ANG sabong ay hindi na bago sa ating mga pandinig. Kumbaga, kahit saang lugar yata sa bansa o mundo ay may mga nagsasabong. Ang tawag naman sa ganitong libangan sa mga liblib na lugar ay tupada dahil wala sila sa mga cockpit arena. Panahon pa ng ating mga kalolo-lolohan ay nandiyan na ang sabong. Ibig sabihin, libong taon na ang nakalilipas ay nasa Pilipinas na ito. Talagang nagdudulot ng kasiyahan sa lahat ng uri ng tao ang sabong mula sa hari ng isang bansa hanggang sa isang nilalang na taga-baryo…
Read MoreCategory: OPINYON
NANGYARI NA ANG KAGUSTUHAN NG MASA!!!
KABADO na nga ba sila? Ngayong nabuo na ang “the best tandem” para sa 2022 national at local elections? Ang Bongbong-Sara Tandem!!! Nakakatuwa naman at nabago ang naging plano ng Pangulong Digong dahil sa halip na vice president ay senador na lamang ang tinakbuhan nito, target kaya niya ang Senate President? Puwede!!! dahil magaling na abugado naman si PRRD, pero ang magandang balita n’yan ay hindi niya itinuloy ‘yung sabi niya na laban-laban na lang. Dahil sa nasabing pananalita ng Pangulong Digong, inaakala tuloy ng karamihan ay magbi-bise siya kay…
Read More‘FIXER’ NA KONGRESISTA
ABALANG-abala ngayon ang isang kongresista sa pag-areglo ng isang ibinasurang kontrata sa Department of Education (DepEd) kaugnay ng paglilimbag ng learning modules na gagamitin ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa ikatlong bahagi ng school year 2021-2022. Bakit nga naman ‘di niya pagtutuunan ng oras at atensyon ang nasabing kontrata kung ang kapalit naman nito’y malaking perang pwede niyang gamitin bilang pondo sa pangangampanya sa hangarin niyang maging senador – o ‘di naman kaya’y isubi na lamang yaman din lang batid niyang malabo pa sa tsaa ang posibilidad na…
Read MoreBABUYANG HALALAN
ANG halalan marahil ang pinakamalaking patunay na nananatiling buhay ang diwa ng demokrasya sa puso ng bawat mamamayang Pilipino. Subalit lubhang nakababahala ang mga kaganapang mistulang banta sa pagiging sagrado ng nalalapit na halalan. Bakit nga naman hindi – hayagang pagyurak sa integridad ng halalan at sa kakayahang makapag-isip ng mga mamamayan ang tila nagpapaikot sa probisyon kaugnay ng substitution. Ang siste, mismong ang nakaupo ang nanggugulo sa hangaring manatili sa kani-kanilang pwesto. Mismong ang Commission on Elections (Comelec) ay tila gulong-gulo at wari’y nahihilo sa taktikang tsubibo ng ating…
Read MoreD’YAN DEHADO ANG PINOY
MABUTI at nahuli na ng Senado ang magkapatid na Mohit at Twinkle Dargani ng kontrobersyal na Pharmally Pharmaceutical Corporation bago nila natakasan ang mga pananagutan sa batas ng Pilipinas. Kung pagbabasehan ang mga report, gustong takasan ng magkapatid ang kanilang kaso tulad ng pagbabayad ng tamang buwis at maging ang “panloloko” ng kanilang kumpanya sa mga Filipino. Hindi ako nagsabi na naloko ng Pharmally ang mga Filipino ha. Lumabas ‘yan sa Senate hearing matapos aminin ng isa nilang tauhan na nagbenta sila ng mga hindi maayos na face shield sa…
Read MoreNEWS BLACKOUT SA PAGPATAY SA BRGY. KAGAWAD NG PASIG?
Maraming nagtataka kung bakit walang lumalabas sa isyu ng pagpatay sa first kagawad ng Brgy. Rosario, Pasig City. Si Kagawad Nike Cruz ay binaril bandang alas-4 ng hapon noong Oktubre 14, 2021 sa isang lugar sa Brgy. Rosario, Pasig City. Ikinamatay ni Kagawad Cruz ang nasabing pamamaril at makalipas ang labing-apat na araw, noong Oktubre 28 ay nadakip ng Pasig City Police ang suspek. Mula Oktubre 28 hanggang Nobyembre 15, labing walong araw na ang nakalipas ay wala pa ring inilalabas ang Pasig City Police na update ng kaso ng…
Read MoreBALWARTE NG MGA WANTED
SA pagkakadakip ng dalawang corporate executives ng Pharmally Pharmaceutical Corporation sa mismong balwarte ng Pangulo, hindi maiwasang isiping may kinalaman ang Palasyo sa pagtatago ng mga taong pinaniniwalaang nagkamal nang husto sa maanomalyang transaksyon nito sa gobyerno. Bakit nga naman hindi – ang Davao City ay kontrolado ng mga Duterte, at walang ano mang nagaganap sa nasabing lungsod ang makalulusot sa kaalaman ng Pangulo. At lalong imposibleng mawaglit sa mata ng tao ang aspetong paggamit nito ng isang private jet na gagamitin sana ng magkapatid na sina Twinkle at Mohit…
Read MoreSABONG PARTE NA NG BUHAY NG MARAMING PINOY
NOONG mga nagdaang taon, may may nagsusulong sa ibang bansa na ipagbawal ang sabong. Sa bansang Amerika, Europa at Gitnang Silangan o Middle East ay tunay na mahigpit itong ipinagbabawal. Oo, totoong ang pagkahumaling o interes sa manok ay waring hindi na matanggal sa puso ng mga Pinoy. Kahit nga ang mga dayuhan ay gusto rin ito. Sa ilang US territories, ginagawa ring libangan ang sabong. Para rin silang mga Pilipino. Sa ating bansa, may ilang tumututol naman sa sabong. Masyadong marahas daw. Nang pumasok ang pandemya, nawala ang mga…
Read MoreMAY SAKIT NA OFW SA SAUDI, IBINALIK NG POLO-OWWA SA AGENCY
MAPAGPALANG araw mga ka-Saksi! Nakakaawa ang sitwasyon ng isang domestic helper sa Saudi Arabia na humihingi ng tulong sa Phil. Embassy sa Riyadh para makauwi na sa bansa. Inabot na po kasi ng mahigit isang taon ang paghingi ng tulong ni kabayaning Cielo Marie Sabando na hanggang ngayon ay walang nangyayari. Kaya naman, ipinapaalala na natin sa OWWA at DFA ang kanyang hinaing dahil naidulog ko na ito kay OWWA Administrator Hans Cacdac noong October 2020 pa at nangako siya na aaksyunan ang kahilingan ni OFW Cielo. Nakuha naman siya…
Read More