SYSTEMS LOSS NG PECO TUMAAS DAHIL SA MALING KOMPYUTASYON

KAWAWA ang mga kustomer, o kliyente ng distribution utility (DU) kapag mataas ang bayarin sa systems loss dahil ang mga kliyente ang nagbabayad nito.
Ito ang isa mga problema at pasakit na naranasan ng mga kustomer ng Panay Electric Company (PECO).

Dahil dito, kinastigo ng More Electric and Power Corporation (More Power) ang panibagong panlilinlang at pagsisinungaling ng PECO sa mga Ilonggo nang palabasin nito na tumaas ang systems loss na sinisingil sa mga konsyumer na nakabatay sa maling kumpyutasyon.

Binatikos din ng More Power ang PECO sa paggamit nito sa grupong Koalisyon Bantay Kuryente (KBK) na kaalyado nito.

Matatandaang inihayag sa virtual press conference na umabot sa 7.1% ang sinisingil na systems loss sa mga konsyumer ng More Power.

Mataas ito sa 6.5% na itinakda ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Ipinaliwanag ni More Power Spokesperson Jonathan Cabrera na ang systems loss computation ni KBK President Jose Allen Aquino ay ibinatay sa ­maling formula.

Tanging generation charge lamang ang isinama nito sa kumpyutasyon na ang tama ay kasama maging ang transmission charge.

Kung susundan ang formula na ginamit ng KBK tulad halimbawa sa billing ng PECO noong Pebrero 2020, tiyak bubuwelta rin sa kanila ang kanilang akusasyon dahil lalabas na nasa 8.13% ang kanilang systems loss.

Higit na mataas ito kaysa sa ipinalalabas nila laban sa More Power.

Ipinaliwanag ni Cabrera na mula nang magsimula ang operasyon ng More Power noong Pebrero ay nasa 6% systems loss lamang ang kanilang sinisingil sa mga konsyumer at bababa pa ito pagsapit ng 2021 sa 5.50% at 4.75% sa 2022.

Mula noong Mayo 2018 ay nagtakda na ng system loss cap ang ERC na siya lamang pwedeng singilin sa mga consumers.

Ang sobra sa itinakdang cap ay papasanin na ng mga DU, kaya pinaghuhusay ng More Power ang distribution system at buong pasilidad nito.

Hinahabol din ng More Power ang mga gumagamit ng jumper upang hindi lumaki ang kanilang systems loss kung saan kumpanya rin ang papasan nito.

Sa nakaraan, nagkaproblema na rin ang kliyente dahil pinalobo ng PECO ang numero sa naranasang brownout sa Iloilo simula Pebrero 16,2020 hanggang Hulyo 16,2020 na ginawang 412 oras,

gayong nasa kabuuang 182 oras lamang ang power interruption.

Ang layunin nito ay upang palabasin na incompetent ang kumpanya.

Pinuna ni More Power President at CEO Roel Castro ang kawalang “etiquette” ng PECO dahil na rin sa patuloy na pagpapalabas nito ng mga mali-maling isyu at paggawa ng iba’t ibang “tricks” para lamang linlangin ang mga konsyumer at guluhin ang power supply service sa Iloilo City.

Sinabi ni Castro na mayroon pang dalawang taon na mula nang simulan nilang palawigin ang kanilang ­”reconciliation hand” sa PECO para sa kapakanan ng mga konsyumer, subalit wala silang nakuhang kooperasyon, o anuman, mula sa dating DU.

“The relationship of More Power and PECO should not be viewed as a corporate war. More Power has nothing to do with PECO. We are here in Iloilo City not because we are after PECO but we are after the sorry state of facilities here, plagued with complaints of poor service, customer case and high electricity rates,” paliwanag ni Castro.

Aminado si Castro na masakit para sa panig ng PECO management ang pagkawala ng kanilang negosyo na nasa 100 taon na rin ang itinagal.

Subalit nasa linya sila ng public utility at hindi ­pansariling interes ang dapat na mangibabaw, kundi ang kapakanan ng mga power consumers at ng lalawigan, sa kabuuan.

“There are consumers involved here, if PECO look at that perspective then they really should give way. We respect and understand that what they’re going through is painful, but at the end of the day, it’s the court and the r­egulator that will decide on the matter, whatever and whoever is affected should respect the decision.” paliwanag ni Castro.

Ang PECO ay una nang binawian ng legislative franchise ng Kongreso dahil na rin sa hindi maayos na serbisyo at reklamo hinggil sa madalas na insidente ng sunog at brownout sanhi ng kanilang sira-sira nang mga pasilidad.

Pagkatapos, tinanggalan na rin sila ng Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN) at business permit mula sa pamahalaang lungsod ng Iloilo.

184

Related posts

Leave a Comment