QC LGU HULI NA ­NAMAN SA PAGKILOS SA ­COMMUNITY PANTRY

ANG SAKSI ang isa sa ­unang nakapansin at naglathala sa pamamagitan ng aming ­Editoryal nang nauukol sa Community Pantry na sumibol sa kalye Maginhawa sa Diliman, Quezon City. Sa simula ay hindi naman ito masyadong pinapansin hanggang sa dumami na nang tuluyan ang mga residente sa lugar na ­pumipila para makakuha ng kanilang kailangan. Nagdatingan na rin ang iba’t-iba pang tulong at supply o sabi nga ay mga ‘essentials’ mula sa mga may mabubuting kalooban na yung iba ay galing pa sa iba’t-ibang lalawigan. Pagkatapos ng kalye ­Maginhawa, nasundan ito…

Read More

TATLONG OFW MULA RIYADH, LEBANON AT ­JEDDAH, NANAWAGAN SA DFA-OUMWA

TATLONG OFW mula sa ­Riyadh, Jeddah at Lebanon na pare-parehong nakabilanggo ang nagparating ng kanilang panawagan sa Department of Foreign Affairs – Office of the Undersecretary for Migrant ­Workers Affairs (DFA – OUMWA) Sa pamamagitan ng kani-kanilang pamilya na humingi ng tulong sa AKOOFW na matulungan sana ang kanilang mga kaanak na makalabas ng kulungan at makauwi na sa bansa. Una na rito ang mensahe mula kay Nanay Shirley Magon na humihingi ng tulong para sa kanyang anak na si Retchel Magon. Ayon kay Nanay Shirley, apat na araw nang…

Read More

Michael Jordan at Kobe Bryant: Dalawang alamat sa basketball

Ni EDDIE ALINEA NAHULAAN ba ninyo kung sino ang naatasang magparangal sa pagdadambana kay Kobe ­Bryant sa seremonya sa Naismith Memorial Basketball Hall of Fame? Sino pa nga ba kundi ang nilalang na sa tingin ng marami ay pinakamagaling na nakapagsuot ng jersey at naglaro ng basketball na si Michael Jordan. Si Jordan o MJ na ang estilo ng paglalaro ay tinularan, kinusa man o hindi, ni Bryant noong kanyang kapanahunan. Katunayan, lahat ng mga parangal na nakamit ng maalamat na Chicago Bulls player ay halos naduplika ng superstar ng…

Read More

2022 ELECTIONS TULOY PA KAYA?

MARAMI ang nagtatanong sa PUNA kung matutuloy raw ba ang Presidential at national elections sa 2022? Dumagsa ang maraming katanungan sa atin dahil sa malalang sitwasyon ng COVID-19 pandemic sa bansa. Mismong si Pangulong ­Rodrigo Duterte ang nagsabi kamakailan na marami pa raw ang mamatay dahil sa tindi ng COVID-19. Kaya lalong nagkaroon ng isipan ang marami na posibleng makansela ang eleksyon na kung saan ay ihahalal natin ang uupong bagong Pangulo at Pangalawang Pangulo ng Pilipinas. Posibleng maging hadlang sa pagkakaroon ng halalan ay ang kakulangan sa pondo ng…

Read More

GOB. SUAREZ, WALANG AKSYON VS MASAHOL NA COVID-19 SA QUEZON

ISA ang Quezon sa mga lalawigang masahol ang suliranin sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ngunit, hindi ito nabalita sa media. Batay sa datos ng Department of Health (DOH), umabot na sa 9,000 ang kumpirmadong bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Quezon. Araw-araw tumataas ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa lalawigan. Pokaragat na ‘yan! Napakasahol na pala ng ­COVID-19 sa Quezon. Ngunit, hindi naman naibalita sa media kung nasaan si Gobernador Danilo “Danny” Suarez at kung anu-ano ang mga hakbang nito laban sa COVID-19. Ang Quezon ay bahagi…

Read More

Mga atleta-sundalong bayani ng Pilipinas (Huling Bahagi)

MALIBAN sa siyam na Olympian, 43 pa (52 lahat) na atleta-sundalo ang binigyang pugay noong ika-17 ng Hulyo 1951 ng Philippine Amateur Athletic Federation (PAAF) dahil sa kanilang kabayanihan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Labinsiyam sa kanila ay dinala ang ating bandilang may sagradong kulay na pula, puti at bughaw sa maraming pang-internasyonal na kompetisyon tulad ng mga kababayang Olympian na sina swimmer Teofilo Yldefonso af Miguel White na kapwa nag-uwi ng medalyang tanso mula sa Olimpiyada. Dalawang medalyang tanso ang naibulsa ni Yldefonso ng Piddig, Ilocos Norte noong 1928 sa…

Read More

SUPER LAKAS NI MR. CLEAN

ANG imahe ng isang ­dating bida sa kalinisan sa ating mga kasuotan na si Mr. Clean ay maihahalintulad sa isang mataas na opisyal ng Bureau of Immigration na matipunong lalake at kumikinang ang ulo na tila pinahiran ng floor wax. Ngunit ito kaya’y sa panlabas na anyo lamang? Matatandaan na noong June 4, 2013 ay nagsagawa ang DOJ at NBI ng isang fact finding investigation matapos ang isang kaduda-dudang pagpapadeport kay Park Sungjun na isang Korean national. Sa insidenteng iyon ay kinasuhan noon si alyas Mr. Clean ng paglabag sa…

Read More

PANGARAP NA NEGOSYO SINISIMULAN NANG TUPARIN NG MGA GRUPO NG OFW

NAKAKATUWA na marinig mula mismo sa mga taong nakatanggap ng puhunan sa negosyo mula sa programang OWWA Tulong Puso na kanila nang ­sinisimulan na tuparin ang kanilang mga pangarap. Nitong nakaraang Miyerkules sa aming programa sa radyo na UP UP Pilipinas sa DWDD kasama si BGen Gerry Zamudio, Coco Naik, Bhong David at Emil Carreon, ay naging bisita namin ang mga pinuno ng iba’t-ibang ­samahan ng OFW mula sa Visayas. Aming inalam sa kanila ang kanilang mga naging karanasan sa pagproseso ng kanilang ­aplikasyon para sa OWWA Tulong Puso. Bilang…

Read More

HUWAG MATAKOT MAGPABAKUNA

NANANATILING matindi ang ating pinagdadaanang krisis kontra COVID-19. Sa kasalukuyan ay higit sa 920,000 na ang kabuuang bilang ng positibong kaso nito sa bansa. Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) noong ika-17 ng Abril, sa kabuuang bilang na ito ay nasa 203,710 o 22% ang naitalang aktibong kaso. Sa ­kauna-unahang pagkakataon mula noong pumasok ang pandemyang ­COVID-19 sa bansa, umabot sa higit 200,000 ang kabuuang bilang ng aktibong kasong naitala. Tumaas din ang bilang ng mga namamatay kada araw dahil sa COVID-19. Mula ika-9 hanggang ika-16 ng Abril,…

Read More