OPISYAL SA SC, ‘PUMABOR’ SA CHINESE ESTAFA CASE

KAHIT pinakamataas na korte ang Korte Suprema, hindi dapat nakikialam ang sinumang opisyal dito sa desisyon at operasyon ng mababang korte tulad ng regional trial court (RTC). Kapag nakialam ang isa o dalawang opisyal mula sa mataas na dibisyon ng hudikatura, nagkakaroon ito ng masamang tinapay sa kaso. Maging ang publiko ay nag-iisip ng masama laban sa opisyal na nakialam ukol sa takbo ng kaso. Inilalatag ko ang pananaw kong ito upang mailagay sa tamang konteksto ang kaso sa RTC ng Cebu City kung saan biglang nakaladkad ang pangalan ni…

Read More

OUT OF SCHOOL YOUTH DADAMI PA

LAHAT ng sektor sa ating lipunan ang nasagasaan ng pandemya sa covid-19 kasama na ang edukasyon ng mga kabataang Filipino. Hindi lang pala, mga Filipino kundi maging ang mga kabataan sa buong mundo. Medyo nakakabahala lang ang report ng Department of Education (DepEd) na 27% lang sa mga estudyante sa mga pribadong paaralan ang nakapag-enroll ngayong School Year (SY) 2020-2021. Kung totoo yan, maraming private schools ang mapipilitang magsara at walang ibang pupuntahan ang mga e studyanteng ito kundi sa mga public schools na umaapaw na sa dami ng mga…

Read More

LABORERS NG ISANG CHINESE CONTRUCTION FIRM NAGPASAKLOLO

PERSONAL na binisita ng PUNA sa kanilang barracks ang mga manggagawa ng isang Chinese contractor para sa Sewerage System na magmumula sa Pasig hanggang sa Taytay, Rizal. Humingi sila ng tulong sa PUNA para makuha nila ang kanilang mga benepisyo sa kanilang kumpanya. Ang tinutukoy po natin ay ang Qingdao Municipal Construction Group Co. Ltd namatatagpuan ang kanilang tangggapan sa B68 Ph3 Brgy. San Juan, San Lorenzo Ruiz. Taytay, Rizal. Tapos na raw ang kanilang ginagawang manhole para sa sewerage system pero hanggang ngayon ay hindi pa raw ibinibigay ng…

Read More

SUNGCHANG AL SHAIKH ENGINEERING DAPAT KASTIGUHIN NG POEA

BIBIGYAN ko muna ng puwang ang isang liham o e-mail na aking natanggap mula kay Marlon Arguelles na isang dating OFW mula sa Jubail, Saudi Arabia. Nauna na silang lumapit sa ­Philippine Embassy sa Riyadh nuong Nobyembre 6, 2019 dahil sa reklamong hindi pagbabayad ng ­kumpanya ng kanilang sweldo at hindi pagre-renew ng kanilang Iqama o residence visa. “Magandang buhay po. Ako po si MARLON ARGUELLES, isa po sa kumakatawan sa 292 na pinoy worker na pinauwi at pinangakuan na ibibigay ang natitirang huling sahod at benepisyo ng kumpanyang SUNGCHANG…

Read More

SPECIAL TASK FORCE SA MGA ABOGADONG BIKTIMA NG KARAHASAN

IKINALULUNGKOT natin ang biglaang pagpanaw ng isang tagausig ng Maynila kamailan sa marahas na paraan – ang ika-50 biktima ng nakamamatay na pag-atake sa mga nagpapatupad ng batas mula noong 2016. Muli, nais kong manawagan sa mga kinauukulan na gumawa ng imbestigasyon at bigyang-pansin ang pangangailangan para sa paglikha ng special task force na binubuo ng Department of Justice (DOJ), Philippine National Police (PNP), Commission on Human Rights (CHR) at Integrated Bar of the Philippines (IBP) upang tugunan o matuldukan ang mga pagpatay sa mga abogado. Mariin nating kinukondena ang…

Read More

ESTUDYANTE INIREKLAMO NI BONG GO SA NBI

HINDI ako makikipagtalo na karapatan ng kahit sinong Filipino na magreklamo sa National Bureau of Investigation (NBI), o Philippine National Police (PNP), kung kumbinsido ang taong ito na mayroong nagawang krimen sa kanya. Kahit pangulo ng bansa, pangalawang pangulo, senador, kongresista, alkalde at iba pang Filipino na mayroong pampulitikang kapangyarihan ay maaaring maghain ng reklamo sa NBI, PNP, piskalya o diretso sa korte. Karapatan ng lahat ng bawat Filipino na maghain ng reklamo alinsunod sa itinakda at ipinag-utos ng Saligang Batas. Ngunit, kung kasapi ng Kongreso tulad ni Senador Christopher…

Read More

MGA TSUPER NAG-UUWIAN NA

NAWAWALAN na ng pag-asa ang mga tsuper ng mga pampasaherong jeep na bumalik sa normal ang kanilang pamamasada kaya nag-uuwian na ang mga ito sa kanilang mga probinsya kasama ang kanilang jeep. Nakarating sa inyong DPA as in Deep Penetration Agent na marami na ang nagpasyang umuwi na lang sa probinsya simula nang lumuwag ang community quarantine para dun na lang maghanap ng trabaho dahil sa pakiramdam nila ay wala ng pag-asa sa Metro Manila. Kahit daw kasi payagan ang mga ito na bumiyahe ay wala pa rin silang kikitain…

Read More

SOBRANG “@&@!!! MO!!!” ITO ANG MASASABI KO SINO KA MAN NA NAGPANUKALANG MAGLAGAY NG SHIELD SA MOTORSIKLO!

NAGMOMOTOR kaya yung nagpanukala noon?? Kahit ang Pangulong Mayor Digong ang tatanungin ninyo dahil riders din yan ang sasabihin sa mga nagpanukala niyan na gamitin ninyo ang utak ninyo!! Kasi po pagmalakas ang hangin tapos mayroong ganoong riders shield ang isang motor, malamang sa hindi na matutumba po ang motor, na pag nangyari yon ilang buhay ang inilalagay ninyo sa alanganin?! Yon nga pong walang rider shield na motor siklo eh natutumba pag sobrang malakas ang hangin eh yon pa kayang mayroong harang o rider shield ang hindi!!? Dapat siguro…

Read More

SARAP NG BUHAY

“SARAP ng buhay” ang isa lamang sa mga nasasabi ng mga OFW habang sila ay nananatili sa loob ng mga hotel na pansamantalang ginagamit na quarantine facilities ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Isa nga sa mga komento sa aking napanood na video ng isang OFW ay nagsasabi na “ang hirap pala ng buhay mayaman. Kain at tulog lang sa loob ng airconditioned room”. Simula kasi ng ipatupad ang mandatory quarantine para sa mga dumarating na mga OFW ay nakipagkontrata na agad ang OWWA sa mga hotel sa Metro Manila…

Read More