HINDI ‘YAN ANG INVESTOR NA KAILANGAN NG PINAS

TOTOONG nangangailangan ang Pilipinas ng mga investor pero ‘yung mga investor na maglalagak ng malaking puhunan at magtatayo ng negosyo sa ating bansa para mabigyan ng trabaho ang mga Filipino at pagkukunan ng buwis. Pero hindi tulad ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na P620,000 lang ang puhunan… pondo na hindi kayang magtayo ng isang maliit na negosyo para mag-empleyo ng mga Filipino. Hindi ‘yan ang klase ng mga investor ang hinahanap ng mga Filipino kundi ‘yung magtatayo ng mga pabrika, at industriya para makapagbigay ng trabaho sa mga tao at income…

Read More

OFW NA MAY KARAMDAMAN NANAWAGAN SA GOBYERNO

SA nakaraang mga araw ay mga kahilingan ng mga OFW na may karamdaman na nagnanais makauwi sa Pilipinas ang aking natanggap na mensahe sa email at messenger. Kabilang na rito si ­Rochelle Calcita na nasa ­bansang Qatar. Siya ay nakarating sa nasabing bansa sa pamamagitan ng ­Cinderella International Manpower. Ayon sa mensahe na ipinadala ng kanyang kapatid na si Cristina Minimo: “Gusto po namin na makauwi na ang aming kapatid na si Rochelle kasi po ay sumasakit po ang kanyang gall bladder dahil sa gall stone. Ibig po namin na…

Read More

200 PISKAL NANGALAMPAG SA DOJ

LUMIHAM kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang halos dalawang daang mga piskal na may ranggong Pros. 1 at 2 sa buong bansa, upang hilingin sa kalihim na maipatupad ang isinasaad ng Section 16 ng Republic Act 10071 o ang Prosecution Services Act of 2010 alinsunod sa Section (606) paragraph (c) at (f) ng DOJ Circular #50 na may petsang June 25, 2010, na nagsasaad o nagtatakda ng antas, lebel, sahod, allowances, at iba pang pribilehiyo para sa mga piskal na may ranggo 2 at 1, ayon sa…

Read More

COWVID-19

TILA mahaba-haba pa ang daranasing pagdurusa ng mga Filipino sa dalawang dahilan – ang patuloy na banta ng pandemya at ang patuloy na paggamit sa pandemya para tumiba. Sa pagtatala ng mga eksperto, magpapatuloy pa ang paghahasik ng perwisyong dala ng COVID-19. Paliwanag ng mga dalubhasa, ang COVID-19 ay isang virus na batay sa pag-aaral ay patuloy lang ang mutation (pagpapalit-­wangis) hangga’t hindi napupuksa ng isang mabisang pangontra dito. Katunayan, pumalo na sa 12 ang mutated strains na sumibol mula sa original na virus na mula sa Wuhan, China. Sa…

Read More

NILOLOKO TAYO NG CHINA

KUNG kayang gaguhin ng China Communist Party ang kanilang sariling mamamayan, mas isipin niyo na lang kung papaano nila gagaguhin ang mga bansa na mayroon silang matinding interest tulad ng Pilipinas. Sa mga twitter post na palagay ko ay mga smuggled video dahil kilala ang China sa pagkontrol sa mainstream media at ­maging sa social media, nakikita kung gaano kalupit ang bansang ito sa kanilang sariling mamamayan. Walang social ­distancing sa vaccination centers na nag-uunahan ang mga tao sa pagpapabakuna dahil kung hindi ay pagkakaitan sila ng serbisyo publiko at…

Read More

WALANG PERMANENTENG KAKAMPI ANG PULITIKANG PINOY

“ONLI in da Pilipins,” ika nga ng mga tagasubaybay ng PUNA dahil wala raw permanenteng kakampi ang Pulitikang Pinoy. Sa Pulitikang Pinoy mag­kakampi ngayon, bukas hindi na. Tulad na lang halimbawa ang San Juan City sa matagal na panahon ay magkakampi ang mga Zamora at mga Estrada partikular ang mga matandang sina Cong. Ronnie Zamora at dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada. Nung pinakahuling eleksyon, nagkahiwalay ang puti at ang de-kolor (Estrada at Zamora). Nabalewala ang kanilang matagal na samahan sa pulitika, naglaban ang anak ni Cong. Ronnie Zamora na si…

Read More

PATINTERO SA KAMATAYAN

TALAGA namang walang kakupas-kupas ang polisiya ng gobyerno. Mula sa paglapag ng virus na galing pa sa Tsina hanggang sa dumami na ang variants mula Alpha hanggang Omega, pagtugon sa peligro, animo’y ­patintero sa gitna ng kalsada. Sa gitna ng ikatlong bugso ng nakamamatay na karamdaman, ang Palasyo ay nagpasya. Ang sabi ng tagapagsalita, ang bansa ay bubuksan na. Katunayan mula ngayong araw, mga ­banyaga ay pasok na kahit pa sila’y magmumula sa mga bansang dating kinandaduhan na. Katwiran ng mga henyo sa gobyerno, iba na ang sigurado. Ang sabi…

Read More

STRANDED NA MANGINGISDANG PINOY SA CHINA, INAKSYUNAN NA

KAMAKAILAN ay dumulog ang halos 29 na ­mangingisdang Filipino na lulan ng tatlong barkong pangisda na nasa gitna ng laot sa Donghan, China. Sumbong nila ay naiipit sila sa hidwaan ng kanilang kapitan na isang Intsik at ng may-ari ng barko. Diumano ay ayaw idaong ng kapitan ng barko ang kanilang sinasakyan upang ­pwersahin ang may-ari nito na bayaran muna ang kanilang mga sweldo bago nila idaong ang barko. Hinala ng mga kabayang mangingisda na ­nakipag-­kutsaba ang kanilang ahensya sa kapitan ng barko na ilayo ang barko sa lugar upang…

Read More

PANUKALA NI BBM UKOL SA BAKUNA, NAPAPANAHON

KAILANGAN paigtingin at pabilisin ang pamamahagi ng bakuna sa bansa upang matugunan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19. Ayon kay dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., dapat tanggalin ng pamahalaan ang red tape kaugnay ng pagbili ng bakuna upang mas mabilis itong makarating sa bansa. Mahalagang masiguro na patuloy ang pagdating ng supply upang hindi maantala ang pamamahagi nito. Sa kasalukuyan, siyam na bakuna ang may pahintulot mula sa Food and Drugs Administration (FDA) na maipamahagi sa bansa kabilang dito ang Sinovac. Sa kasalukuyan, ito ang dominanteng bakuna…

Read More