HINDI na raw sisingilin ng dalawang concessionaires na Maynilad at Manila Water ang bilyun-bilyong pisong kanilang napanalunan laban sa gobyerno ng ‘Pinas na nadesisyunan sa Singapore court. Siyempre, alam na ng taumbayan kung bakit. Nagalit kasi si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanila dahil wala silang inisip kundi pagkakaperahan. Sabi nga ng mga mambabasa ng Puna, dapat lang gamitan ng kamay na bakal ni Pangulong Digong ang mga negosyante na nagpapatakbo ng tubig dahil pangunahing pangangailangan iyan ng taumbayan. Kaya sa galit ng pangulo sa Maynilad at Manila Water ay hindi na sila pinayagan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na mag-extend ng kanilang kontrata hanggang 2037. Na ang…
Read MoreCategory: OPINYON
ANG KATURUAN
Kapag may balitang may mga pari na nang-abuso ng mananampalatayang Katoliko e namumuhi ang mga tao. Normal na reaksyon po ‘yan. May mga kakilala akong tao na namolestya ng pari. May isa akong estudyante rin noon na namolestya ng pari. Maaaring nakakalimutan po natin na mga tao rin po sila, katulad natin sila rin po ay may pakiramdam. Ako po ay matagal nang hindi Katoliko ngunit palagay ko ay lubhang na-overestimate kasi ng taumbayan ang mga pari kung kaya’t kapag nagkamali sila ay ganu’n na lamang ang muhi ng mamamayan…
Read MorePEACE TALKS ULIT SA CPP-NDF
TAMA ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling buhayin ang naudlot na usapang pangkapayaan ng pamahalaan sa National Democratic Front of the Philippines at sa Communist Party of the Philippines na siyang namumunong organisasyon sa NDFP. Disyembre 5 nang utusan ni Pangulong Duterte si Labor Secretary Silvestre Bello III na makipagkita muli kay CPP Founding Chairman Jose Ma. Sison sa The Netherlands para pag-usapan ang pagpapatuloy ng natigil na peace talks. Pinatigil ni Pangulong Duterte ang peace talks sa CPP-NDF sa gitna ng mga opensiba ng New People’s Army laban sa mga tropa ng…
Read MoreSOBRA-SOBRANG GANID NAMAN NINYO!
NAPAKARAMING probisyon sa kontrata ng Manila Water Company Inc. at Maynilad Water Services Inc. sa pamahalaan nang isapribado ang distribusyon ng tubig sa mga residente ng Metro Manila at mga karatig lalawigan noong 1997 na siguradong makukuha ng mga ito ang bilyun-bilyong tubo. Sa talumpati ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go nitong Disyembre 9, idiniin nitong “Wala na ngang binabayarang corporate income tax ang concessionaires na ito dahil pinapasa na sa mga consumer, pagbabayarin pa nila ngayon ang taumbayan at ang gobyerno (P7.39 bilyon sa Manila Water at P3.4 bilyon…
Read MoreSUPREME COURT NAGBUKAS NG SUMBUNGAN PARA SA SAMBAYANANG FILIPINO
‘YAN mismo ang nais na ipaabot ng Chief Justice (CJ) Diosdado Peralta ng Korte Suprema (KS) sa sambayanang Filipino. Nais ni CJ Peralta na mismong ang publiko ang magpaabot sa kanya ng mga pag-abusong nalalaman nila laban sa mga miyembro ng Judiciary. Nakabibilib naman ang naturang programa ng punong mahistrado. Ang nakatutuwa pa nito, tiniyak ni Chief Justice Peralta na kapag mayroong pormal na reklamo na isinampa sa Judiciary Public Assistance Section o (JPAS) ay kailangang ito’y matugunan sa loob ng 15 araw. Ang JPAS ay mayroong tatlong unit. Ang…
Read MoreMALUPIT ANG BCDA SA AETA
ANG mga Aeta ay isa sa mga katutubong Filipino. Hindi pa man sinasalakay, sinasakop at kinokontrol ng mga Kastila ang ating bansa noong ika-16 siglo ay mayroon nang Aeta sa bansa. Isa sa mga tinirahan ng mga Aeta ay ang malawak na pamayanang tinawag sa kalaunan na Pampanga at Tarlac. Noong 1903, itinayo ng Estados Unidos ng Amerika ang Clark Air Base upang magsilbing base-militar ng naturang dayuhan at mapanakop na bansa sa Pilipinas. Noong 1991, naipasa ng Estados Unidos ang Clark Air Base sa pamahalaan ng Pilipinas. Noong 1992…
Read MoreFERRY BOAT IKINONSIDERA RIN
NAKIKINIG naman ang mga kinauukulan matapos iprisenta sa publiko ang matagal na nating suhestiyon na river ferry na makatutulong sa mabigat na trapiko sa Metro Manila. Ilang beses na nating naisulat sa ating munting pitak ang ukol sa paggamit ng ferry boat upang maibsan ang mabigat na trapiko sa Metro Manila. Sa ating pakikipagbalitaktakan sa isang opisyal ng DOTr pa nga mga dalawang taon na rin ang nakararaan, ikinukonsidera nga umano ito ng departamento at maging ang mga eksperto nito ay naniniwalang malaki ang maitutulong ng paggamit ng mga ferry…
Read MorePINOY TALO SA PRIVATIZATION AT LIBERALIZATION
Talung-talo tayo sa privatization at liberalization program ng gobyerno mula noong 1997 dahil imbes na gumanda ang buhay ng mga tao at umayos ang serbisyo tulad ng ipinangako ng gobyerno, noon hanggang ngayon ay hindi ito nangyari. Unang isinapribado ang water service noong 1997 dahil sa water crisis na naranasan ng bansa noong 1995 kaya ibinigay sa pribadong negosyante ang serbisyo sa pangakong gaganda ang serbisyo ng tubig at tiniyak din na hindi magkakaroon ng krisis. Pero ang nangyari, nitong Marso, nakaranas ng water interruption sa supply ng tubig ang…
Read MorePAGPILI NG BAGONG PNP CHIEF
Mahigit isang buwan na ang nakalilipas mula nang magretiro sa Philippine National Police (PNP) ang hepe nitong si Gen. Oscar Albayalde pero hanggang ngayon ay wala pa ring napipiling kapalit si Pangulong Rodrigo Duterte. Walang duda na nahihirapang pumili si Pangulong Duterte dahil gusto niyang masiguro na walang isyu laban sa bagong PNP chief at gusto niya ring matiyak na ang kapalit ni Gen. Albayalde ay makapagpanunumbalik ng magandang imahe ng pambansang pulisya. Tumatak kay Gen. Albayalde ang katagang “ninja cop” dahil sa kanyang naging problema bilang Pampanga police provincial…
Read More