IBAYONG PAG-IINGAT DAHIL SA OMICRON VARIANT

KUNG kailan sunud-sunod na ang magandang balita tungkol sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19, heto at may bago na namang variant ang nakita mula sa South Africa. Tinawag itong Omicron variant ng World Health Organization. Noong nakaraang linggo, nakita ang panibagong variant sa South Africa. Ayon sa World Health Organization, mas delikado umano ito dahil sa kakayahan nitong mag-mutate nang maraming beses. May kakayahan din daw itong maging resistant sa bakuna. Dahil dito, nauna nang ipinagbawal ng Britanya ang pag-alis ng bansa at ang pagpasok ng mga traveler…

Read More

PAULIT-ULIT LANG

HINDI pa man naka­babangon sa pagkaka­lugmok na dala ng pandemya, isa na namang ­COVID-19 variant mula sa ibang bansa ang ­nagbabanta sa atin – bagay na dapat agad na tugunan ng ­gobyerno. Ayon sa World Health Organization (WHO), 500 ulit na mas mabagsik pa sa mga nagdaang ­variants ang tinatawag nilang ­Omicron na may kakayahang ibalik ang alin mang bansa sa ilalim ng pinakama­dilim na bahagi ng kasaysayan. Bagama’t wala pa namang naitatalang kumpirmadong kaso ng Omicron variant sa Pilipinas, hindi dapat magpakakampante ang Palasyo lalo pa’t bukas pa rin…

Read More

PERMANENT POSITIONS SA GOBYERNO GINAGAMIT SA PULITIKA?

DPA NI BERNARD TAGUINOD MARAMI ang nagdududa na ginagamit sa pulitika ang mga permanent position sa gobyerno lalo na sa Local Government Units (LGUs) kaya mara­mi ang bakanteng trabaho na walang tao. Halos 178,000 ang permanenteng posisyon sa gobyerno at karamihan sa mga ito ay mga trabaho sa LGUs pero hindi nilalagyan ng mga tao kahit pinopondohan ito taon-taon sa national budget. Papaanong nangyari? Halos lahat yata ng mayor ay may utang na loob sa kanilang supporters na pinapangakuan ng trabaho kapag sila ay nakapuwesto na at kailangan nilang tuparin…

Read More

SA AWA KAY PRRD, GO AATRAS? WOW HA!

NAAAWA raw si Sen. Lawrence “Bong” Go kay Pangulong Rodrigo Duterte kaya iaatras niya ang kanyang kandidatura sa pagka-presidente? Hindi na po naniniwala ang taumbayan sa mga ganitong style. Ang tinutukoy po natin ay ang miting na ipinatawag ni Pangulong Rodrigo sa Palasyo ng Malakanyang kamakalawa ng gabi. Ito ang sinabi ni Gov. Manuel Mamba ng ­Cagayan sa interview sa kanya ng Bombo Radio Tuguegarao kahapon. Ayon kay Gov. Mamba, ang alam niya kaya sila ipinatawag ni Sen. Bong Go para hingin ang kanilang suporta sa kanyang kandidatura. Kabilang daw…

Read More

SAYANG LANG

HINDI na bago sa mga Pilipino ang pagtitipid lalo pa’t limitado ang hawak na pera o kita ng isang pamilya. Gayunpaman, hindi praktikal ang pagkukuripot sa lahat ng pagkakataon. Ito mismo ang problema ngayon ng administrasyong Duterte, na piniling ibuhos ang malaking bahagi ng inutang na salapi sa pagbili ng mga bakunang hindi tanggap ng mga mamamayan. Bilang patunay, nakatambak lang at halos mag-expire na sa cold storage facilities ang libo-libong bakunang gawa ng mga Tsino. Pag-amin ng isang opisyal sa lalawigan ng Quezon, nabuburo na ang Sinovac COVID-19 vaccines…

Read More

E-SABONG LIBANGAN NG MASANG SABUNGERO

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG KAPAG sinabing sabong, masaya iyan para sa mga masang sabungero. Kumbaga vitamin para sa kanila ang libangang ito. Sa ating bansa, ­maraming backyard cockfighters o ismol taym lamang. Sila ‘yung nag-aalaga lang ng pailan-ilan na kasya lang sa kanilang bakuran. Siyempre, abot-kaya rin ng kanilang bulsa. Sabi nga, low-budget. Kaya naman, sumasabak lang din sila sa mga tinatawag na hackfight o tupada. Kahit Manalo lang ng P50 o P100, masaya na sila. Mababaw lamang ang happiness ng mga Pinoy. Ganyan ka-exciting ang sabong.…

Read More

RAKET SA RENEWAL NG PASSPORT SA ABROAD, INALMAHAN NG MGA OFW

Aksyon OFW

AKSYON BANTAY OFW Ni FLORANTE ROSALES SINO ba sa Department of Foreign Affairs ang nakaisip ng ‘raket’ sa pagproseso sa renewal ng pasaporte sa overseas Filipino workers sa abroad? Bakit ito idinaan sa ilang outsourcing company ng DFA? Dumaan ba sa bidding process ang kontrata? Sinu-sino kaya ang mga opisyal na kumita rito? Ito ang mga tanong ng galit na galit na mga OFW nang ­iparating sa inyong lingkod ang nasabing ‘raket’ umano na pahirap at dagdag gastusin sa kanila. Tumataginting po kasi, mga ka-Saksi, na mula P4,900 hanggang P5,300…

Read More

PANIBAGONG HAMON KAY RED MARIÑAS

BISTADOR Ni RUDY SIM MULING sasabak sa panibagong hamon ang ­dating opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na si Marc Red Mariñas matapos ang maraming pagsubok sa buhay na pinagdaanan nito. Hindi man pinalad noong 2019 elections bilang alkalde ng lungsod ng Muntinlupa ay muli itong bumangon sa kagustuhang makapaglingkod sa Muntinlupeños na mabigyan pa ng mas maayos na serbisyo lalo ngayong panahon pa rin ng pandemya at dumaraan pa rin sa kahirapan ang bawat barangay. Bagama’t ginagamit ng kalaban nito sa pulitika ang pagkakadawit nito sa Pastillas Scheme ay lakas…

Read More

PUSPUSAN, PASPASAN

SA kabila pa ng pagbuhos ng suplay ng COVID-19 vaccines, nananatiling usad-pagong ang pagbabakuna sa mga Pilipino, dahilan sa likod ng pagkaantala ng pagbangon ng bansa mula sa dusang dala ng pandemya. Kung noon, suplay ang palusot ng administrasyon sa mabagal na pagbabakuna, ngayon tambak na ang suplay na karamihan ay libreng nakukuha mula sa mga bansang mapagkawang-gawa, wala nang dahilan ang gobyerno sa kanilang palpak na sistema. Paandar pa ni vaccine czar Carlito Galvez, magagawa nilang mahagip ang target na 54 milyon bago matapos ang taon, bagay na dapat…

Read More