SADYANG PAGLILIHIS

MALINAW na paglilihis sa tunay na usapin ang naging takbo ng talakayan sa pinakahuling “Talk to the Nation” ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan naging paksa ang expiration date na kalakip ng medical supplies na binili ng gobyerno sa pinaborang Pharmally Pharmaceutical Corporation. Ni hindi man lamang nabanggit ang tunay na isyu – ang katiwalian ng mga taong kanyang pinagkatiwalaang tumugon sa tawag ng pangangailangan. Magkano nga ulit ang ibinayad ng Department of Budget and Management (DBM) para sa dispalinghadong medical supplies? Tumataginting na P44 bilyon, o katumbas ng 22…

Read More

MODUS NG “NINJA COPS” GINAGAWA NG ILANG QC POLICE?

IPINARATING sa PUNA na may mga pulis pa rin daw ngayon ang gumagawa ng modus ng tinaguriang “Ninja Cops”. Ang dalawa ay nakatalaga sa Novaliches Police Station 5 at isa namang policewoman pa man din ay nakatalaga sa Fairview Station 5 na pawang nasa ilalim ng Quezon City Police District (QCPD). Bakit sinabi silang mga remnant ng “Ninja Cops”? Ang modus kasi ng mga ito ay katulad din ng “Ninja Cops”, protektor sila ng mga nagtutulak at nagre-recyle ng kanilang mga nahuling ilegal na droga. Nang magsimulang umupo si Pangulong…

Read More

GRANULAR LOCKDOWN PUWEDENG GAMITIN SA ELEKSYON

MARAMI ang kinakabahan dito sa granular lockdown na ipinatutupad ng Local Government Units (LGUs) para makontrol ang galaw ng mga tao sa isang lugar kung saan may positibo sa COVID-19. Pabor na pabor ito sa incumbent officials sa LGUs na tatakbo muli sa 2022 ­local election para sa kanilang re-election dahil maaaring i-lockdown nila ang mga lugar kung saan mahina sila pagdating ng araw ng halalan. Sa ngayon, nagsasagawa ng kani-kanilang survey ang mga mayor sa kanilang lugar para alamin kung sila ba ay malakas pa, na regular nilang ginagawa…

Read More

NASAAN SI MAGO?

SA pag-amin ng isa sa mga punong ­personalidad ng kontrobersyal na kumpanyang ginawaran ng ­pinakamalaking procurement deals ng Department of Budget and Management (DBM), walang dudang may bulilyaso ang mga taong pinagkatiwalaan ng Pangulo. Ani Krizle Grace Mago sa pagdinig ng Senado, inutusan lang siyang aregluhin ang mga dispalinghadong supplies na binebenta nila sa gobyerno sa presyong malayo sa umi­iral na halaga sa merkado noong mga panahong nakasaad sa dokumento. Pag-amin pa ni Mago, lahat ng kanilang ibinenta sa gobyerno ay pawang substandard sa hangad ng kumpanya na makadale ng…

Read More

Tuloy giyera ng RSA, MVP groups sa PBA

MAKABALIK na nga kaya ang MVP Group na pinangungunahan ni businessman-sportsman Manny V. Pangilinan sa PBA na anim na taon nang dinodomina ng RSA Group na pag-aari ni Ramon S. Ang ng San Miguel Corp.? Sa simula ng kasalukuyang Philippine Cup semi-bubble sa Don Honorio Ventura University Gym sa Bacolor, Pampanga hanggang sa matapos ang elimination round ng 12 PBA teams, tila nakatakdang bumalikwas ang koponan ng Talk ‘N Text Tropang Giga sa matagal nitong kabiguang makakuha kahit isang titulo, na huling nalasap ng koponan anim na taon na ang…

Read More

OFW SA KUWAIT BINUGBOG, AYAW IPA-MEDICAL NG AHENSYA

IPINARATING sa AKOOFW ang isang sumbong ng OFW na nasa Kuwait na binugbog ng amo. Kalakip sa kanyang ­sumbong ang mga larawan na nagpapakita ng mga pasa sa kanyang katawan bunga ng pagmamalupit ng kanyang amo. Ang OFW na aking tinutukoy ay si Bernalyn Avila na kasalukuyan nang kinukupkop ng kanyang ahensya sa Kuwait na kinilalang Aldhara Agency. Ngunit bago siya ­nakarating sa nasabing ahensya ay nagpadala ito ng mensahe ng paghingi ng tulong kay volunteer advocate Aiysha Consuelo. Ayon kay Bernalyn, “Noon pong September 22, 2021 ay binugbog po…

Read More

KABATAANG EDAD 12 PATAAS, MALAPIT NANG TUMANGGAP NG ANTI-COVID VACCINES

NANG magsimula ang pamamahagi ng bakuna sa bansa noong Marso, ang kwalipikado lamang ay ang mga indibidwal na may edad 18 taong gulang pataas. Ilang buwan matapos inaprubahan ng Philippine Food and Drug Administration ang Emergency Use Authorization (EUA) ng Pfizer-BioNTech para sa kabataang may edad 12 hanggang 17 taong gulang, lumabas kamakailan ang rekomen­dasyon ukol dito. Tila nalalapit na ang pagbabakuna sa nasabing age group. Noong Hunyo, ipinaliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na bagaman binigyang pahintulot na ng FDA ang Pfizer-BioNTech, hindi agarang maisasama ang mga ito…

Read More

TAKTIKA NG DEHADO

ILANG kembot na lang, mag-uumpisa nang luminaw ang ating kinabukasan – ang sintang bayan ba’y mananatiling bulag sa ­reyalidad o pipiliing i-wasto ang pagkakamaling anim na taong pinagdusahan natin nang sukdulan? Bagama’t Disyembre pa ng nakaraang taon nagsimula ang usapang halalan, ngayon pa lang lumalabas ang linaw, posisyunan at batuhan ng putik sa hangad na ibaon ang napipintong kalaban. Hindi na bago ang siraan sa pulitika. ‘Yan kasi minsan ang tanging paraan ng mga dehado, lalo pa’t suntok sa buwan ang tsansang sila’y manalo. May nagpapapogi sa mata ng masa…

Read More

UMATRAS DIN PERO…

NOONG Martes isinulat ko rito sa ating pitak ang ­posibleng gawin ni ­Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin ng face shield na ginawang “simbolo ng katiwalian” sa ­kasalukuyang administration ng mga Pinoy… alisin na ang face shield o panindigan na lang. Bago n’yan marami ang nanawagan na alisin na ang face shield dahil wala namang patunay na nakatutulong ito para maiwasan ng mga taong nagsusuot nito na hindi sila mahahawa sa COVID-19 na in-export ng isang Chinese national sa Pilipinas noong 2020. Noong Hunyo inatras ni Digong ang pagpapasuot ng face…

Read More