pagamutan kahit pababa na ang mga kaso ng virus na nagsimula sa Wuhan, China at kumalat sa buong mundo. Pero kapag may mahal sa buhay…

Read More