KAPAG napatunayan, posibleng ma-disbar ang abogadang anak ni Quezon Governor Danilo Suarez na si Atty. Joana Suarez at suspensyon naman laban kay Gov. Suarez dahil sa ginawa umanong pag-areglo o panunuhol ng mag-ama sa menor de edad na biktima upang iurong nito ang isinampang mga kasong kidnapping and serious illegal detention with rape, laban kay Lopez, Quezon Municipal Councilor Arkie Manuel Ortiz-Yulde. Sa limang pahinang complaint affidavit ng pamilya ng biktima na isinampa sa office of the Ombudsman (OMB), inireklamo nila ang mag-amang Governor Danilo Suarez at Atty. Joana Suarez…
Read MoreCategory: OPINYON
ADYENDA SA LIKOD NG KANDIDATURA
SA nag-iisang tronong mababakante sa Palasyo, 97 ang may puntiryang pumalit sa Pangulo pagsapit ng pagtatapos ng kanyang termino. Gayundin sa Senado kung saan 175 ang aplikante para lang sa 12 pwesto. Maging sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno, ganun din ang eksena. Sa dami ng naghahain ng sarili sa publiko, ‘di maiwasang magtanong ang mga botanteng Pilipino – ano nga ba ang pakay ng kanilang kandidatura? Nakalulungkot isiping hindi barya ang gastusan sa tuwing halalan kaya naman malamang sa hindi, mahaba-habang bawian ng puhunan sa sandaling maluklok sa kapangyarihan.…
Read MoreAll-MVP Group teams, posible sa PH Cup Finals
SA kauna-unahang pagkakataon sa magkahiwalay na semifinal best-of-seven series sa pagitan ng Talk ‘N Text at San Miguel, Meralco at Magnolia, matagumpay na nakaiskor ang MVP Group ni Manny V. Pangilinan ng double whammy laban sa mga katunggaling koponan ng RSA Group ni Ramon S. Ang nang talunin kapwa ng Tropang Giga ang Beermen at Bolts ang Hotshots noong Biyernes sa 2021 PBA Philippine Cup. Wagi ang Tropang Giga, 115-98, laban sa Beermen at ang Bolts, 91-86, kontra Hotshots sa tahanan ng All-Filipino semi-bubble sa DHVU Gym sa Bacolor, Pampanga.…
Read More‘TRIAL AND ERROR’ SA FACE-TO-FACE CLASSES
NANGANGAMBA ang mga magulang na maging “trial and error” ang pagpapatupad ng face-to-face classes ng Department of Education (DepEd) sa mga mag-aaral sa buong bansa. Kaligtasan kasi ng milyun-milyong mag-aaral ang nakasalalay rito. Noong Setyembre 20, 2021 ang DepEd ay naglabas ng official statement “on the approval of the pilot implementation of limited face-to-face classes in 120 schools.” Nakapaloob sa kanilang official statement na 100 public schools at 20 private schools na may kabuuang 120 piling mga paaralan, ang papayagan sa face-to-face classes sa susunod na taon. Sinabi sa official…
Read MoreNUISANCE CANDIDATE
HINDI ko alam kung nang-aasar, namimilosopo at nanggagago lang ang mga naghain ng certificate of candidacy (COC) para tumakbo bilang senador, bise presidente at presidente. Tuwing panahon na lang ng paghahain ng COC, napakarami ang sumusugod sa Commission on Elections (Comelec) kahit wala silang kakayahang mangampanya. ‘Yan ang epekto ng 1987 Constitution na nagsasabi na kahit sino, basta totoong Pinoy at marunong magbasa at magsulat ay puwedeng tumakbo sa lahat ng elected position sa gobyerno. Hindi mo tuloy malaman kung seryoso ba ang mga taong ito na tinaguriang “nuisance candidate”…
Read MoreKONGRESO SA KAMAY NG IILAN
SA malao’t madali, mapapasakamay na ng mga magkakamag-anak ang buong kongreso lalo pa’t napipinto ang pagpasok ng mga kamag-anak ng mga nakaupong mambabatas sa lehislaturang mistula nang isang bonggang bakasyunan. Sa totoo lang, halos sila-sila lang din naman ang nanunungkulan sa pagpapalit ng mambabatas sa tuwing halalan. Pero ang papalapit na Eleksyon 2022, ang panggulat sa mamamayan. Dangan naman kasi, hindi na makapaghintay ang mga kamag-anak ng mga nasa Kongreso. Sa Senado, nagbabadya ang ama ni Senador Nancy Binay, ang kapatid ni Senador Pia Cayetano at ang magkapatid na anak…
Read MoreGAMITIN AT HUWAG SAYANGIN ANG KARAPATANG BUMOTO
NAGSIMULA nang magpakilala ang mga personalidad na nagnanais makasungkit ng posisyon sa susunod na administrasyon noong nakaraang linggo. Hindi naging hadlang ang pandemyang COVID-19 sa opisyal na pagsisimula ng pagsusumite ng certificates of candidacy (COC) para sa 2022 national elections. Ngayon, higit kailanman, lubhang mahalaga ang siguruhin na tayo ay rehistrado para bumoto. Gamitin ang karapatang makapagtala ng boto sa kung sino ang pinaniniwalaang magiging mahusay na lider ng bansa sa susunod na eleksyon. Kung hindi pa nakakapagpa-rehistro, huwag na palagpasin ang pagkakataon ngayong pinalawig ng Commission on Elections (Comelec)…
Read MoreCAMPAIGN FUNDS NG ADMIN, KUKUNIN BA SA FOREIGN NAT’LS NA HINAHARANG?
DAHIL sa kaliwa’t kanang korapsyon ngayon sa Bureau of Immigration (BI) at sa epekto ng pandemya ay napakaraming mga ordinaryong empleyado ang halos lupaypay sa kahirapan dahil sa kanilang sinasahod kada buwan na halos kalahati na lamang mula nang ito’y bawasan ng ahensya sa kadahilanang wala nang pondo umano ang BI. Ngunit kung labis na naapektuhan ang mga empleyado na umaasa lamang sa kakarampot na suweldo ay taliwas naman ito sa tanggapan ni Commissioner Jaime Morente at ng ilang opisyales ng ahensya na nakatalaga sa airport dahil patuloy pa rin…
Read MorePULITIKA AT BAKUNA
SADYA nga yatang magulo, at marumi ang pulitika sa bansa. Dangan naman kasi, lahat gagawin makalamang lang sa karera. Pati ang patuloy na banta ng pandemya, napupulitika. Sa pag-amin mismo ni Vaccine czar Carlito Galvez, tambak lang at tila naghihintay na lamang ng ilang araw ang mga bakuna bago tuluyang mag-expire sa mga imbakan sa iba’t ibang rehiyon sa bansa. Pasaring pa ng Kalihim, mayroon umanong mga gobernador na sadyang ayaw muna paturukan ang kanilang mga residente. Katunayan aniya, hinaharang pa ang pamamahagi ng mga bakuna kontra COVID-19 dahil lang…
Read More