ONSEHAN SA KASUNDUAN

HINDI na bago ang onsehan sa kultura ng mga Pilipino. Ang nakapagtataka lang ay ­marami pa rin ang pumapatol sa mala-jackpot na pangako ng mga manloloko. Ang siste, hindi lang sa lansangan uso ang onsehan. Maging sa hanay ng mga negosyante at kasapakat na tiwali sa pamahalaan, ang kulturang ganito’y lantaran. Katunayan, lima sa anim na kumpanyang pinangakuan, tulala sa laki ng kanilang isinugal na yaman sa hangaring mabahagian man lang sa kontratang pamamahagi ng ayuda sa bayan. Heto ang kwento niyan – lima sa anim na electronic money remittance…

Read More

BATAS SA PAUPAHAN NABALEWALA

BINABALEWALA ng mga may-ari ng paupahan sa Metro Manila at iba pang urbanized cities sa buong bansa ang batas sa paupahan o ang Rent Control Act in the Philippines (RA 9653). Maraming kawawang mga pamilya ang pinaalis sa kani-kanilang mga inuupahang bahay ng kanilang landlords, habang nasa kasagsagan ng lockdown sa buong bansa dahil sa COVID-19 pandemic. Halos dalawang taon na ang COVID-19 mula noong Marso 2020, dito rin nagsimula ang kalbaryo ng mga nangungupahan. Marami ang nawalan ng hanapbuhay o trabaho. Marami kasi sa mga kumpanya ang pansamantalang nagsipagsara…

Read More

‘YAN ANG PROBLEMA NG MAGSASAKA

ANG isa sa ginagawang mga propaganda ng mga kandidato kapag panahon ng kampanya ay paunlarin ang sektor ng pagsasaka kaya sa mga nakaraang halalan, may mga senatorial candidate na kinukunan ng video sa bukid para sa kanilang TV Commercials. ‘Yung mga magsasaka naman ay nadadala sa kanilang propaganda lalo na’t kailangan na kailangan nila ang tulong mula sa national government para umangat naman ang kanilang kalagayan. Pero kapag nanalo na ang mga kandidatong ibinoto ng mga magsasaka ay hindi na sila maaalala at matatapos na ang termino nila ay wala…

Read More

PWERSAHAN SA BAKUNAHAN

MULING nagpamalas ng pagiging brusko si Pangulong Rodrigo Duterte nang humarap sa kanyang dumadalas na paglabas sa telebisyon para mag-ulat kaugnay ng ginagawa ng ­administrasyon sa laban kontra pandemya. Sa kanyang mensaheng ipinaabot sa publiko, muling nagpaandar ang Pangulo. Aniya, uutusan na raw niya ang Philippine National Police (PNP) na samahan ang mga kawani ng Department of Health para hanapin ang mga bantulot na magpabakuna para sa pwersahang turukan. Bahagi ng paandar ni Duterte ang mala-akyat bahay na diskarte – ang pasukin ang bahay ng mga hindi pa bakunado at…

Read More

TNT muling kakatok sa PBA All-Filipino Cup Championship

WAGI kapwa ang Talk ‘N Text sa San Miguel Beer, 100-90, at Meralco kontra Magnolia Pambansang Manok, 102-98, noong Miyerkoles (Game 5) sa kanilang magkahiwalay na best-of-seven semifinal series ng 2021 PBA Philippine Cup. Parehong impresibo ang naging pagwawagi ng Tropang Giga at Bolts na nasa ilalim kapwa ng MVP Group at ginanap sa DHVSU gym sa Bacolor, Pampanga. Muling lumamang ang Katropa ni coach Chot Reyes, 3-2, sa serye nila laban sa Beermen na nag­dala sa prangkisa para sa isang panalo na lamang tungo sa All-Filipino Finals. Lamang pa…

Read More

BUHAY KO, IPUSTA MO!

HINDI naging kalugod-lugod para sa hanay ng healthcare workers ang patuloy na pagbale­wala ng administrasyong Duterte sa panawagang pagbabago sa kagawarang butbot ng bulilyaso at katiwalian. Sa sobrang pagkadismaya, ang mga doktor at nars na direktang sumasagupa sa pandemya habang nilulustay ng mga taong gobyerno ang kaban ng bayan, nagdeklara na ng isang malawakang panawagan laban sa pag-abuso at katiwalian. Sa inilunsad na Indignation at Call to Action laban sa katiwalian, giit ng iba’t ibang grupo ng mga propesyonal sa larangan ng kalusugan – taympers muna sa nakawan. Bagama’t hindi…

Read More

KATOTOHANAN SA MARTIAL LAW

MATAGAL na pong isinisisi kay dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ang karahasan daw na nangyari sa ilalim ng deklarasyon ng batas militar o Martial Law na ipinatupad noong 1972. Hanggang ngayon ay mainit na usapin ito sa panahon ng halalan sa bayan ni Juan. Lalo na ngayon na ang isa sa mga presidentiable ay anak ng dating Pangulong Marcos na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. (BBM). Palasak at gasgas na at paulit-ulit na lamang ang kanilang ibinabato sa dating Pangulong Marcos at maging sa anak nitong si BBM. Marami na…

Read More

NAKAKAUMAY ANG DRAMA SA SUBSTITUTION

ANG substitution ay sadyang isinama sa election law upang lahat ng mga kandidato na mamamatay o madiskuwalipika bago ang araw ng halalan, ay puwedeng palitan ng kanilang mga kaanak. May mga kandidato kasi sa local position ang biglang namamatay o ma-DQ bago ang halalan at dahil sa probisyon sa batas, maaari silang i-substitute ng kanilang mga kaanak… dapat kaapelyido nila. Pero nasilipan ng mga henyo ng butas ang batas na ito kaya kahit hindi namatay ang isang naghain ng Certificate of Candidacy (COC) ay puwede silang palitan ng kanilang mga…

Read More

EPAL TIME!

SA tuwing may pananalasa ng delubyo, karaniwang eksena ang mga papansing politikong ihayag sa publiko ang kanilang pagtulong sa mga nasalantang Pilipino. Kodak dito, Kodak doon sa hangaring lumanding sa mga pahina ng pahayagan o bahagi ng programa sa ­telebisyon. Sa pag-inog ng panahon, mas nakilala sila sa taguring epal o yaong abala sa pagsawsaw sa tuwing may pagkakataon sa hangarin magpapansin sa publiko bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa nalalapit na halalan. Ang siste, marami sa mga epal ay yaong mga mismong nakaupo sa gobyerno. Ang masaklap, ‘di nila…

Read More