DRUG TEST SA HANAY NG MGA KANDIDATO

SA kanyang pagkadismaya kaugnay ng mga kaganapan sa pulitika, muling bumula ang bibig ng Pangulo kasabay ng patutsada laban sa isa raw kandidato sa nalalapit na 2022 presidential elections. Aniya, may isang kandidatong ­gumagamit ng droga. Ang siste, hindi naman niya pinangalanan bunsod marahil batid niyang wala naman siyang hawak na ebidensiya. Ang tinuran ng Pangulong galit umano sa droga, sukdulang bumalandra. Bakit nga naman hindi niya ito ipinaaresto noon pa kung totoo ang kanyang paratang. Hindi nga ba’t makailang ulit niyang inamin ang paggamit ng “fentanyl,” isang drogang kawangis…

Read More

Filipino Heritage Night ng Golden State Warriors

NOONG Nobyembre 7, araw ng Linggo, ipinagdiwang ng Golden State Warriors ng NBA ang taunang Filipino Heritage Night sa pamamagitan ng 120-107, demolisyon sa Houston Rockets. Ang masayang gabing iyon ang una sa dalawang Filipino Heritage Nights na handog ng koponan mula Bay Area sa kanilang mga tagasunod na Pilipino sa California at maging sa ibang bahagi ng U.S. of A. Ang pangalawang edisyon ng mayamang tradisyon ng mga Pilipino sa NBA ay gaganapin sa Nobyembre 21. Gumawa si Jordan Poole ng 25 puntos at si Steph Curry ay 20…

Read More

ILANG SOLONS NA AYAW SA E-SABONG, ANTI-POOR

ITINUTURING na “pambansang palaro” o palabas ang sabong sa Pilipinas. Pero may mga ayon sa batas at mayroon din namang illegal. Ang ilan ay kinasasangkutan ng mga pustahan at pagsusugal. Dahil pinuputol o pinupulpol ang mga likas na tahid ng mga tandang na panabong, kinakabitan ng mga metal na tahid na may mga talim ang mga paa ng manok na ilalaban. Kung hindi ako nagkakamali, ginagamit lamang ang guwantes na panabong para sa pagsasanay ng mga tandang. Aba’y may dalawang uri ng mga talim na ginagamit sa pagsasabong, ito ‘yung…

Read More

BALASAHAN SA PNP

NGAYONG may bago nang hepe ang pambansang pulisya sa katauhan ni PNP chief, P/Lt. Gen. Dionardo Carlos ay nagsimula na ring magpalitan ng posisyon ang iba pang mga opisyal ng ahensya. Agad nanumpa si Police MGen. Rhodel Sermonia na magsisilbing kahalili sa nabakanteng puwesto ni Carlos. Itinalaga si MGen. Sermonia, unang police general na hinirang ni Gen. Carlos, bilang bagong PNP Chief Directorial Staff. Si Sermonia rin ngayon ang number 4-man ng PNP. Pumalit naman kay Sermonia bilang Director ng Directorate for Operations si P/BGen. Valeriano de Leon na galing…

Read More

WALANG PINAPAIYAK O INAAPI

Aksyon OFW

PORMAL na nga pong inanunsyo ni Presidential ­aspirant Bongbong Marcos, Jr. ang tambalan nila ni Davao City Mayor Sara Duterte sa 2022 elections. Malinaw ang pahayag ni BBM na iisa ang adhikain nila ni Mayor Sara na ipagpatuloy at palawakin pa ang mga nasimulang programa ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa kapakanan ng mga Pilipino. Nitong Martes, nag-anunsyo na rin si Mayor Sara na tapos na at selyado na ang alyansa nila ni BBM sa gitna ng mga espekulasyon na tatakbo siyang Pangulo sa ilalim ng Lakas-CMD. Noong Linggo, nagkaroon…

Read More

MGA PEKENG KINATAWAN

SA umiiral na sistema ng gobyerno, may tatlong sangay ang pamahalaan – ang ehekutibo, lehislatura at hudikatura. Sa tatlong ito, higit na diskumpiyado ang publiko sa lehislatura, partikular sa Kamara kung saan nagkalat ang mga pekeng kinatawan ng mga sektor na kanilang ibinabandera. Nang gawing batas ang paghahalal ng mga kinatawan sa ilalim ng party-list system, binibigyang tinig ang iba’t ibang sektor ng lipunang tila napag-iiwanan, kung hindi man nakakaligtaan ng pamahalaan. Ang siste, naging daan lamang ang party-list system ng ilang mapagsamantala, mga naghahangad na pabagsakin ang gobyerno at…

Read More

MGA BULOK NA TAXI

HINDI na ako magtataka kung mas gusto ng mga tao na sumakay sa mga asian utility vehicle (AUV) kesa mga taxi dahil maraming bulok na taxi na namamasada at pakiramdam ng mga tao ay naiisahan sila. Ngayong panahon ng pandemya, medyo delikado ang sumakay sa mga AUV dahil marami kayong pasahero kumpara sa taxi na solo mo kaya marami ang pumipili ng taxi para sa kanilang personal na kaligtasan. Mura din ang AUV ­kumpara sa taxi na pagsakay mo pa lang ay magbabayad ka ng P40 at kapag medyo hindi…

Read More

SAMA-SAMA TAYO BABANGON – BBM

ANG katagang ito na binitawan ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., (BBM) ang nagbibigay ng pag-asa sa mga Pinoy na uunlad ang bansa sa mga susunod na taon sa ilalim ng kanyang pamumuno. Ito rin ang nagbigay ng inspirasyon sa mga Pilipino saang sulok man sa mundo sila naroon, na may bukas pa ang Inang Bayan. Base po sa nasasaksihan ng PUNA sa araw-araw na lumilipas ay lalo pang lumalakas at patuloy ang pagdami ng mga umiiyak sa tuwing naririnig ng mga Pilipino ang awiting “Bagong Lipunan”. Dahil sa…

Read More

ATM NG ADMINISTRASYON

MULING pumaibabaw ang iregularidad sa ­gobyerno sa panibagong pagsisiwalat kaugnay ng P13.7-bilyong pondo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na iginarahe sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) at Philippine International Trading Corporation (PITC). Sa pagdinig ng panukalang 2022 operating budget ng Department of National Defense (DND) sa Senado, biglang lumutang ang dalawang Commission on Audit (COA) reports na tumutukoy sa “unliquidated funds” ng militar – P5.2-B sa PS-DBM at P8.5-B naman sa PITC. Lumalabas na ang nasabing pondo ay bahagi lamang ng P39.7-B na inilagak…

Read More