LEONEN DAPAT MAG-INHIBIT SA KASO NI BBM PARA SA DELICADEZA

KUNG PINAHAHALAGAHAN PA NI SUPREME COURT ASSOCIATE JUSTICE MARIO VICTOR LEONEN ANG DIGNIDAD NG ISANG MAHISTRADO NG HUDIKATURA, DAPAT AY MAGBITIW NA ITO BILANG PONENTE SA ELECTION PROTEST NI ­DATING SENADOR FERDINAND MARCOS II LABAN KAY VICE PRESIDENT MARIA LEONOR GERONA – ROBREDO. At sa pamunuan ng Korte Suprema sa pangunguna ni Chief Justice Diosdado Peralta aba’y kailangan siguro na kumilos din ito dahil hindi lang ang dignidad ni Justice Leonen ang nakasalalay dito kundi kasama na ang HUDIKATURA!! Kasi kung magpapatuloy sa kanyang katamaran itong si Justice Leonen aba’y…

Read More

SANA ALL

MARAMI akong nababasang mga komento ng mga Filipino pagkatapos ideklara na nanalo sina Joseph “Joe” Biden at Kamala Harris sa katatapos na presidential election sa Amerika. May nakikipagsaya sa mga supporters at bumoto kay Biden at mayroon din namang nalulungkot, kahit bihira lang dahil sa pagkatalo ng bilyonaryong si Donald Trump sa dapat sana ay kanyang ikalawang termino. Pero wala akong nabasang komento ukol sa pagiging bloodless ng eleksyon sa Amerika hindi tulad dito sa Pilipinas na kapag may election dumadanak ang dugo sa mga malalayong lalawigan. General ang eleksyon…

Read More

KAMAY NA BAKAL VS KORAP GOV’T OFFICIALS

KUNG hindi gagamitan ng kamay na bakal ang paglaban sa mga korap na opisyal ng gobyerno ay hindi ito matutuldukan. Ang tao kasi na nasanay na sa mga karangyaan mula sa perang kanyang kinulimbat sa kaban ng bayan ay manghihinayang na kapag nawala ito sa kanya. Pero kung buhay ang kapalit ng kanyang ginagawang pagnanakaw ay magdadalawang-isip siyang gawin pa ito. Sa ginawang pagtatanong ng PUNA sa ilang mga Pinoy kung anong nararapat sa mga tao ng ­gobyerno na nagnanakaw ng pondo ng bayan, lahat sila ay nagsabing bitayin o…

Read More

LABAN SA “KAFALA” TUNGO SA BAGONG PAG-ASA NG OFWs

MALINAW ang pag-asang nararamdaman at nakikita ng mga kababayan nating nagtatrabaho sa Gitnang Silangan dahil nagdesisyon ang pamahalaan ng Kingdom of Saudi Arabia na sa Marso 2021, ay higit nitong paluluwagin ang kanilang “kafala system”, o “sponsorship system”. Sa ilalim ng kafala, hindi ­basta-basta makakaalis, o makalilipat, ang mga empleyado nang walang pahintulot ng kanilang mga amo. Dahil sa bagong “Labor Relation Initiative” sa Saudi Arabia, mas magkakaroon na kalayaan, o job mobility, ang mga naghahanap-buhay sa Saudi, kabilang ang overseas Filipino workers (OFWs). Mayroong 865,121 mga Filipino na naghahanap-buhay…

Read More

Asahan mahigpit, masalimuot na PBA All Filipino quarterfinal round

GUMAWA ng kasaysayan ang PBA nang ang kauna-unahang liga propesyonal sa bansa ay bumalik noong Nobyembre 3 matapos na kanselahin ang walong laro, dahil sa suspetsa na may isang reperi at isang manlalaro ang nagpositibo sa COVID-19. Lumabas na ang suspetsa ay “false positive” makaraan ang sumunod na pagsusuri, pero napuwersa pa rin ang liga na baguhin ang naunang programa sa layong matapos ang PBA PH Cup elimination sa Nobyembre 11. Hindi lamang isang apat-na laro araw kundi apat na araw na may apat na laro sa pagbabalik ng liga…

Read More

MAHAL NA MAHAL KITA INAY

BUKOD sa pagmamahal ng ­ating Panginoong Diyos ay may hihigit pa ba sa pagmamahal ng isang Ina? Ganyan ko maisasalarawan ang pagmamahal ng mga Nanay. Marami sa ating mga Nanay na OFW ang nagtutungo sa ibang bansa at tinitiis ang kalungkutan at ang pagmamaltrato ng kanilang mga amo para lamang manatili sa pagtatrabaho para sa kanilang mga anak. May ilan pa nga akong nakausap na mga OFW na matapos na maipakita ang larawan ng kanilang mga pasa at galos dahil sa pagmamaltrato ng amo ay makikiusap pa rin na tulungan…

Read More

TIBAY AT PAGTUTULUNGAN NG PILIPINO SA PANAHON NG KALAMIDAD

KASABAY ng patuloy na ­pagharap sa mga pagsubok na dala ng pandemyang COVID-19 sa bansa ay ang pagdating ng pagsubok dala ng sunud-sunod na bagyong pumasok sa Pilipinas. Tatlong bagyo agad ang pumasok sa bansa sa loob lamang ng dalawang linggo. Ang isa pa sa tatlo ay ang bagyong Rolly na siyang natukoy bilang pinakamalakas na bagyo sa buong mundo para sa taong 2020. Umabot sa 20 ang bilang ng mga nasawi at 26 naman ang naitalang sugatan sa pananalanta ng bagyong Rolly. Nasa 100,000 na pamilya at 368,000 katao…

Read More

PAGTATAYO NG PERMANENT EVACUATION CENTERS NAPAPANAHON NA

HINIHIKAYAT natin ang ­gobyerno na maglaan ng pondo para sa pagpapatayo ng mga permanente at ­disaster-resilient na evacuation centers. Dahil sa panahon ngayon na nagtatalo para sa espasyo ang ­quarantine facilities at evacuation centers, ang ­pinakamalinaw na solusyon ay ang pagpapatayo ng permanenteng evacuation centers. Alam naman natin na ang bansa ay kadalasang nakakaranas ng malalakas na mga bagyo, kaya ang pagkakaroon ng permanenteng evacuation centers kaysa sa mga make-shift ang dapat na pangunahing prayoridad. Dapat nating harapin ang reyalidad na hindi bababa sa isang beses sa isang taon, nahaharap…

Read More

HUWAG PURO REACTIONARY

KAILANGANG maging pro-active ang mga ahensya ng gobyerno para makontrol ang presyo ng mga pangunahing bilihin lalo na ang pagkain ngayong bilyon-bilyong panananim at livestock ang sinira ng bagyong Quinta at Rolly sa Bicol, Mimaropa at Visayas region. Ang mga negosyante lalo na ang mga middlemen laging advance mag-isip. Laging pinagkakakitaan ang mga kalamidad at sakuna. Kaya dapat unahan sila ng mga ahensya ng g­obyerno tulad ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA). Lalo pang tataas ang inflation rate ngayong ­Nobyembre kung hindi agad kikilos…

Read More