WALA na sa ayos ang gawain ng isang empleyado ng Bureau of Immigration (BI) na nakatalaga sa Clark International Airport sa Pampanga kung saan kahit ngayong panahon na may pandemic ay nilalabag nito ang ilang foreign policy at health protocol na ngayo’y umiiral. Mula noong nagkaroon ng pandemic at nagkaroon ng travel ban ay naging istrikto ang mga ahensya ng pamahalaan lalo sa pagpasok sa ating bansa ng mga dayuhan. Ngunit ang isang tauhan umano ng BI sa Clark ay madalas magpalusot ng Korean nationals kahit wala ang mga itong…
Read MoreCategory: OPINYON
SANA ALL MAY HIYA
LUBOS na inggit ang nadama ng mga Pilipino sa bansang Japan matapos umere ang balita hinggil sa pagbibitiw ni Prime Minister Yoshihide Suga kaugnay sa kabiguan nitong tugunan nang angkop ang kinakaharap na problemang dulot ng patuloy na banta ng pandemya. Pag-amin ni Suga, bigo siya sa inaasahan ng kanyang mga kababayan. Kaya naman pasya niya’y bumaba sa pwesto at ibigay ang liderato sa higit na may kakayahan para gampanan ang responsibilidad na kaakibat ng trono. Kilala ang mga Hapon sa kanilang disiplina at isang salita – mga katangiang tila…
Read MoreYUMAYAMAN SILA SA PANDEMYA
MALAKI ang dapat ipinagpapasalamat ng mga may-ari ng mga malalaking pharmaceutical company sa China dahil naging multi-billionaire sila (US dollar) sa coronavirus disease 2019 sa maiksing panahon lang. Mantakin mo, sa loob lamang ng isang taon, nadagdagan ng 9 ang multi-billionaire sa mundo at pawang mga may-ari ng mga pharmaceutical company na gumawa ng COVID-19 vaccines. Nanguna sa kumita nang husto sa COVID-19 pandemic ang CEO ng Moderna na si Stéphane Bancel na biglang umabot sa US $4.3 billion ang kanyang net worth sa loob lang ng isang taon. Sumunod…
Read MoreE-SABONG SA FB LEGAL BA?
MARAMI ang nagtataka kung bakit naglipana ang E-Sabong o online sabong sa Facebook. May kanya-kanya silang gimmick para makakumbinsi ng kanilang mga manlalaro. Isa sa tagasubaybay ng PUNA ang minessage sa kanyang Facebook ng isang babae na kilalanin na lang nating si “Apple”. Gamit niya ang SW418 E-Sabong. Ayon kay Apple sa ating source, ahente raw siya ng SW418 E-Sabong kaya nangangalap siya ng maglalaro sa nasabing online sabong. Hindi marunong magsugal ang source ng PUNA, sa E-Sabong pero dahil sa pangungumbinsi ng ahenteng si Apple ay gusto niya raw…
Read MoreSALAG-SAWAY
PAGTITIYAK ng Pangulo, walang milagro sa mga transaksyong pinasok ng gobyerno kaya naman bigay todo ang pagtatanggol niya sa mga itinalaga sa pwesto. Sa hangaring salagin ang mga batikos sa mga alipores na nasa pwesto, sukdulang sawayin ang tagapagsuri at ang Kongreso. Banta pa niya, hindi na niya pasisiputin ang mga ipatatawag ng Senado, dangan naman daw kasi ibinibilad lang sa kahihiyan ang mga ito. Kakatwang isiping si Duterte ay isang abogado. Katunayan, hindi lang daw siya basta abogado – isa rin siyang henyo kaya naman sa mahabang panahon ay…
Read MoreKAPIT SA PATALIM
MARAMI sa mga ina ng tahanan ang kumakapit sa patalim dahil sa kahirapan na dulot ng pandemya ng COVID-19 na halos dalawang taon nang nananalasa sa bansa. Batay sa natanggap na impormasyon ng PUNA, may mga magulang ang napipilitang makipag-chat sa mga dayuhang lalaki sa ibang bansa para lang magkaroon ng pera. Siyempre, hindi lang ordinary ang pakikipag-usap ng ina ng tahanan sa mga dayuhang lalaki kundi pumapasok na rin sa kalaswaan na kaganapan. Hindi papayag ang dayuhang lalaki na magbigay ng pera sa babaeng Pinay na ka-chat niya kung…
Read MoreKUNSINTIDOR
NOONG bata pa lamang kami, alaga kami ng mga magulang namin ng sermon at pangaral. May mga pagkakataon na napapalo kami kapag sumusuway sa kanilang batas. Wala pang batas noon na bawal mamalo ng bata kaya bukod sa palo nakatitikim din kami ng parusa tulad ng pagluhod sa bilao na merong monggo kapag sumobra at matindi na talaga ang kasalanang nagawa namin sa aming mga magulang. Ang sakit nun! Kahit sa school, may mga teacher kami na namamalo kapag magulo kami sa loob ng klase o kaya napabayaan namin ang…
Read MorePAGKANLONG NG SINDIKATO
LUBHANG nakababahala ang mga kaganapan kaugnay ng pasabog ng Commission on Audit (COA) na siyang nagbigay daan sa pagsambulat ng sabwatan ng mga tiwaling opisyales ng gobyerno at mga tinutugis dahil sa kanilang mandamyento de aresto. Dahil dito, tila natataranta ang Palasyo kung paano sasalagin ang mga sangkot lalo pa’t bahagi nito ang isang mambabatas na kilalang malapit sa Pangulo, mga itinalaga ng Pangulo sa pwesto at mga banyagang nahaharap pala sa patung-patong na kasong isinampa ng mga estado kung saan sila gumawa ng bulilyaso. Sino ba naman kasing matinong…
Read MoreManny Pacquiao: ‘Champion For Life’
SA kabila ng kanyang pagkabigong makamit na muli ang korona ng super-welterweight na binawi sa kanya ng World Boxing Association pitong buwan ang nakalilipas, balak bigyan ng nasabing organisasyon si eight-division world champion Manny Pacquiao ng karangalang “Champion for Life” sa ika-100 taong anibersaryo nito. Sa ulat ng mga foreign news service, sinabi mismo ito ni WBA president Gilberto Mendoza Jr. matapos makipagkita sa Pambansang Kamao, makaraang talunin ito ng Cubanong si Yordenis Ugas noong nakaraang Linggo (Sabado sa Amerika) sa T-Mobile Arena sa Las Vegas. Base sa kumalat na…
Read More