ANG inyong lingkod ay nagsampa ng isang resolusyon para magsagawa ng pagsisiyasat, in aid of legislation, kaugnay sa naiulat na pagtaas ng online sexual exploitation sa mga bata sa panahon ng Covid-19 enhanced community quarantine. Inihain natin kamakailan ang House Resolution No.999 sa gitna ng ulat ng Department of Justice Office of Cybercrime nasa 279,166 ang mga kaso ng online sexual exploitation sa mga bata na naitala mula noong Marso 1 hanggang Mayo 24. Ito ay katumbas ng 265.63% na pagtaas mula sa parehong panahon noong 2019, kung saan 76,561…
Read MoreCategory: OPINYON
ORDINARYONG TAO WALANG PAGPIPILIAN
KUNG mayroong naiipit sa kalagayan ng ating bansa ngayon ay ang mga karaniwang tao. Kailangan nilang mamili… mamatay sila sa gutom o mamatay sa coronavirus disease 2019. Ayaw nilang mamatay sa covid-19 pero hindi rin sila papayag na mamatay sa gutom kaya kailangan nilang lumabas upang maghanapbuhay at kahit papaano ay may mailalaman sa tiyan ng kanilang pamilya. Di bale sa mga manggagawa sa gobyerno dahil tuloy-tuloy pa rin ang kanilang sahod kasama na ang iba pang benepisyo kahit ano man ang mangyari sa ating bansa dahil nakabudget na ang…
Read MorePAGLALAGAY NG BARRIER SA MOTOR IPINAGPALIBAN NG IATF
MAHIGPIT pa rin ang pagtutol ng riders community sa gusto ng Inter-Agency Task Force (IATF) na paglalagay ng barrier sa motorcycle single para lang makapag-angkas ng asawa o mga anak. Bagamat iilan pa lang ang gumagamit nito ay may mga naitatala ng aksidente. Ayon sa kanila, labis na mapanganib ang gustong ipatupad ng IATF. Sabi pa ng mga nagmomotor sila nga lang mag-isa at wala pang barrier ang kanilang motor pag dumaan sila sa flyover ay halos matangay na sila sa tama ng hangin, paano pa kaya kung may barrier…
Read MoreISYU SA DOSRI BAWAL ILABAS SA MEDIA?
BAWAL bang ilabas at ibunyag sa media ang reklamo laban sa DOSRI (directors, officers, stockholders, and their related interests) ng ilang bangko kung mayroong hindi nasunod na isa o dalawang hakbang sa buong proseso ng pagpapautang sa negosyante? Ibig sabihin, hindi sakop ng malayang pamamahayag ang reklamo ng sinumang negosyanteng Filipino laban sa bangko na inihain sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)? Malinaw ang deklarasyon at utos ng Saligang – Batas ng Pilipinas hinggil sa pagkilala, pagsunod at pagpapatupad ng lahat ng mamamayang Filipino, kabilang na ang mga negosyante, tungkol…
Read MoreMAGANDANG BALITA SA GITNA NG PANDEMYA
NANANATILING isa sa mga pangunahing pagsubok na kinahaharap ng ating bansa ngayon ang pandemyang COVID-19. Ayon sa pinakahuling anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte, mananatili sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ang NCR sa kabila ng patuloy na pagtaas ng bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa bansa. Hangga’t walang bakuna ay tunay na mahirap labanan ang nasabing virus. Kung marami ang hindi susunod sa mga panuntunan ng ipinatutupad sa community quarantine gaya ng pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay at pagsasaugali ng social distancing, patuloy na dadami ang…
Read MoreKUARTA O KAHON ANG LABAN NG MGA OFW
TAONG 1962 nuong unang ipinalabas ang Kuarta o Kahon na kalaunan ay naging Family Kuarta o Kahon. Isa itong noon time game show ni Pepe Pimentel na napapanood sa ABS-CBN at RPN 9 hanggang taon 2000. Isa na ito sa pinaka matagal na noontime game show sa telebisyon na umabot sa 38 taon. Sa larong Kuarta o Kahon ay pipili ang isang contestant ng kahon na maaring maglaman ng malaking halagang kuarta o perang papremyo kung ikaw ay bwenas. Pero maari din na isang saging at iba pang gamit na…
Read MorePAGSASANIB PWERSA NG NPC, UNIBERSIDAD AT KOLEHIYO, NAPAPANAHON
IKINAGALAK natin ang naging hakbang ng National Privacy Commission na makipagtulungan sa iba’t ibang unibersidad at kolehiyo upang makagawa ng isang data privacy code of conduct na naaayon sa pagpapatupad ng distance learning. Dahil sa paglilipat ng iba’t ibang mga operasyon sa online bunsod ng pandemya, ang kahalagahan ng data privacy ay hindi ma aaring bigyang-diin na sapat na, kaya natutuwa tayo na nakikipag-tulungan ang NPC sa mga paaralan para maging mainstream ang privacy consciousness. Ayon sa NPC, ang code of conduct ay magtatakda ng mga pamantayan at mga hakbang…
Read MoreMASAMA ANG MOTIBO NI MARIA RESSA LABAN KAY BONGBONG MARCOS
SIMULA nang maging mamamahayag ako noong Nobyembre 1994 hanggang ngayon ay napakahalaga sa akin na mayroong “talking head” sa mga sinusulat kong balita o tinatalakay sa aking kolum. Ang talking head na binabanggit ko ay ang taong nagpapahayag tungkol sa balita. Maaaring opisyal o tagapagsalita ng ahensiya ng pamahalaan, opisyal o tagapagsalita ng organisasyon o maging ang mga pangkaraniwang tao. Puwede ring organisasyon o dokumentong pinagkunan ng impormasyon. Basta ang mahalaga ay mayroong nagsasalita sa balitang isusulat ng journalist. Tinatanggap din naman kung salitang “source” ang gagamitin. Katunayan, maraming mamamahayag…
Read MorePRIVATE SCHOOLS NAGHIHINGALO DAHIL SA COVID-19
APEKTADO na rin ng pandemya ng COVID-19 ang mga pribadong eskuwelahan sa bansa. Ang ilang miyembro ng Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippine (COCOPEA) ay posibleng magsara dahil kakaunti pa lang ang nag-enrol sa kanilang mga mag-aaral. Marahil ang dahilan ay ang kawalan ng interes nang mga magulang na pag-aralin ang kanilang mga anak habang may COVID-19 sa bansa. Natatakot kasi ang mga magulang na baka mahawaan ng virus ang kanilang mga anak. Isa pang dahilan ay ang kawalan nila ng panggastos dahil karamihan kasi sa mga magulang…
Read More