MALAKI raw ang posibilidad na magkaroon ng malawakang rigodon sa loob ng Armed Forces of the Philippines dahil sa hindi pa rin nagtatalaga si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng permanenteng Philippine Army commanding general. Mismong si Defense Secretary Delfin Lorenzana nga ay nagsabing wala pang napipisil si Pangulong Duterte para sa posisyon ng Army chief na nanatiling hawak ni Chief of Staff Armed Forces of the Philippines, Lt. General Andres Centino. Itinalaga ni Duterte si Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Andres C. Centino, miyembro ng Philippine Military Academy “Maringal”…
Read MoreCategory: OPINYON
MALING IMPORMASYON KAY MARCOS ITAMA
ANG maling impormasyon ng ating kasaysayan na tumatak at lumason sa isip ng ating mga kabataan ay napapanahon nang itama kung ano ang tunay na nangyari sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Matapos na mapatalsik sa kapangyarihan ang dating Pangulo noong 1986 ay tila naging kontrabida sa pelikula ang pamilya Marcos dahil na rin sa pamumulitika at paghihiganti ng sumunod na administrasyong Aquino. Ginamit na propaganda upang lalong mapasama ang mga Marcos nang ilathala sa textbooks na ang nagdaang administrasyon ay magnanakaw at mamamatay tao sa ilalim noon…
Read MorePWERSAHANG PAG-ABOT SA TARGET
KUNG ang pagbabatayan ay ang pahayag ng Palasyo, hindi na marahil alintana ng pamahalaan ang probisyong karapatan sa ilalim ng Saligang Batas. Dangan naman kasi, desidido ang gobyernong pinamumunuan ni Rodrigo Duterte, na pwersahin ang mga mamamayan na magpaturok ng bakuna kontra COVID-19, kesehodang umabot sa sukdulan. Ang totoo, hindi problema sa nakararaming Pilipino ang pagpapabakunang tanging proteksyon laban sa patuloy na banta ng pandemya. Ang tunay na dahilan sa patuloy na pagtanggi ng marami ay ang agam-agam na base sa bisa at kaligtasan ng gawang Tsinang COVID-19 vaccines na…
Read MoreBAKIT NAGDIDIKTA ANG CHINA?
SA isang budget hearing sa Senado may nabanggit na tutol daw ang China na rebyuhin at amyendahan ang 1951 Mutual Defense Treaty (MDT) sa pagitan ng Pilipinas at United States (US). Hindi lang ‘yan, noong bumili ang Pilipinas ng 12 fighter jet sa South Korea, nagalit ang China at tinangkang harangin ang procurement na ito ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa kanilang modernisasyon kaya mukhang nakikialam sila sa ating bansa. Nagtataka lang ako, anong karapatan ng China na panghimasukan ang internal affairs ng Pilipinas at hindi pinapalagan…
Read More3 MAYOR NG PASAY
MALINAW ang probisyon sa ilalim ng Local Government Code na nagtatakda lamang ng isang punong ehekutibo sa bawat lokalidad, batas na tila napaglaruan sa Pasay City kung saan may tatlong gumaganap na alkalde – sina Mayor Emi Calixto-Rubiano at dalawang kaanak na kumokolekta sa mga ka-transaksyon ng pamahalaang lungsod. Sa impormasyong nakalap ng Insider, ang dalawang iba pang “mayor” ng Pasay ay hindi iba kay Mayor Emi Calixto-Rubiano at kilala sa tawag na Tere at Prince na kapwa kamag-anak ng alkalde. Ang siste, karamihan ng mga opisyal na transaksyon sa…
Read MorePINOY SOLID BBM-SARA TANDEM NA?
LALO pang lumakas ang Bongbong Marcos-Inday Sara Tandem (BBM-SARA) matapos tuluyan nang umatras sa pagtakbo sa pagka-pangulo si Sen. Lawrence “Bong” Go kamakalawa. Binasa ni Go sa harapan ng mga taga-media ang kanyang statement sa pag-atras niya sa kanyang kandidatura. Binanggit niya na sa tuwing umuuwi siya sa kanyang pamilya ay lagi niyang iniisip ang kanyang pagtakbo sa pagka-pangulo. Aniya, hindi naman siya politiko at ordinaryong mamamayan lamang siya at hindi kilala ang kanyang pamilya sa pulitika. Naaawa raw siya kay Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang itinuring na pangalawang ama…
Read MoreHAMON SA PAPALIT NA PANGULO
HINDI magiging madali para sa susunod na Pangulo ng Republika ang kahaharaping suliranin iiwan ng administrasyong Duterte – sandamakmak na pagkakautang, kawalan ng hanapbuhay, droga, kaayusan, katiwalian, ang pananakop ng Tsina at patuloy na banta ng pandemya. Ang masaklap, dobleng hirap na ang pagpapatupad ng mga proyekto at programa ng pamahalaan dahil sa laki ng salaping kailangang bayaran ng susunod na administrasyong sukdulang kumanlong ng mga tiwaling nasa likod ng kabi-kabilang katiwalian. Pondong dapat sana’y magagamit para maibsan ang kahirapan, kawalan ng hanapbuhay, pabahay, edukasyon, kalusugan at kabuhayan sa mga…
Read MoreGAMING FIRMS AT GOBYERNO, PINAGSASABONG NI CAYETANO
HINDI maitatanggi na talagang malalim na ang ugat ng sabong sa buong mundo. Kumbaga, hindi mo na ito mabura-bura pa sa sistema ng mga tao. Aba’y alam naman natin na ang sabong ay isang laban sa gitna ng dalawang tandang o mga pansabong na manok. Siyempre, ginaganap ito sa isang “ring” na tinatawag na sabungan. Kung pagbabatayan nga ang kasaysayan, ang unang naitala na paggamit ng sabong bilang isang palaro at libangan ay noong 1646 daw. Sinasabing si George Wilson ang nagpasimula ng “cock of the game” na siyang pinakaunang…
Read MoreDOROBONG HACIENDERO
HABANG abala ang marami sa paghahanda para sa nalalapit na halalan, sinasamantala naman ng isang sindikato ang pagbabakod ng mga lupain sa bulubunduking bahagi ng Binangonan, sa lalawigan ng Rizal. Katwiran ng sindikatong pinamumunuan umano ng mag-asawang nakabase sa Cardona, Rizal, sa kanila ang buong Binangonan – at maging ang malaking bahagi ng mga karatig-bayan. Pati ang lupang kinatitirikan ng mga munisipyo, himpilan ng pulisya, piitan, bahay-sambahan, husgado, pagamutang bayan at maging ang mga pampublikong paaralan, sa kanila raw lahat ‘yan! Kilalang nakaririwasa ang pamilyang Guido. Taong 1991 nang maglabas…
Read More