BAYANIHAN AT KAWALANGHIYAAN SA PANAHON NG SAKUNA

SIDEBAR

BIGLA ang pagsabog ng bulkang Taal noong hapon ng Linggo o isang araw matapos magbabala ang Philippine Institute of Volcanology ang Seismology (Phivolcs) sa pan-ganib na kinakaharap ng mga naninirahan malapit sa bulkan. Pero sa kabila ng sakunang dala ng bulkang Taal, mabilis na rumesponde ang mga lokal na pamahalaan at agad inilikas ang mga nainirahan sa “danger zone” mula hapon hanggang gabi ng Linggo. Kabilang ang AFP-Southern Luzon Command (Solcom) na naka-base sa Camp Nakar sa mabilis na nagpadala ng mag “humanitarian assistance and disaster relief” (HADR) units sa…

Read More

LENI PANG-FAKE NEWS

FOR THE FLAG

Para kay Leni Robredo ay 1% lamang umano ang epekto ng war on drugs ng pamahalaan. Ngayon sino naman ang maniniwala sa kanya? Anong nangyari sa milyon-milyong sumuko  sa pamahalaan? Ano na ang libo-libong naka-graduate sa mga rehabilitation center? Ano na ang bilyon-bilyong pisong nakumpiskang ilegal na droga? Ano na ang mga druglord, drug pusher at drug user na napaghuhuli ng awtoridad? Ano na ang bumukas na kooperasyon ng iba’t ibang bansa ukol sa mga international syndicate ng droga? Mukhang naging bulag at bingi na ang bise presidente. Sa katunayan,…

Read More

PAGLABAN SA NAGBABADYANG KRISIS SA SUPPLY NG TUBIG

Sa Ganang Akin

HABANG ang lahat ay nakatutok sa kontrobersiyang dala ng mga Concession Agreement (CA) ng Maynilad Water Services, Inc. at ng Manila Water Co., isang matinding krisis naman ang pinaghahandaan ng dalawang nasabing kumpanya. Bunsod nang nananati¬ling kritikal na lebel ng Angat Dam ay nanganganib na makaranas ng malubhang kakulangan sa supply ng tubig ang Metro Manila kasama ang ilang mga lugar sa Rizal, Laguna, Cavite, at Bulacan. Tinatayang nasa bilang na 16.5 milyong konsyumer ang maaaring tamaan ng nakaambang na krisis sa supply ng tubig sa bansa. Sa kasalukuyan, 97%…

Read More

PROYEKTONG KALIWA DAM IPATIGIL

Badilla Ngayon

MAPALAD ang People’s Republic of China na ngayon ay nasa ilalim ng liderato ni Pangulong Xi Jinping sapagkat napakabilis nitong napasok ang mga estratehikong pangangailangan ng mamamayan ng bansang  Pilipinas. Sa ngayon, nakapasok ang pamahalaan mismo ng China sa industriya ng telekomunikasyon at serbisyo-publikong tubig sa bansa. Sa larangan ng telekomunikasyon, kasosyo ni Dennis Uy ang pamahalaan ng China sa Dito Telecommunity Inc. Ang Dito ay siyang nanalong kumpanya bilang “third telco” sa bansa, una at pangalawa ang Globe Telecom ng pamilya Ayala at Smart Communications ng pangkat ni Manny…

Read More

UN TUMULONG NA LANG

FOR THE FLAG

Kung totohanan ang intensyon ng United Nations at ng Human Rights Council na tumulong sa Pilipinas, ay maaari silang magbigay ng pondo at donasyon sa pagpapatayo ng kahit isang libong rehabilitation  center upang masimulan na ang panggagamot sa daan-daang libong mga sumukong drug addict. Kapag ginawa ito ng  UN at HRC malamang lalabas at susuko na rin ang milyon pang drug addicts na mahihikayat ng tulong na ito. Hindi makukuha sa puro satsat ang pagtulong sa bansa, nararapat na pondohan nila ang nais nila. Gusto nilang ,masawata ang droga sa…

Read More

PROBLEMANG TINAKPAN NG HOLIDAYS

DPA

Maraming problema ang pansamantalang nakalimutan ng mga tao dahil sa nagdaang Holiday Seasons nitong nagdaang Disyembre na hindi nasolusyunan ng pamahalaan. Una dito ang presyo ng bigas na hindi pa rin bumababa sa P30 bawat kilo dahil naglalaro pa rin sa P32 kada kilo ang presyo ng bigas na may mababang kalidad at ang mga masasarap ay hanggang P58 pa rin ang presyo bawat kilo. Noong binubuo pa lamang ang Rice Tariffication Law, ipinangako ng Kongreso na bababa ang presyo ng bigas kahit ang mga imported rice dahil papayagan ang…

Read More

FOI EO NO. 2  PAHIRAP SA MEDIA

PUNA

HINDI maikakaila na pabor sa taumbayan ang Freedom of Information Executive Order (FOI – EO No. 2) na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Hulyo 23, 2016, ito ay kung susundin ng mga tauhan ng tanggapan ng pamahalaan ang kautusan. Hanggang ngayon, maraming mga opisyal at tauhan ng gobyerno ang hindi umaayon sa ipinalabas na kautusan ng pangulo at marami sa kanila ang hindi batid ang kautusang ito. Ipinalabas ni Duterte ang kautusan upang magkaroon ng transparency ang mga tanggapan bukod pa sa malaking tulong kung may alam ang…

Read More

MAAYOS NA TRASLACION 2020

OKAY O OKRAY

SA kabuuan, maganda ang kinalabasan ng Traslasyon 2020 kung saan naging mabilis ang usad ng Andas ng Poong Itim na Nazareno. Naging maayos at mapayapa ito. Naging maluwag ang daanan dahil halos walang mga nagtitinda at mga sasakyan na tumatayong sagabal sa daraanan. Maganda ang naging preparasyon ng lokal na pamahalaan sa ilalim ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ng National Capital Regional Police Office sa ilalim ni Police/Brigadier General Debold Sinas, Manila Police District sa pangunguna ni Police Brigadier Ge­neral Bernabe Balba at pamunuan ng Traslacion ng Quiapo.…

Read More

BALIK-TANAW SA YOLANDA

FOR THE FLAG

Ang sakuna ay walang pinipili, mabuti ka man o masama. Nang tumama ang pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng sibilisa­syon, ang buong daigdig ay nanonood sa telebisyon, sa internet, blockbuster ika nga, at ang entabladong napili ng supertyphoon Haiyan, na tinawag nating Yolanda, ay ang Tacloban City. Ang sabi ng pamahalaan noon, handang-handa na ang bansa sa pagdating ng supertyphoon, ngunit nagkamali ito, noong libo-libo na ang nangangamatay, ang sabi ng pamahalaan isa lamang eksaherasyon ang mga ulat dahil sa bilang nito ay nasa ilang daang tao ang namatay at…

Read More