MARAMI na sana ang natuwa sa announcement ni Presidential Spokesperson Harry Roque kamakailan na papayagan na raw ang mag-angkas sa single motorcycle. Lalo na ang mga asawa, live-in partner o mag-jowa na kailangang ihatid o iangkas ng kanilang mga darling sa trabaho o sa pamimili sa palengke. Masaya na nga raw sana sila dahil pinayagan na silang mag-angkas lalo na ngayong taghirap ang pampublikong transportasyon. Ang motorsiklo sana ay malaking tulong. Pero, bigla silang nalungkot nang biglang sabihin ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Ano na…
Read MoreCategory: OPINYON
REP. JAYE NOEL INILAGLAG NG ANAK
LAHAT ng tao ay may kanya-kanyang opinyon, o pagsusuri sa kahit anong usapin, o pangyayari. Kahit ang mga kasapi ng isang pamilya ay puwedeng magkasalungat sa kanilang pananaw sa mga isyu o kontrobersiyang nagaganap sa ating bansa. Ngunit, ibang usapan na kapag lantarang akusahan ng anak ang kanyang mga magulang ng mga masasama at masasakit na salita tulad ng ginawa ni Kito Noel sa kanyang ina na isa pa man ding kinatawan ng Lungsod ng Malabon sa ‘kagalang-galang’ na mababang kapulungan ng Kongreso. Sa kanyang twitter account @marupokpokito, inakusahan ni…
Read MorePAGBALING SA SPORTS SA PANAHON NG PANDEMYA
ISANG pangkaraniwang bagay na para sa isang tao ang humanap ng paraan upang maibsan ang dinadala nitong bigat ng kalooban sa panahon ng pagsubok gaya ngayong pandemya. Ang iba ay ibinabaling ang atensyon sa ibang bagay gaya ng isports at musika. Sa larangan ng isports, isa ang basketball sa pinaka-paborito ng mga Pilipino. Ito ay tila bahagi na ng ating kultura at maituturing na mabisang paraan upang makalimot ng kahit panandalian sa mga problema at para mabawasan ang stress na dinadala. Ito ay isa ring kilalang paraan ng pagbubuklod-buklod ng…
Read MoreUMIWAS MUNA SA POLO-OWWA KUNG GUSTONG MAGING LIGTAS
BASAHIN muna ang kabuuan ng artikulo, bago magbigay ng reaksyon. Malimit kasing mabilis magbigay ng komentaryo o opinyon ang ilang mambabasa na ang nakikita pa lamang ay ang titulo ng artikulo o ng balita. Marahil ay marami ng nagtatampo sa akin na mga “distressed” OFW at advocacy leaders na humihingi sa akin ng tulong. Nuong nakaraang buwan, sa tuwing oras na may humihingi ng tulong upang sila ay i-rescue mula sa kanilang mga employer, ay lagi kong sinasabi na kung hindi naman nakalagay sa bingit ng kamatayan ang kanilang sitwasyon…
Read MoreITURO NG DepEd SA MGA MAGULANG ANG PAMAMARAAN SA PAGTUTURO
HINIHIKAYAT natin ang Department of Education (DepEd) na maghanap din ng mga paraan upang turuan ang mga magulang sa pamamaraan ng pagtuturo sapagkat ang sistema ng edukasyon ng bansa ay lumilipat na patungo sa distance learning dahil sa coronavirus pandemic. Ang mga magulang ay magiging de facto teachers sa ilalim ng distance learning method, i naasahan kong ikokonsidera rin ng DepEd na turuan ang mga magulang upang malaman nila ang kanilang mga tungkulin sa ilalim ng bagong sistema. Milyun-milyong mga sambahayan ang biglang naitulak sa bago at mas aktibong tungkulin,…
Read MoreMATIRA MATIBAY NGAYONG MAY COVID-19
HINDI natin tinatakot ang ating mga kababayan kundi isang paalala lamang po ito para tayo ay maging maingat na hindi tayo dapuan ng coronavirus. Mahigit tatlong buwan na po tayong naghihirap sa epekto ng COVID-19. Kapansin-pansin na ilang araw na ay laging mahigit sa isang libong katao ang nagiging positibo sa COVID-19. Sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH). ‘as of 4PM, July 10, 2020 nakapagtala na ng kabuuang bilang ng COVID-19 cases na 52,914. Karagdagan nito ang 848 fresh cases, 385 ang late cases ang naireport sa panahon…
Read MoreKASINUNGALINGAN ANG MGA PAHAYAG NG ABS-CBN
HANGGANG bago tapusin ng House Committee on Legislative Franchises at Committee on Government and Public Accountability nitong Byernes ng hapon ang aplikasyon ng ABS-CBN Corporation sa prangkisa nito, mayroong tatlong pangunahing kontra-argumento na inilabas ang kampo ng naturang kumpanya. Una, inulit uli ang paninindigang pinatay ang press freedom kung wala nang ABS-CBN. Bago magsimulang talakayin sa Kamara de Representantes ang prangkisa ng ABS-CBN ay malayang-malayang naibabalita ng ABS-CBN, ng DZMM at ANC Channel ang posisyon ng kumpanyang pag-aari ng mga Lopez ng Iloilo tungkol sa paniniwala nilang wasto at karapat-dapat…
Read MoreMAKINIG NAMAN KASI SA MGA TAO
HINDI na ako nagtataka kung bakit dumarami ang kaso ng COVID-19 sa ating bansa dahil marami na ang isinasagawang testing hindi tulad noong unang sigwada na halos walang nati-test. Noong Marso kasi, iilan lang ang tine-test sa COVID-19 kaya kokonti lang ang kasong naitatala kumpara ngayon na marami na ang sinusuri ng gobyerno at pribadong sektor kaya lumalaki ang bilang ng nagpopositibo sa virus na ito na nagmula sa China. Pero ang ikinababahala ko ay ang katotohanan na marami na palang na-infect sa COVID-19 pero hindi agad nalaman dahil sa…
Read MoreKARUMAL-DUMAL NA PAGPATAY NG NPA SA SUNDALO
HINDI bago ang balitang “sundalo, pinatay ng NPA.” Napakarami nang sundalo o pulis ang pinatay ng New People’s Army (NPA) simula nang itatag ang armadong yunit na ito ng Communist Party of the Philippines (CPP) noong Marso 29, 1969 sa Tarlac. Disyembre 26, 1968 naman binuo ang CPP sa Tarlac din. Ang paliwanag ng pamunuan ng CPP ay paggawad ng parusa sa mga nagawang krimen ng mga sundalo o pulis na inireklamo ng masa sa rebolusyonaryong organisasyon. Siyempre, labag sa batas ang desisyon ng CPP at mismong pagpatay ng NPA…
Read More