GIERRAN TO DUQUE: IN OR OUT

PRO HAC VICE Ni BERT MOZO   ANO kaya ang magiging estado ngayon ni Department of Health Secretary Francisco Duque III ngayong mayroon nang bagong Pangulo ang Philippine Health Insurance Co. o PhilHealth. Lalo kaya itong mamayagpag o tuluyan nang makakasuhan ito? Kasi po simula pa sa pamumuno ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay samut-saring reklamo na ang mga ibinabato kay Sec. Duque subalit nakakabalik pa rin ito sa puwesto. Ano kayang uri ng pandikit ang ginagamit ni Sec. Duque dahil kahit isinasangkot na ito sa tinaguriang mafia sa PhilHealth…

Read More

SANA TAPOS NA ANG PANDARAMBONG SA PHILHEALTH

SA lahat ng pagbubunyag hinggil sa korapsyon at pandarambong sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), pinakamatindi na ang naganap ngayon dahil naglabasan ang samu’t saring porma ng pagnanakaw ng bilyun-bilyong pera ng nasabing ahensiya. Grabe talaga dahil sa halip na matakot ang mga mandarambong sa PhilHealth dahil retiradong heneral mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) si Ricardo Morales ay nagpatuloy pa rin ang korapsyon hanggang umabot sa pandarambong. Si Morales ay naging pangulo at chief executive officer ng PhilHealth noong Hulyo 2019. Pandarambong dahil ayon sa batas, pandarambong…

Read More

PEKENG YOSI MALAKI RIN DAW ANG KITAAN?

UNTI-UNTI nang nagpapalit daw ng estilo ang sindikato ng mga Tsekwa mula sa dating illegal drugs ay sa mga pekeng sigarilyo na sila ngayon. Nitong mga nakaraang araw ay sunod-sunod ang pagkakakumpiska ng ibat-ibang pwerto sa bansa ng milyun-milyong pisong halaga ng mga pekeng yosi. Dati rati madalas na bagsakan ng mga pekeng sigarilyo ay karagatan lamang ng Mindanao na sakop ng Port of Zamboanga, ngayon maging sa Port of Batangas, Port of Manila at Port of Subic ay nakakasabat na rin ng mga pekeng sigarilyo. Iisa lang ang ibig…

Read More

KAKAHIYA SA MGA BAYANI

GINUGUNITA ang kabayanihan ng mga Filipinong nagbuwis ng buhay para makamit ng Lahing Kayumanggi ang kalayaan habang isinusulat ko ang pitak na ito. Hindi ko tuloy maiwasang mahiya sa ating mga bayani dahil sa nangyayari ngayon sa ating bansa na tila nakalimutan na ng karamihan sa mga lider natin ang bayanihan na ginawa ng ating mga ninuno. Nakakahiya dahil mas marami ngayon ang ‘makapili’ kumpara noong panahon ng ating mga ninunong nakipaglaban para sa atin kaya tayo malayang bansa hanggang ngayon. Mayroon tayong mga lider na tila isinusuko ang ating…

Read More

MAY E-TABLET NA SA MAYNILA

MASAYANG-MASAYA na ipinamahagi ni Yorme Isko Moreno ng lungsod ng Maynila ang binili nilang electronic tablet (E-tablet) para magamit ng mga estudyante sa kanilang isasagawang distance learning ngayong pasukan. Kung itinuloy lang ng Department of Education o DepEd ang pagbubukas ng klase noong Agosto 24 at hindi iniurong sa Oktubre a-5, saktong-sakto lang ang pagdating ng mga e-tablet sa lungsod. Ang pamahalaang lokal ay naglaan ng kabuuang 994 ­milyong pisong halaga na budget para ipambili ng laptop at e-tablet. Handog nila ito para sa mga estudyante at pampublikong guro sa lungsod…

Read More

LABATT NASSER MUSTAFA, TINATAWAGAN NG PANSIN NI VICE MAYOR HATULAN

LABIS-LABIS ang aking kasiyahan at pasasalamat sa mga opisyales ng ating pamahalaan sa pagbibigay pansin sa aking inilathalang kaso ng ­dalawang sawimpalad na OFW sa Riyadh, Saudi Arabia. Una rito ay si Jasmine Remetrio na ilang araw matapos na makapagsumbong at ­humingi ng saklolo ay ini-report na namatay dahil sa pagkakahulog sa building. Nailibing na ang kanyang bangkay sa Cagayan De Oro nitong nakaraang Agosto 23,2020. Ang pamilya Remerio ay ­humihingi ng hustisya upang masusing imbestigahan ang dahilan ng pagkamatay ni Jasmine dahil hinala nila na may “foul play” na…

Read More

50 TAON IN SPORTS WRITING AND COUNTING

MATATAPOS na ang Agosto at bukas ay simula na ng huling apat na buwan ng taon na nagtatapos sa bre, na ibig sabihin ay umpisa na rin ng mahabang pagdiriwang ng Pilipinas ng panahon ng Kapaskuhan. Pinakamahaba po tayong magdiwang ng kapanganakan ng ating Panginoong Hesukristo sa mundong ibabaw na tumatagal hanggang sa pagunita ng Tatlong Hari sa Enero. Hindi ko po balak talakayin sa kolum na ito kung paanong ang Kapaskuhan ay ipinagdiriwang sa mahirap na bansang ito. Ang tema natin sa araw na ito ay kung bakit  ang…

Read More

SYSTEMS LOSS NG PECO TUMAAS DAHIL SA MALING KOMPYUTASYON

KAWAWA ang mga kustomer, o kliyente ng distribution utility (DU) kapag mataas ang bayarin sa systems loss dahil ang mga kliyente ang nagbabayad nito. Ito ang isa mga problema at pasakit na naranasan ng mga kustomer ng Panay Electric Company (PECO). Dahil dito, kinastigo ng More Electric and Power Corporation (More Power) ang panibagong panlilinlang at pagsisinungaling ng PECO sa mga Ilonggo nang palabasin nito na tumaas ang systems loss na sinisingil sa mga konsyumer na nakabatay sa maling kumpyutasyon. Binatikos din ng More Power ang PECO sa paggamit nito…

Read More

WALA SA HULOG

MARAMI-RAMI na rin akong nabasang libro, marami na rin akong napanood na documentary hinggil sa gobyerno ng iba’t ibang bansa sa mundo at mga tao nagsusulong ng pagbabago sa kanilang bansa. Karaniwan ang mga nagsusulong ng pagbabago at nangangampanya ng rebulusyon para palitan ang nakaupong pangulo ay ang mga oposisyon na hindi sang-ayon sa ipinapatupad na polisya at ginagawa ng nakaupong liderato. Madalas din na ang mga karaniwang tao ang naghahanap ng pagbabago tulad ng ginawa ng sektor ng paggawa sa Pransya sa hindi malilimutang “French Revolution”. Pero dito sa…

Read More