SA ganitong panahon ng pandemya, ako ay lubos na nagpapasalamat na ako ay nasa ilalim ng lokal na pamahalaan na mayroong maayos at mahusay na sistema. Noong nakaraang linggo ay nakumpleto ko ang ikalawang dosis ng bakuna kontra COVID-19. Nais kong pasalamatan ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Pasig dahil sa napakaayos na sistema nito. Napakalaking kagaanan sa aking kalooban ang maging protektado laban sa COVID-19. Ayon sa mga eksperto sa usaping pangkalusugan, ang pagkumpleto sa bakuna ay hindi nangangahulugan na hindi na magkakaroon ng sakit na COVID-19 ang…
Read MoreCategory: OPINYON
MVP: ‘Hindi dapat kalimutan
“HUWAG muna, hindi pa panahon!” Ito ang naging reaksiyon ni businessman-sportsman Manny V. Pangilinan sa pagkabahala ng ilang sektor na mas mabuti pang kalimutan na ang ating pangarap na kauna-unahang medalyang ginto galing sa Olimpiyada. Ito ay matapos na mabigo ang boksingerong si Eumir Marcial, ang may pinakamalakas na tsansang maputol ang halos 100 taong pagkauhaw ng sambayanan sa gintong medalya na patuloy na humuhulagpos sa palad ng ating mga atleta mula noong ang Pilipinas ay unang lumahok sa Olimpiyada noong 1924. Si middleweight Eumir Marcial, muling binuhay ang pag-asang…
Read More15 MILLION BOTANTE SAAN NA KAYO?
ISANG resolusyon ang ihinain sa Kamara na nag-aatas sa Commission on Elections (Comelec) na dagdagan ang kanilang satellite office sa iba’t ibang panig ng bansa dahil mayroon pa raw 15 million botante ang hindi pa nakakapagparehistro. Sa ganang akin, hndi na dapat kalampagin ang Comelec para gawin nila ang kanilang trabaho. Mayroon silang sapat na pondo para sa registration at dapat gawin nila ang lahat para maabot ang mga hindi pa nakakapagrehistro. Base daw kasi sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), 78 Million na raw ang bilang ng mga…
Read MoreBRGY. CAPTAINS IPAAARESTO NI PDU30, QC COUN. PUMAREN PASAWAY RIN?
HALATANG galit na si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ‘talk to the people/nation’ na ginanap kamakailan sa mga Brgy. Captain matapos malaman nya ang nangyaring mass gathering sa tatlong lugar sa Caloocan City, Quezon City at Norzagaray, Bulacan. Hindi na naman maiwasan ni Pangulong Duterte na magmura dahil sa galit nya sa mga pasaway na mga tao sa nasabing mga lugar. At lalo pa sa mga brgy. captain na pabaya sa kani-kanilang mga tungkulin. Paano nga naman hindi magagalit si Pangulong Duterte eh binabalewala ng mga tao ang health protocols…
Read More38 CHINESE HINARANG SA AIRPORT PEPERAHIN KAYA O IPAPA DEPORT?
MATAPOS masupalpal ang isang abogado sa Bureau of Immigration kay Department of Justice, Secretary Menardo Guevarra makaraang hilingin nito sa kalihim kamakailan na maglabas ng Department Order upang italaga siyang Chief ng Personnel section ng BI ay anumang araw ay mapapatalsik na ito sa kanyang dating duty sa main office ng ahensya at kailangan na itong mag report sa Port Operations Division sa NAIA kung saan pala ito ang kanyang mother unit. Si Atty Archimedes Cano ay dating naka assign sa Board of Special Inquiry (BSI) bago pa man itong…
Read MoreOFW PENSION PLAN ABOT-KAMAY NA SA BAGONG SENATE BILL 2234
KAPAG tuluyang naaprubahan ang Senate Bill 2234 ay magiging abot-kamay na ang ipinangako ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pagkakaroon ng sariling departamento ang mga OFW. Nitong nakaraang Mayo 25 ay pormal nang nagbigay ng “Sponsorship Speech” si Senador Joel Villanueva, pinuno ng Senate Committee on Labor and Employment upang i-report ang nilalaman ng Committee report na produkto ng pinagsama-samang senate bills ng mga senador para sa pagbubuo ng Department of OFW. Bagama’t may ilang nalungkot at nagalit dahil diumano ay binalewala ng Senado ang kahilingan ng mga OFW na…
Read MoreNAPAKATALAMAK NA KORAPSYON LULUTASIN (DAW) NI PACQUIAO
POKARAGAT na ‘yan! Sobrang tindi namang mangako ni Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao tulad ni Pangulong Rodrigo Duterte. Isa sa ipinangako noong tumatakbo sa pagkapangulo si Rodrigo Duterte noong 2016 sa tiket ng Partido Demokratiko Pilipino – Laban ng Bayan (PDP – Laban) ay lulutasin daw niya ang talamak na katiwalian at korapsyon sa pamahalaan. Matatapos na ang termino ni Duterte sa Hunyo, 2022 ay hindi pa rin nababawasan ang korapsyon sa pamahalaan. Kahit mayroon na tayong Office of the Ombudsman (OMB), nagtayo pa si Duterte ng Presidential Anti – Corruption…
Read MorePULIS SABIT NA NAMAN!!!
TINUTUKOY po natin ang nangyaring pagkamatay ng isang lalaki na may sakit na autism sa Valenzuela City kamakailan. Nang-raid daw ang mga pulis sa isang tupada sa nabanggit na lungsod na ikinamatay ng lalaking may autism. Ayon sa mga kamag-anak ng biktima, may nakakita raw na talagang binaril ng pulis ang biktimang 18 anyos na si Edwin Arnigo. Kung ordinaryong raid ‘yon sa mga nagtutupada bakit kailangang mamaril ng pulis? May banta ba sa kanilang buhay sa lugar na yun kaya inunahan na nila itong si Edwin? Sabi pa ng…
Read MoreDI ITINUTURO
ISA sa mga hindi itinuturo ng ating mga health officials ay kung papaano dapat nating i-manage ang ating sarili kapag nagkaroon ng COVID-19. Hindi ko alam kung nakakaligtaan o sinasadya lang ng mga health officials dahil ang tanging paraan nila sa paglaban sa COVID-19 ay dalhin mo ang sarili mo sa ospital para hindi ka mamatay. Marami na kasi akong naririnig na kuwento ng mga kaanak ng mga namatay sa COVID-19 na may comorbidity partikular na ang high blood na maayos naman ang kanilang lagay bago natuklasang positibo sila sa…
Read More