PARAMI ng parami ang nagpopositibo sa covid-19 sa buong mundo. Mula nang unang kumalat ang virus na ito sa Wuhan City sa China noong Nobyembre 2019, umaabot na sa 13, 943, 817 na ang nagkasakit at 592, 628 (as of July 17 world wide report) ang namatay. Pumalo na rin sa 60,000 ang covid-19 case sa Pilipinas at kung titingnan mo ang trending sa buong mundo, pataas na pataas ang bilang ng mga nagpopositibo sa virus na ito imbes na bumababa. Nakapatay ang Chinese virus na ito (ayon nga kay…
Read MoreCategory: OPINYON
SUPORTAHAN LAHAT NG MANGGAGAWANG NAWALAN NG TRABAHO
DALAWANG isyu ang iwinasiwas at ipinangkumbinsi ng ABS-CBN Corporation sa labing isang kongresista at sa publiko na suportahan ang hinihingi nitong 25-taong prangkisa sa mababang kapulungan ng Kongreso. Ito ay ang malayang pamamahayag o “press freedom” at ang trabaho ng mahigit 11,000 mga manggagawa ng ABS-CBN. Hindi natinag ang 70 sa 85 kongresistang kasapi ng House Committee on Legislative Franchises at Committee on Good Government and Public Accountability sa “pagpatay” sa prangkisa ng ABS-CBN. Nagbabalita noon ang ABS-CBN, sa pamamagitan ng TV Patrol at Bandila. Nagbabalita rin ang DZMM at…
Read MoreMETRO MANILA DAPAT LANG MANATILI SA GCQ
DAPAT pa ring manatili sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila dahil sa patuloy na pagsirit ng mga kaso ng COVID-19. Sunod-sunod na matataas na bilang ang naitatala ng Department of Health (DOH) sa mga kaso ng COVID-19 sa buong bansa. Kahapon as of July 15, 2020, 4PM, ang DOH ay nakapagtala ng kabuuang bilang ng COVID-19 na 58,850. Ang positive cases na naiulat ay 1,392 base sa total tests na isinagawa ng 73 sa 82 kasalukuyang operationals labs. Inanunsyo naman ng DOH ang 517 recoveries na nagdala sa…
Read MoreSEN. JOEL VILLANUEVA, WALANG MALASAKIT SA OFW?
EKSAKTONG isang taon na ang nakalipas nang humarap si Presidente Rodrigo Roa Duterte sa halos isang libong OFW sa ginanap na Araw ng Pasasalamat sa Camp Aguinaldo. Sa nasabing okasyon ipinangako ng Pangulo ang pagkakaroon ng Department of OFW bago matapos ang Disyembre 2019. Labis ang kasiyahan ng mga OFW sa binitawang pangako ng pangulo. Kasunod nito ay ang halos sunod-sunod na imbitasyon at patawag ng kongreso na aking dinaluhan para sa committee hearing upang talakayin ang panukalang batas sa pagkakaroon ng Department of OFW. Sangkaterbang panukalang batas sa pagkakaroon…
Read MoreTATSULOK
NOONG una kong marinig ang kantang ‘tatsulok” ng Buklod, ang isa sa pumasok sa utak ko ay ang mga iilang makapangyarihang tao at pamilya sa ating lipunan o yung tinatawag natin na oligarch. Sila ay maliliit na grupo sa ating lipunan na kayang kontrolin ang gobyerno at halos lahat ng mga negosyo na mahalaga sa buhay ng mga tao ay hawak nila kaya napapaikot nila sa kanilang palad ang bansa. Pasensya na sa Buklod na siyang orihinal na gumawa at kumanta sa makabuluhang kantang ito, pero ito ang pagkakaunawa ko:…
Read MoreKAHANGA-HANGANG ‘PATRIOTIC 70’ AT ‘MAGNIFICENT 7’
MAKASAYSAYAN ang pagbasura ng 70 kongresista sa aplikasyon ng panibagong 25 taong prangkisa ng ABS-CBN Corporation. Ngayon lang naganap ang seryosong paglaban ng malaking bilang ng mga mambabatas sa makapangyarihang oligarko. Kaya, kahanga-hanga ang desisyon at aksiyon ng pitumpong kongresista na tawagin nating “Patriotic 70.” Interes, kagalingan at kinabukasan ng Pilipinas ang ginawang “pagpatay” nila sa aplikasyon ng prangkisa ng ABS-CBN. Dahil sa naganap, napakaraming humahanga at pumupuri sa 70 kongresista. Naniniwala ang pinakamalaking bilang ng mayorya ng mamamayang Filipino na nakamit nila ang katarungan laban sa oligarkiyang nagpapatakbo ng…
Read MoreBUHAY AT TRABAHO
NG hirap na nang panahon sa ngayon dahil sa kailangan mong magtrabaho para sa ikakabuhay ng pamilya mo subalit nanganganib naman ang buhay mo kapag lumabas ka at nagtrabaho dahil sa COVID-19. Ito yung mga panahon na kailangan mo na talagang mamili buhay o hanapbuhay. Kapag pinili mo ang buhay at wala ka namang hanapbuhay ganoon din ang kahihinatnan mo at ng iyong pamilya mamatay kayo dahil sa wala kayong perang ipambibili ng makakain. Ito pa ang pinapangambahan sa ngayon ng iba, dahil sa paglobo ng mga tinamaan ng COVID-19…
Read MoreGIRIAN NG CHINA AT AMERIKA DAPAT IPAGDASAL AT PAGHANDAAN
HINDI pa nga natatapos ang kinakaharap na problema ng Pilipinas dulot ng COVID-19, ay heto na naman at mukhang lalong umiinit ang hidwaan ng US at China sa isyu ng South China Sea. At kung matutuloy ang girian na ito ay tiyak na damay na naman ang Pilipinas. Na-focus ng husto ang atensyon nating mga Pilipino sa problema na dulot ng COVID-19 at ng ABS CBN, at nakaligtaan nating pansinin ang mga kaganapan sa gitna ng South China Sea. Natawag lamang muli ang ating atensyon matapos maglabas ng mensahe si…
Read MoreTAMA, WPS ATIN TALAGA
KUNG mayrong magandang balita na nabasa hinggil sa usapin sa West Philippine Sea (WPS) ito ay nang sabihan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro “Teddy Boy” Locsin Jr., ang China na igalang ang desisyon ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na ang inangkin at sinakop nilang teritoryo ay pag-aari ng Pilipinas. Nagkaroon ng pag-asa ang mga Filipino na sa wakas ay ipinaglalaban na ng gobyerno ang karapatan ng Pilipinas sa WPS matapos ang apat simula nang maipanalo natin ang karapatan natin sa nasabing teritoryo…
Read More