BINALAAN ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ang mga opisyales ng Pamahalaang Panlalawigan, na kakasuhan nila ang mga ito ng pandarambong kung itutuloy pa rin ng mga ito ang pagpapalabas at paggamit sa 2021 annual budget ng probinsya. Inihayag ng siyam na miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Majority Leader Bokal Sonny Ubana, gagawin nila ang pagsasampa ng kasong pandarambong sa hukuman laban kina Gov. Danilo Suarez at department heads ng kapitolyo sa oras na gamitin ng mga ito ang annual budget ng lalawigan nang hindi pa nareresolba sa hukuman…
Read MoreCategory: OPINYON
TAPANG NG MGA SUNDALONG PILIPINO
HIGIT na kilala ang mga Pilipino sa tapang na ipinamalas ng ating mga ninuno, bagay na tila hindi na makita sa isyu ng teritoryong mistulang ipinamigay na sa mga Tsino. Kung tutuusin, hindi nawawala sa dugo ng mga sundalo ang pagiging palaban at makabayan. Pero sa ilalim ng sistemang kalakip ng istruktura ng pamahalaan, kinakailangan ang hudyat mula sa pamunuang tiklop sa mga mananakop. Taong 2016 nang mahalal bilang Pangulo si Rodrigo Duterte. Ito rin ang hudyat ng pamamayagpag ng mga dayuhang Tsino sa ating sakop na teritoryo – karagatan…
Read MoreOFWs, NALUNGKOT SA ‘REDLIST’ NG IATF
MAPAGPALANG araw mga ka-Saksi, abot-abot ang kalungkutan at panghihinayang ng mga kabayani nating overseas Filipinos dahil sa inanunsyo ng IATF ang travel ban sa mga bansang nasa ilalim ng red list dulot ng bagong COVID variant na ‘Omicron’ na nananalasa sa mga bansa sa Europa at Africa. Sa group chats ng mga kabayani natin, nanghihinayang sila sapagkat naka-book na umano ang kanilang flights sa Pilipinas para makasama ang kanilang pamilya sa Kapaskuhan hanggang New Year. Nagastusan na umano sila sa COVID tests, tiket at nabiling mga pasalubong at iba pang…
Read MoreBERDUGO NG ANTIPOLO!
WASAK hindi lamang ang kabahayan, kundi maging ang kaligtasan at kinabukasan ng hindi bababa sa 100 pamilya makaraang pasukin ng mga berdugo ang isang maliit na komunidad sa VV Soliven, Barangay Mayamot sa Lungsod ng Antipolo. Pinalayas ang mga pobreng residente sa gitna ng pandemya – bagay na ipinagpilitan ng mga kawani ng Antipolo City Engineering Office, kasama pa ang sangkaterbang armadong pulis mula sa Rizal PNP sa hangaring mapasakamay ang 2.3-ektaryang lupang saklaw ng titulo sa pangalan ng isang Danilo Cortez. Isang private property ang nasabing lugar, na taliwas…
Read MoreSANA ‘DI MAPURNADA
NAGKAROON tayo ng pag-asa na makapagdiwang ng Pasko matapos humupa ang COVID-19 lalo na ang Delta variant mula noong Oktubre matapos itong ipagkait sa atin noong nakaraang taon dahil sa virus na ito na courtesy ng China. Sa katunayan, naghahanda na ang pami-pamilya para makapagdiwang ng Pasko nang sama-sama at salubungin ang bagong taon na may kasamang pag-asa at dasal na sana sa susunod na taon ay tuluyan nang mawala ang COVID-19. Marami na sa ating mga kababayan na nasa ibang bansa ang naka-book na ang kanilang flight pabalik sa…
Read MoreNAGBABADYANG BALIK-SINDIKATO
KASABAY ng babala ng World Health Organization (WHO) kaugnay ng bagong tuklas na COVID-19 variant, muling nabuhayan ng pag-asa ang mga utak sindikato sa gobyernong kasapakat ng mga wanted na Tsino. Pag-amin mismo ni vaccine czar Carlito Galvez, posibleng muling gawing mandatory ang pagsusuot ng face shields na simbolo ng mga dorobo. Giit ni Galvez, mas mabangis ang peligrong dala ng Omicron variant. Tama naman ang Kalihim pero hindi sagot ang panibagong pasanin ng naghihikahos na Pilipino sa nagbabadyang pandemyang mistulang gatasan ng mga tiwali sa gobyerno. Maging si Health…
Read MoreBONGBONG MARCOS: OUR COUNTRY’S PRODIGAL SON
AFTER more than three decades of inept governance after the Marcos rule that polarized the country, Ferdinand Marcos, Jr. is poised to win the Presidential elections in 2022. Currently the frontrunner in surveys with majority votes, Marcos, Jr. is very popular among first time voters, the Generation Xers, and the Millennials, too. During the Marcos era, scores of accomplishments vis-à-vis its alleged abuses had carefully balanced the political equilibrium of its time, which either ripped apart or moved the nation’s hope for a better society. The ultimate question now is:…
Read MoreCAYETANO WALANG PUSO SA MAHIHIRAP!
KILALANG libangan lamang ng mga Pilipino ang sabong. Kumbaga, pampalipas oras lamang nila. Kaya masaya na sila sa simpleng tupada kahit na maliit lamang ang pusta. Karamihan sa mga hackfight ay ginagawa sa mga probinsya. May mga manok din kasi na hindi kayang lumaban sa hackfight sa mga sabungan. Kaya doon sila humahantong sa tupada. Ginagawa nila ito, mairaos lamang ang hilig o libangan. Ang masama nga lang, illegal ito o bawal. Maraming mga kababayan natin na nagsimula lamang sa pagiging backyard breeder noong araw. Bumibili ng paisa-isang manok na…
Read MorePAGSUPORTA KAY BBM NINA ENRILE AT RAMOS IKINAGALAK
ANG 1986 EDSA People Power Revolution ang nagpabagsak kay dating Pangulong Ferdinand E. Marcos matapos ang pagbitaw ng suporta nina dating Defense Minister Juan Ponce Enrile at noo’y Philippine Constabulary chief, Fidel V. Ramos mula 1972 hanggang February 25, 1986. Dinagsa ang EDSA sa harap ng Camp Aguinaldo ng iba’t ibang religious groups at maging ng mga taong nais sumuporta sa ipinaglalaban ng dalawa. Sa isang pagpupulong sa Palasyo ng Malacañang ay naging mahinahon pa rin si Pangulong Marcos at hindi pinayagan ang suhestyon ni dating AFP chief, General Fabian…
Read More