Masasampolan ng kasong economic sabotage kay Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang water concessionaires sa ‘Pinas. Hindi nakuntento si Pangulong Duterte sa kanilang serbisyo, inaasahan niya na maaayos ang kanilang pangangasiwa ng tubig na nagsu-supply sa milyong katao sa greater Manila. Imbes na pagandahin ang kanilang serbisyo sa mamamayan ay puro pagkakakitaan umano ang nangyari. Kaya ngayon pursigido ang pangulo na ang Manila Water at Maynilad ay makatikim ng kulungan. Ang alam ng Puna ang kasong economic sabotage ay walang inilaang piyansa kaya baka magkatotoo ang sinabi ni Pangulong Duterte na…
Read MoreCategory: OPINYON
KATARUNGANG PAMBARANGAY DAPAT AMYENDAHAN
KAILANGAN nang amyendahan ang probisyong nakapaloob sa Republic Act 7160 o Local Government Code of 1991 upang palawakin at baguhin ang sistema sa Katarungang Pambarangay. Inihain natin sa Kamara ang panukalang Barangay Justice System na layong amyendahan ang ilang probisyong nakapaloob sa R.A. 7160 at palakasin ang suporta sa Barangay Justice System gayundin sa mga nagtatrabaho rito. Ang Katarungang Pambarangay ay halos tatlong dekada nang binuo alinsunod sa R.A. kung saan nakasaad dito ang mga tungkulin at kapangyarihang iniatang sa Lupon Tagapamayapa upang ayusin at pagkasunduin ang magkabilang panig na sangkot sa mga mabababa o…
Read MorePAKIKIISA SA DIGMA
ANG Filipino League of Advocates for Good Governance o FLAGG, na pinamumunuan ng inyong lingkod ay nananawagan sa ating mga kababayan na magkaisa sa likod ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nahaharap sa isang napakalaking hamon sa kanyang administrasyon. Ang hamon ay dulot ng kanyang pag-review sa kontrata ng mga water concessionaire na nadiskubre n’yang dispalinghado, mapagsamantala, mapang-api at lubos na nagpapahirap sa ating mga kababayan. Ang Maynilad at Manila Water, na pag-aari ng pamilyang Ayala at Manny V. Pangilinan, ay nagkakamal ng daan-daang bilyong piso sa kabila ng kanilang palpak na serbisyo sa pagdi-distribute…
Read MoreYORME ISKO, DAPAT TULARAN
Noong isang linggo ay naanyayahan akong dumalo sa Pilipinas Conference at ang kanilang paksa para sa araw na iyon ay Environmental Stewardship. Marami ang dumalo sa nasabing forum na isinagawa ng Stratbase, at marami rin ang mga iba’t ibang paksang napag-usapan, kasama na rin dito ang tungkol sa sustainability. Isa sa mga dumalo rito ay ang kalihim ng DENR na si Roy Cimatu na siyang nagbukas ng programa at nagdala ng usapan para sa okasyon. Laking tuwa ko nang makita ko si Manila “Yorme” Isko Moreno na siyang nagsalita sa…
Read MorePROYEKTO PARA SA BULACAN, ‘WAG HARANGIN NI SEC. DOMINGUEZ
LINAWIN po natin kung bakit lumalakas ang panawagan ng mga taga Bulacan kay Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III na ‘wag harangin ang international airport na itatayo sa lugar nila. Ang kalihim daw kasi ang dahilan kung bakit hindi matuluy-tuloy ang itatayong New Manila International Airport (NMIA) sa Bulakan, Bulacan. Ang groundbreaking ng 15 bilyong dolyares na NMIA project ay dapat isinagawa na nitong pagpasok ng buwan ng Disyembre subalit hindi ito natuloy. Noong nakaraang linggo sinabi ni Department of Transportation Sec. Art Tugade na nakabinbin pa sa…
Read MoreMAGKAISA NA!
Ang 30th Southeast Asian Games (SEA Games) ay magandang oportunidad upang magkaisa na ang taumbayan, wala na ‘yang mga kulay-kulay, ideyolohiya at relihiyon. Iisang tinubuang bansa lamang naman tayo. Bakit kailangang magkawatak-watak? Upang humina, upang mamanipula. Panahon na ng digmaan para sa pagbabago. Digmaan laban sa droga, nandiyan na ‘yan. Digmaan kontra korapsyon nandiyan na rin ‘yan. Kailangangang makipagdigma laban sa kahirapan, laban sa mal-edukasyon, laban sa malnutrisyon at laban sa mataas na halaga ng mga basic utility. Wasakin na ‘yang mga nakasanayang nagpapahirap sa taumbayan. Buksan na ang mga…
Read MoreSIYENSA AT MATEMATIKA DAPAT ITURO SA FILIPINO, HINDI INGLES
HINDI na ako nagtaka sa resulta ng Programme for International Student Assessment (PISA) na ang mga kabataan natin na pag-asa pa man din ng bayan ay nangulelat sa reading comprehension, science at matematika sa 79 bansang sumali. Papaanong hindi ito nakapagtataka, hirap ang teachers na turuan ang mga napakaraming estudyante sa isang silid-aralan. Noong panahon namin, marami na ang 25 estudyante sa isang klase pero ngayon 40 hanggang 50. Kahit ano’ng galing ng isang guro ay hindi nito matutukan ang ganitong napakaraming estudyante at bukod pa d’yan ay ipinapagawa sa…
Read MoreMAAARI NANG IREKLAMO ANG JUSTICE AT JUDGE
KUNG mayroon kayong reklamo sa mga abusadong justice, judge o prosecutor, maaari n’yo na itong iparating sa tanggapan ng Judiciary Public Assistance Section (JPAS) sa Korte Suprema (KS). Bubuuin ang JPAS alinsunod sa Memorandum Circular 02-2019 na nilagdaan ni Chief Justice Diosdado Peralta noong Nobyembre 29 na ang layunin ay tiyakin ang “exigency of service and to address the needs of the general public” ng KS. Direktang nasa ilalim ng kapangyarihan ng tanggapan ng punong mahistrado ang JPAS. Binubuo ito ng Helpdesk Unit, Hotline Unit at Email Messaging Unit kung…
Read MoreREGISTRATION NG SIM CARD SAGOT SA FAKE NEWS
PINUNA ng mambabasa ng Puna ang sobrang luwag ng social media sa ‘Pinas. Kaya naman puro fake news ang lumalabas. Sinasakyan naman ito ng mga tao na may personal agenda. Tulad ng isyu sa kikiam na ipinakain daw sa mga kasali sa SEA Games. Hindi naman pala kikiam ‘yun, sa halip ay manok pala. Itinaon pa ang paglabas ng mga isyung negatibo laban sa sarili nating bansa ay ang pagtitipon ng iba’t ibang mga bansa na nagmula pa sa Southeast Asia kasama sa naturang okasyon. Tanong tuloy ng mga mambabasa ng Puna, nakatulong ba sa Inang Bayan…
Read More