BSP NAGBABALA SA “PASALO-BENTA” CAR SCAM

BINALAAN ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga nagnanais na bumili ng sasakyan na mag-ingat sa mga sindikato na nasa likod ng “PASALO-BENTA” scam. Ang advisory ay inilabas ng BSP noong nakaraang Setyembre 29, 2021 kaugnay ng nasa likod ng ­balance/pasalo scheme o mas kilala ngayong “PASALO-BENTA”. Target ng sindikato ang bibili ng sasakyan na gustong makamura o makatipid. Sa ganitong sistema, ili­lipat ng may-ari ng sasakyan ang kanyang responsibilidad na bayarin sa kanyang pinagkunan ng sasakyan sa sasalo ng kanyang auto loan. Ang gagawin ng sindikato ay bibilhin…

Read More

LUMALAKI ANG GASTOS

MALAKI ang nabawas sa income ng mga Filipino mula nang magkaroon ng pandemya sa COVID-19 sa bansa noong nakaraang taon pero ang karamihan ay talagang walang kita at baon na baon na sila sa utang. Pero limitado ang kanilang income, parami nang parami ang kanilang gastos araw-araw dahil sa pagtaas ng presyo ng serbisyo publiko, bilihin at idagdag mo pa dyan ang face shield at face mask. Oo nga pala, bakit wala pang inilalabas na polisiya sa pagsusuot ng face shield eh inutos na ng Pangulo na hindi na oobligahin…

Read More

GAME NA!

SINIMULAN na ng Commission on Elections (Comelec) ang proseso ng pagtanggap ng mga kandidatura para sa iba’t ibang ­posisyon sa gobyerno – mula sa pangulo, hanggang sa mga konsehal. Ito na rin ang hudyat para sa 63 milyong botante para suriing mabuti kung sino sa kanila ang dapat pagkatiwalaan sa pamumuno sa gobyernong iiwang lugmok ng administrasyong mistulang bigo sa pangakong pagbabago nang sila’y nakiusap at umarbor ng ating boto. Mayroon pa tayong sapat na panahong makinig sa kanilang platapormang idadaan sa talumpati, anunsyo, mga paandar sa social media, patalastas…

Read More

OFW SA AL KHOBAR, AYAW PAUWIIN SA PILIPINAS NG AMO

KAHAPON ay naimbitahan akong muli ng ­programang “Rise and Shine Pilipinas” ng PTV4 upang idulog ang problema ng isang OFW na nasa Al Khobar, Saudi Arabia. Sa nasabing interview ay dumulog ang kamag-anak ni OFW Vilma Laipon na sina Ellen at Elizabeth Ngohayon na parehong nakikiusap na matulungan ang kanilang kapatid na si Vilma. Sa sumbong nina Ellen at Elizabeth, walong buwan nang tapos ang kontrata nito sa kanyang amo ngunit ayaw pa rin itong payagan na makauwi sa Pilipinas. Maging ang kanilang ama na may malubhang karamdaman ay labis-labis…

Read More

UTANG NA LOOB!

KUNG pagbabatayan ang pinakahuling datos kaugnay ng estado sa pananalapi ng gobyerno, mistulang papalubog na ang Pilipinas. Dangan naman kasi, lumobo na sa P11.64 ­trilyon ang outstanding debt o utang ng bansa na bahagi ng isang ulat na saklaw hanggang buwan ng nakaraang Agosto, at posible pang umabot sa P13.42 trilyon sa pagpapalit ng taon. Higit itong mas mataas ng 21% kaysa sa P9.62 trilyong naitalang pagkakautang noong nakaraang taon. ‘Yan ang dambuhalang problemang haharapin ng susunod na Pangulo, at marahil dahilan kung bakit paniwala ng marami, wala nang gagawin…

Read More

ANG KAHANGA-HANGANG MAGITING NA PULIS NG BUTUAN CITY

KUNG katulad ni Police Corporal Jenos Asaron ang mga awtoridad natin sa iba’t ibang lugar sa bansa, wala sana tayong problema sa peace and order. Napanood ng PUNA ang viral na video ngayon sa social media kung paanong inagawan ni Asaron ang isang lalaking may dalang maigsing baril sa Butuan City. Hindi na nakapalag ang suspek habang nakatalikod siya at nakikipag-usap sa ibang pulis, nang agawan siya ng baril ni Asaron. Bilib din tayo sa istratihiya ng kanilang hepe na nanguna sa short briefing na kasama si Asaron kung paano…

Read More

‘DI SANA GAYAHIN ANG CHINA

NAGBANTA si Pangulong Rodrigo Duterte na gagamitin nito ang kanyang police power para pilitin ang mga tao na magpabakuna ng anti-COVID-19 vaccines kapag may sapat nang supply nito. May kapangyarihan ang Pangulo na gawin ang lahat nang dapat gawin para matiyak na lahat ng mga Filipino na vulnerable sa COVID-19 ay mabakunahan dahil hanggang ngayon ay marami pa rin ang nagdududa sa bisa ng mga bakuna lalo na ang Sinovac na binili nila sa China at may pinakamaraming supply kumpara sa iba pang brand na mas pinagkakatiwalaan ng mga tao.…

Read More

BAGONG OLIGARKO

KUNG ang pagbabatayan ay ang mga salitang namutawi sa mga labi ng Pangulo, malinaw na hindi pabor ang administrasyon sa ­monopolyo ng mga oligarkong kumokontrol sa tinatawag na utility services – kuryente, tubig at komunikasyon. Subalit taliwas sa mga pahayag ng Pangulo ang pagsulpot ng mga bagong oligarkong mula sa hanay ng mga kaalyado niya mismo. Una nang nagawang masungkit ng Udenna Group ni Dennis Uy mula sa Davao ang 90% ng controlling stake ng Malampaya natural gas project sa karagatang sakop ng Palawan makaraang bilhin nito ang 45% na…

Read More

NON-HEALTH WORKERS NA FRONTLINERS DAPAT PAGKALOOBAN DIN NG SRA – BBM

MAKIKITA sa isang indibidwal kung ito nga ba’y makatao at panglider ang kalibre. Bagama’t kaliwa’t kanan ang mga paratang ng ilang mga kritiko sa kanilang pamilya ay hindi naman nagpapatinag bagkus ay kapakanan pa rin ng kanyang kapwa ang iniisip ngayong panahon ng pandemya, partikular na ang mga frontliner. Ang pinatutungkulan ko po ay itong si dating Senator Ferdinand “BongBong” Marcos, Jr. na hindi na inalintana ang mga pagbatikos sa kanila, bagkus ginawa nito ang nararapat na gawin ng isang indibidwal para sa kanyang kapwa. At bilang isang ­dating senador…

Read More