BAYANIHAN MATAPOS ANG KALAMIDAD

SA loob lamang ng dalawang linggo ay tatlong bagyo ang dumaan at nanalasa sa rehiyon ng Bicol at sa Timog na bahagi ng Luzon. Ang isa rito ay ang bagyong Rolly, ang tinaguriang pinakamalakas na bagyo sa mundo ngayong 2020. Matapos ang p­ananalanta ng nasabing bagyo ay muli na namang nasaksihan ang kultura ng bayanihan upang agad na maibalik ang supply ng kuryente sa mga lugar na napinsala ng mga nasabing bagyo – ang rehiyon ng Bicol at ang ­CALABARZON. Mabigat mang trabaho ang pagsasaayos ng mga pasilidad na nasira…

Read More

KAHABAG-HABAG ANG SINAPIT NG MGA TAGA-RODRIGUEZ RIZAL AT CAGAYAN VALLEY

PERSONAL akong nagtungo kasama ang buong tropa ng E-com Elite group na pinamunuan ni Nathan Villasis at Nald Santos sa Barangay Kasiglahan, Rodriguez, Rizal upang mamahagi ng relief goods na ­kinabibilangan ng bigas, instant noodles, sardinas, personal hygiene kit, diapers, face mask at mga gamot sa ubo at lagnat para sa 394 na pamilya. Bagaman inaasahan naman namin na maraming mga pamilya ang ­aming maabutan sa ­naturang lugar na mabibigyan ng aming munting ayuda, ngunit hindi ko inaasahan na matutunghayan ko ang kalunos-lunos nilang ­sitwasyon. Hindi ko mapigilan na mapaluha…

Read More

TULONG MUNA BAGO SISIHAN

MEDYO nakakairata ang ilan sa mga influencer kuno na may ganang manisi sa gitna ng unos na pinagdaanan ng mga kababayan natin sa bagyong ­Ulysses imbes na tumulong muna. May mga panahon ang paninisisi pero huwag sana isabay habang ang marami nating kababayan sa Marikina, Pasig at Rizal ay nasa bubungan ng kanilang bahay na nilalamig, nagugutom at takot na takot sa kanilang buhay. Mas matutuwa ako kung ang mga influencer kuno na ito ay magluto sana ng makakain ng mga evacuees mula sa sarili nilang  pera imbes na gamitin…

Read More

VELASCO KALABAN NG ADMINISTRASYONG DUTERTE

KALABAN ng administrasyong Duterte ang sinumang kakampi at magtatanggol sa Communist Party of the Philippines/New Peoples Army/National Democratic Front of the Philippines (CPP/NPA/NDFP), sapagkat ­itinuturing ng pamahalaan na ­”enemies of the state” ang tatlo. Ngayong putok ang isyu tungkol dito, nabira si ­Speaker Lord Allan Jay Velasco dahil kinampihan at ipinagtanggol nito ang mga kongresista ng Makabayan Bloc mula sa banat ni Lt. Gen. Antonio Perlade Jr., kumander ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Southern Luzon Command (Solcom) at tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed…

Read More

PANGALAN NG MGA AWOL AT SINIBAK NA PULIS DAPAT ILABAS

HINDI ko masisisi ang isang mambabatas sa Kamara na irekomenda sa bagong hepe ng Philippine National Police (PNP) na si General Debold Sinas na isapubliko ang mga pangalan ng mga pulis na sinibak na sa serbisyo o kaya ay absent without official leave o AWOL dahil marami sa kanila ang nasasangkot sa mga krimen. Wala kasing ideya ang publiko kung yung pulis na kalugar nila ay wala na sa serbisyo o hindi na ­nare-report sa trabaho dahil ayaw niya ng kanyang assignment o mayroong kinakaharap na kaso. Aminin na natin,…

Read More

BI-NAIA OFFICERS BINIGYAN NG PASTILLAS NI DUTERTE

TINABLAN kaya ng kahihiyan ang mga opisyal ng Bureau of Immigration na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport na umanoy mga miyembro ng tinaguriang “Pastillas Gang” matapos na ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacanang? Yan ang katanungan ng maraming taga-subaybay ng PUNA. Kung hindi sila tinablan ng kahihiyan talagang pader na sila sa kapal ng mga mukha. Sampal sa kanilang lahat na inisa-isa silang pinakuha ng perang nakarolyo sa balat ng pastillas at sinabihan ng Pangulo na isubo nila ito. Sa pagtitipon ay naroon si ­Secretary Menardo Guevarra na…

Read More

HINDI ‘MAN TO BEAT’ SI ISKO MORENO

NAGLALABASAN na ang mga pangalan ng mga politikong tatakbo sa pagkapangulo sa halalang 2022. Nariyan sina Davao City Mayor Sara Duterte – Carpio, Senador Christopher Lawrence Go at Senador Emmanuel Pacquiao, Bise – Presidente Maria Leonor Robredo at ­dating Senador Ferdinand Marcos, Jr. Ang pinakabago ay si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso. Ang totoo, kamakailan ay nagpahiwatig na si Moreno na iiwan na niya ang Maynila. Sabi pa nga niya, tiwala siyang ipagpapatuloy ni Bise – Alkalde Honey Lacuna – Pangan ang kanyang mga nasimulan sa Maynila. Walang masama…

Read More

SINO TATAYO SA OPOSISYON SA 2022?

MATAPOS na masungkit ng mga Democrats ang White House dahil sa pagkapanalo ni President-Elect Joseph Biden laban kay Donald Trump, parang nabuhayan ng dugo ang oposisyon na tila baga mangyayari sa 2022 na magpapalit din ng kulay ang liderato ng pamumuno sa bansa. Hindi kasi nagawa ni Trump na makahirit pa ng isang termino dahil inayawan na ng na­kararaming Amerikano ang istilo ng kaniyang liderato. Dito naman sa Pilipinas, tila baga nanalo rin ang partido ng oposisyon sa pagwawagi ni Biden at ipinagmamalaki nilang iisa raw ang tinutumbok nilang mga…

Read More

PANAY-PANAY NA AKSYON SA SUMBONG NG OFW

SA aking programa sa DWDD 1134KHz na Bantay OFW ay limang kaso o sumbong ng mga OFW ang ating pilit na binigyan ng aksyon. Dahil sa ang mga humihingi ng tulong ay nagmula sa mga OFW sa Riyadh, Saudi Arabia at sa Kuwait, kung kaya aking inimbitahan si Labor Attache Nasser Mustafa na humahawak ng post na Riyadh at Kuwait. Akin din inimbitahan si ­Welfare Officer Atty. Llewelyn Perez ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang makatulong na mabigyan ng agarang solusyon ang problema na idinulog ng ­kapamilya ng OFW…

Read More