ANO ba talaga DTI secretary Ramon Lopez, ekonomiya nga ba ang dahilan o dikta lamang ng ilan?? Anong mayroon sa 10-14 years old para palabasin na sila sa lansangan? Makakatulong ba talaga sila sa ekomiya gayung wala naman silang pera upang gastusin sa kanilang paglabas? Di ko makita ang logic ni DTI Sec Lopez sa pagpayag nito sa pagpalabas sa mga kabataan dahil makakatulong daw ito sa paglago ng ekonomiya?? Ang labo yata noon, dahil yun mismong ginagastos ng mga menor de edad ay mula din naman sa kanilang mga…
Read MoreCategory: OPINYON
INFORMATION CAMPAIGN SA COVID-19 VACCINES DI RAMDAM
HINDI lang ang pagkumbinse sa mga tao na magpabakuna laban sa COVID-19 ang dapat gawin ng national government lalo na ang Department of Health (DOH) kundi dapat ay ipaalam ito sa publiko na libre ang bakunang ito. Bakit? May natanggap akong impormasyon na sa ilang lugar lalo na sa mga probinsya, ikinakalat na ang impormasyon na isa lang sa dalawang bakuna ang libre at ang natitirang isa ay kailangang magbayad na ang mga tao. Upang maging immune raw sa COVID-19 kailangang maturukan ng dalawang beses sa loob ng halos isang…
Read MoreHAYAHAY ANG BUHAY SA PANG-EKONOMIYANG PROYEKTO
MALAKI ang maitutulong ng pagbubukas ng 18 kilometro na Metro Manila Skyway Stage 3 project sa pagluwag ng trapiko sa kahabaan ng EDSA. Magdudugtong ang elevated expressways sa South Luzon Expressway (SLEX) mula sa Buendia, Makati sa North Luzon Expressway (NLEX) sa Balintawak, Quezon City. May 55,000 motorista mula Makati ang makakarating sa Balintawak sa loob na lamang ng 30-minuto araw-araw kumpara sa dating 2 oras na pagbibiyahe sa EDSA dahil sa sobrang sikip ng trapiko. Kaya naman pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Public Works and Highways…
Read MoreKORAPSYON NA NAMAN SA TREN?!
POKARAGAT talaga ang nagaganap sa ating bansa! Noong si Benigno Simeon Cojuangco Aquino III ang pangulo ng ating bansa, nagkaroon ng matinding katiwalian at korapsyon sa Metro Rail Transit (MRT). Ngunit, inabsuwelto ng Office of the Ombudsman (OMB) ang mga taong sangkot dito kung saan kasapi ng gabinete ni Aquino ang ilan sa kanila. Ilang araw makaraang tinapos ng OMB ang kaso sa MRT ay nakadiskubre na naman ng panibagong katiwalian at korapsyon, sa pagkakataong ito ay ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC), sa sistema ng tren sa Pilipinas. Ang panibagong…
Read MoreSTOP OVER SA DUBAI, ISANG URI NG ILLEGAL RECRUITMENT SA U.A.E.
GARAPALAN at talamak na ang nangyayaring illegal recruitment sa social media patungo sa United Arab Emirates (UAE) na kinapapalooban ng Dubai at Abu Dhabi. Nitong nakaraang Biyernes ay napag-usapan namin sa aming programang Bantay OFW sa DWDD 1134KHz AM kasama si Alden Estolas at POEA Administrator Bernard Olalia ang sumbong ng mga OFW ukol sa paghihikayat sa kanila ng ilang mga kapwa OFW na nakabase sa Dubai upang lumipat ng trabaho mula sa karatig na bansa. Kabilang sa mga isinumbong ng mga OFW at Volunteer Advocates ang may Facebook Account…
Read MoreBAGONG PANGULO, BAGONG PAG-ASA PARA SA AMERIKA
SA wakas ay natapos na ang pamumuno ni Donald Trump sa Amerika. Noong ika-20 ng Enero ay ginanap ang inagurasyon ni Joe Biden bilang bago at ika-46 na Pangulo ng nasabing bansa. Naging makasaysayan at kakaiba ang inagurasyon ni Biden dahil sa higpit ng seguridad sa lugar. Tinatayang nasa 25,000 na National Guard ang naroroon upang maprotektahan ang seguridad ng inagurasyon. Ang matinding seguridad ay bunsod ng kaguluhang naganap sa US Capitol noong ika-6 ng Enero nang sumugod dito ang mga taga-suporta ni Trump upang manggulo. Tunay na makasaysayan ang…
Read MoreTeam Pilipinas handa vs South Korea sa FIBA Asia Cup Qualifier – Uichico
WALONG taon at limang sunod na pagkatalo ng Team Pilipinas sa South Korea sa torneong pang-internasyonal ang layong putulin ni coach Jong Uichico at ng pambasang koponan sa darating na third window ng FIBA Asia Cup qualifiers sa Pebrero 18 hanggang 22 sa New Clark City, Pampanga. Mula noong talunin ng mga Pilipinong basketbolista ang mga Koreano, 86-79, sa 2013 FIBA Asia Cup semifinal round ay hindi na ulit nanalo ang ating mga kababayan. Talo tayo sa mga Koreano sa 2014 Asian Games kung kailan ay hindi nakalaro si Andray…
Read MoreKYUSI PUGAD NGA BA NG MGA KRIMINAL?
PABORITONG pinagtataguan o pugad nga ba ng mga kriminal ang Quezon City? Napansin kasi ng PUNA na halos araw-araw sa press release na inilalabas ng Quezon City Police District (QCPD) ay puro wanted persons ang mga nahuhuli sa area of responsability nila. Lalo nitong pagpasok ng bagong pamunuan ni QCPD Director BGen. Danilo Macerin. Marahil sa laki siguro ng nasasakupan nila (Quezon City) na may mahigit isang milyong populasyon at may anim (6) na distrito, ang Quezon City ang itinuturing na pinakamalaki at isa sa pinakamayamang siyudad sa buong bansa.…
Read MoreMAY AASAHAN BA KAY BIDEN SA WEST PHIL SEA?
NANUMPA na na ang ika-46 Pangulo ng Amerika na si Joseph “Joe” Biden at ang kauna-unahang babaing Vice President na si Kamala Harris na ikinatuwa ng mga world leaders na nabanas sa dating Pangulo na si Donald Trump. Ang tanong, ano ang pakinabang ng mga Filipino sa bagong administrasyon ng Amerika sa susunod na apat na tayo bukod sa tulong pinansyal ng bansang ito, hindi lamang sa ekonomiya kundi sa national security forces. Makaaasa ba ang mga Filipino sa bagong administrasyon sa Amerika na mababawi na natin ang mga teritoryong…
Read More