NAPAKASAYANG PASKO NG SMP (DAGUPAN)

Badilla Ngayon

IPINAGDIRIWANG namin bawat taon ang pagsasara ng taon at pagsalubong sa bagong taon sa Pangasinan (lalawigan ng aking maybahay). Syempre, napakasaya na magkita-kita, magsasamang muli at magdiwang ang ­angkan ng Toledo (apelyido ng maybahay ko noong dalaga pa siya) sa pagsasara ng 2019 at pagsalubong sa 2020. Sa pagpunta ng pamilya ko sa Pangasinan, nasaksihan ko rin ang pagdiriwang ng Pasko ng mga mangingisda sa lungsod ng Dagupan. Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon ng Christmas party ang mga ma­ngingisdang kasapi ng Samahan ng Mangingisdang Pantal (SMP). Matagal na ang mga maliliit…

Read More

2020 – DOJ CASES REPORT!

PRO HAC VICE

Dahil po siguro sa pangu­ngulit ng inyong kabalat mga ka-Saksi, mahigit sa apat na libong mga kaso po mula sa mahigit labing apat na libong mga kaso na naka-apila sa Department of Justice ang naresolba na ng ahensiyang ito ng pamahalaan. Ito po ang nakuhang impormasyon ng inyong kabalat mula kay DOJ Assistant ­Secretary Neal Vincent M. Bainto na nagsabi na ang mga naturang kaso ay ang ­pinagsamang petition for review at motion for ­reconsideration na inihain sa Kagawaran ng Katarungan mula Luzon, Visayas at ­Mindanao. Bagaman mayroong nagawa o…

Read More

ALWAYS POSITIVE ANG MGA PINOY

PUNA

MAY krisis ngayon sa Iran bunga nang pagkamatay ng kanilang opisyal ng militar dahil sa pambobomba ng Amerika kaya’t kailangan nating maging matatag dahil posibleng madamay tayo rito. Namatay sa ginawang airstrike ng Amerika noong Enero 3 si Iranian top commander Qassem Soleimani, itinuturing na ika-2 pinakamataas na lider sa Iran, kaya naman nagbanta ang Iran na ga­ganti sila sa Amerika at posible ang kanilang atakehin ay ang Iraq na kilalang kaalyado ng Amerika. Ayon sa Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) kung lalala ang sigalot sa pagitan ng…

Read More

‘GIYERA’ NI TRUMP, PAMPATAY SA IMPEACHMENT; TULONG SA ELEKSYON

SIDEBAR

Dalawang araw pa lang ang lumilipas matapos ang pagsalubong sa taong 2020 ay nagpasabog agad ang Estados Unidos sa pamamagitan ng isang drone attack kay Iranian Gen. Qassem Suleimani noong Enero 3 sa international airport ng Baghdad sa Iraq. Si US President Donald Trump ang nag-utos ng asasinasyon kay Gen. Suleimani na commanding general ng elite Quds Force ng Iranian armed forces. Preemptive strike ang drone attack kay Suleimani matapos makatanggap ng intelligence report ang US na may plano ang heneral na maghasik ng lagim sa Estados Unidos. Walang makapagsabi…

Read More

DAMAY TAYO SA GIRIAN NG US-IRAN

DPA

HINDI maiiwasang madamay tayo sa tumitinding tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran kaya dapat paghandaan ito ng ating ­gobyerno upang maibsan kahit papaano ang impact nito sa ating bansa. Dahil may military agreement ang Amerika at Pilipinas na magtutulungan sa panahon ng giyera, walang magagawa ang ating gobyerno kundi tumulong sa nasabing bansa kapag pumasok sila sa giyera. Nangyari na ‘yan noong panahon ng Vietnam war, Korean Peninsula war at noong Iraq war kaya kung magkakagiyera sa pagitan ng Amerika at Iran, tutupad at tutupad tayo sa kasunduang…

Read More

AYALA, MVP MAKUKULONG

FOR THE FLAG

Wala nang atrasan. Tuloy-tuloy na. Naka-todo na pati pato. Ito ang laban ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng taumbayan laban sa ganid na water concessionaires. Nakaambang sampahan ni Pangulong  Duterte ng kasong economic plunder, syndicated estafa at economic sabotage ang Maynilad Water Services, Inc. at Manila Water Company, Inc. dahil umano sa mapagsamantalang kontrata na pinasok nito sa gobyerno para sa water distribution. Sinabi ng pangulo na handa siyang bumagsak para ma­kipaglaban at makamtan ang hustisya para sa taumbayan ukol sa hindi makatarungang kontrata ng Manila Water na pagmamay-ari…

Read More

MGA KAHILINGAN PARA SA TAONG 2020

Sa Ganang Akin

PANAHON na naman nang paggawa ng mga resolusyon sa pag-asang magiging mas mabuti tayo at ang mga bagay na dala ng bagong taon. Karaniwang ginagawa ang mga pagpaplano sa umpisa ng taon. Nariyan pa ang paggawa ng listahan ng mga re­solusyon ngunit nakalulungkot na karaniwang hindi na ulit tinitingnan ang listahang ito matapos maisulat. Sa madaling salita, ang mga resolusyon ay karaniwan nang hindi nasusunod. Sa halip na gumawa ng listahan ng mga resolusyon, mukhang mas mainam pa kung gumawa na lamang ng listahan ng mga kahilingan para sa taong…

Read More

PILIPINAS MAGIGING LALAWIGAN NG CHINA?

OKAY O OKRAY

MATAGAL nang panahon na dumating sa Pilipinas ang mga Tsino na masasabing ­halos kasabay nang pagda­ting ng mga Kastila sa bansa sa pangunguna ng Portuguese na si Ferdinand Magellan. Layon ng pangkat ni ­Magellan na sakupin ang bansa kaya’t ipinangalan ito sa hari ng Espanya na si King Philip kaya’t ito ay tinawag na ­Filipinas. ­Gayundin ang dayuhan Tsino na pinamumunuan ng piratang si Limahong na sinakop ang hilagang bahagi ng bansa ­subalit hindi nagtagumpay nang ­tangkaing sakupin ang Maynila. Dahil mas malakas ang puwersa ng mga Kastila, nanaig ang…

Read More

ISULONG ANG FEDERALISMO NGAYONG 2020

FOR THE FLAG

SIMULAN na ang proseso ng pag-shift pula sa presidential form of government patungo sa federalismo na may anyong parliamentary form of government. Mula rito ay maaari nang tahakin ng bansa ang pagpapalakas sa bawat rehiyon at bawat lalawigan. Sa ngayon kasi ay nasa ilalim tayo ng unitary form of government kung saan lahat ng kapangyarihan at pananalapi ay nakasentro sa pambansang pamahalaan. Kaya mabagal ang pag-usad dahil lahat ng pangangailangan ay kinakailangan pang idulog sa pambansang pamahalaan samantalang ang bawat lalawigan at rehiyon ay may ­kanya-kanyang pangangailangan na may kakaibang…

Read More