TRESPASSING SA 3 SEKYU NA PUMASOK SA BAHAY NA MAY BAKOD

TAKOT na takot ang isang ginang matapos pasukin ang bahay na kanilang tinitirahan na nakabakod, ng tatlong kalalakihan na pawang mga armado ng baril noong nakaraang Lunes, Nobyembre 22, 2021. Ang tinutukoy po natin ay ang bahay ni Arlene Espenera ng Upper Bangkal, Brgy. Isidro, Rodriguez, Rizal. Ipinarating sa PUNA ang kanilang reklamo kaugnay sa ginawa ng tatlong guwardiya ng Silver Griffin Security na may tanggapan sa No. 17 A. Martin St., Brgy. Tugatog, Malabon City na pumasok sa likurang bahagi ng bahay ni Ginang Espenera sa nabanggit na address.…

Read More

CREDIT GRABBER

NAPAPANSIN ko na kapag panahon ng eleksyon, ang daming pulitiko na credit grabber para ipakita marahil sa taumbayan na meron silang nagawa kaya dapat iboto uli sila. Kung napapansin n’yo, may mga reeleksyunista na ipinangangalandakan sa kanilang political ads na kesyo sila ang gumawa ng batas na ganito, batas na ganyan para ipakita na may accomplishment sila. Parang sila lang ang nagtrabaho at hindi binigyan ng kredito ang mga kasamahan nila sa Kongreso na nagkaroon ng malaking bahagi at papel kung bakit naging batas ang isang panukala. Para sa kaalaman…

Read More

BENTAHE NG ADMINISTRASYON

HINDI biro ang gastos ng mga kandidato para sa pagiging Pangulo. Bigla sumagi sa isip ng publiko si dating ­Pangulong Fidel Ramos na minsang nagsabing tumataginting na P5 bilyon ang kailangan ng isang presidential candidate para ­makapaglunsad ng isang epektibong kampanya – nang walang katiyakang mananalo liban na lamang kung gagamitan ng salamangka, pandaraya at pagbili ng boto. Dito lamang ang administrasyon. Nasa kanila ang kakayahang makalikom ng pondong kailangan para sa publisidad gamit ang campaign advertisements sa telebisyon, radyo, ­peryodiko at maging sa social media kung saan nagkalat ang…

Read More

SABI NI REP. EDDIE VILLANUEVA, SMUGGLING AT TAX EVASION PROBLEMA, ‘DI E-SABONG!

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG KILALANG kumokontra si House Deputy Speaker at ­CIBAC Rep. Eddie Villanueva sa e-sabong o online sabong. Sabi ni Villanueva, mas malaki raw ang negatibong epekto ng online gambling sa lipunan kaysa inaasahang kikitain dito ng ­gobyerno. Kung gustong kumita ng pamahalaan, mas maigi raw aniya kung tingnang maigi ang loopholes sa revenue-generation functions nito. Tingnan daw dapat ang smuggling at tax evasion ng mga kompanya. Sa ganitong paraan, mas makakakita raw ito ng government resources. Hindi raw makabubuti ang e-sabong. Excuse lang daw…

Read More

PINATULOG NG OMBUDSMAN

SAKSI NGAYON INSIDER Ni FERNAN ANGELES TALIWAS sa akala ng marami, hindi lamang sa Malakanyang may antukin. Maging sa Office of the Ombudsman, ­naging kalakaran ang pagtulog – hindi ng mga kawani kundi ng kasong isinampa sa kanilang tanggapan. Agosto 1998 pa nang ihain ang isang detalyadong asunto kaugnay ng maanomalyang pagbebenta ng Philippine Esta­tes Authority (Philippine ­Reclamation Authority na ngayon) sa 41.6-ektaryang reclaimed area ng Manila Bay sa Manila Bay Development Corporation (MBDC) sa halagang P104 kada metro kwadrado. Giit noon ng PEA, ang MBDC ang nakapag-alok ng “best…

Read More

PAG-APRUBA SA PONDO NG LALAWIGAN NG QUEZON, PINALAGAN

IPINAGTATAKA ng iba pang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Quezon ang ginawang paspasang pag-apruba ng apat lamang na mga dumalong miyembro ng (SP) sa ­pangunguna ni Bokal Donaldo “Jet” Suarez, anak ni Quezon Governor Danilo Suarez, ang nakabinbing 2021 revised provincial annual budget na P4,157,830,020, sa isang special session. Una rito, binuo ng konseho kasama si Vice- Governor ­Samuel Nantes, ang kapulungan bilang committee-as-a-whole sa ­kuwestyunableng special session. Bukod kay Bokal Suarez, dumalo rin ang tatlo niyang ­kaalyado sa Minority Bloc na sina Bokal Alona Obispo, Yna Liwanag at…

Read More

UTANG NA LOOB KAY QUIBOLOY

HIGIT na kilala si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtanaw ng utang na loob. Katunayan, maka­ilang ulit na niyang sina­lag ang mga batikos at patutsada sa mga taong aniya’y may mabuting nagawa hindi lamang sa kanya kundi maging sa ating bansa. Sa pagsambulat ng ­balita kaugnay ng kasong sex trafficking na isinampa ng United States Federal Prosecutors Office laban kay Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy na kilalang malapit sa Pangulo, may agam-agam ang publiko. Isasakripisyo ba ng Pangulo ang kanyang spiritual adviser na may-ari ng private jet na…

Read More

UNA SA LAHAT, AMA SIYA NI PORTER

ROLL VTR Ni VT ROMANO NASAKSIHAN natin ang pagmamahal ng isang ama sa Terence Crawford- Shawn Porter fight kamakalawa ng gabi. Pagmamahal na hindi kayang tumbasan ng materyal na bagay sa mundo. Maaaring hindi sang-ayon ang ilang nakasaksi sa ginawang paghagis ng towel ni Kenny Porter sa 10th round. Wala siyang pakialam sa sasabihin o opinyon ng iba. Ang mahalaga sa kanya ­maprotektahan ang anak na si Shawn. Maprotektahan mula sa malulupit na suntok ni Crawford. Sa mga sandaling iyon, hindi bilang isang chief trainer si (Kenny) Porter, kundi isang…

Read More

PANALO ANG EKONOMIYA SA ELECTION + CHRISTMAS SEASON

MALAKI ang naitutulong ng election season sa ekonomiya ng bansa dahil gumagastos ang mga pulitiko at mga political party para magpakilala sa mga botante at makuha ang suporta ng mga tao. Tiyak din na lalong gagana ang ekonomiya dahil sinasabayan ng pagpapakilala ng mga kandidato ang Christmas season na ang mga tao, kahit mahirap ang kalagayan sa buhay, ay sineselebra ang kapanganakan ng Poong Jesus Cristo kahit anong mangyari. Kung ang Pilipinas ay kilala na may pinakamahabang Christmas season, mukhang nakikilala rin tayo sa mundo na may pinakamabahang election season…

Read More