PAMPANGA “NINJA COPS”

SIDEBAR

Kilalang may integridad at mahusay na opisyal ng Philippine National Police si retired Gen. Benjamin Magalong kaya hindi siya naging PNP chief ay sa dahilang ayaw niyang baguhin ang kanyang investigation report sa pagkamatay ng 44 commando ng PNP-Special Action Force noong Enero 2015. CIDG director din si Magalong nang maatasan ng noo’y PNP chief Gen. Alan Purisima na imbestigahan ang intelligence chief ng Pampanga police provincial office at mga tauhan ng Pampanga Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (PAID-SOTG) matapos makatanggap ng ulat na sabay-sabay bumili ng mga bagong…

Read More

MAS MALAKING ROLLBACK PA DAPAT SA PETROLYO!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Pagkatapos ng transport strike noong nakaraang Lunes, nagkaroon ng pagbaba ang presyo ng gasolina. Karamihan sa presyo ng gasolina ay bumaba ng P1.45/L, ang diesel ay bumaba ng P0.60/L, at P1.00/L naman sa kerosene. Ngunit, ayon mismo sa Department of Energy (DOE) Director na si Rino Abad, dapat ay mas malaki pa ang rollback. Aniya, ang gasolina ay dapat na bumaba sa halagang P1.60-1.70, sa diesel ng P0.60-0.70 at P0.90-1.00 ang kerosene. Sinabi rin niya na dapat ipaliwanag ng mga oil company kung bakit hindi pareho ang kompyutasyon nila sa…

Read More

PAGKAKAISA

FOR THE FLAG

Sawa na ang mamamayan sa pagkakawatak-watak dahil lamang sa politika at personal na interes ng iilan, hinahanap at inaapuhap naman ngayon ng bawat mamamayan ang tunay na pagkakaisa upang tunay na maiangat ang ekonomiya ng bansa at ang buhay ng bawat Filipino. Konting kibot ay puro batikos ang inaabot ng administrasyon mula sa mga kritiko nito, na hinihinalang sinususian ng mga dayuhang gusto lamang makapanggulo sa bansa para protektahan ang kanilang interes, katulad na lamang ba ng patutsada at pangingialam kamakailan ng ilang minority US senator. Nararapat na mamulat na…

Read More

PAG-ALIS SA KARAPATAN SA GCTA LAW NG INMATES NA NAHATULAN SA HEINOUS CRIME MALI!

PRO HAC VICE

MALING-MALI! Bakit aalisan ng karapatan sa Good Conduct Time Allowance Law ang mga na-convict sa heinous crime cases? Di ba kaya isinabatas ang GCTA ay upang mapagbigyan ang mga presong makapagbago at maaga silang mapalaya dahil sa naturang batas, tapos aalisan ninyo sila ng karapatan? Kahit nga ang ilang opis­yal ng Department of Justice (DOJ) na nagpanukala nito ay hindi rin sang-ayon sa naging pananaw ng kanilang kasamahan sa Kagawaran ng Katarungan. Paliwanag pa ng mga naturang opisyal na ayaw nang magpabanggit ng kanilang mga pangalan na kaya umano ginawa…

Read More

IKA-70 ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG PEOPLE’S REPUBLIC OF CHINA

SIDEBAR

Kahapon, Oktubre 1, ang ika-70 anibersaryo ng pormal na pagkakatatag ng People’s Republic of China (PROC) sa pamamagitan ng proklamasyon ng Communist Party of China Chairman Mao Zedong matapos ang tatlong taong giyera sibil laban sa Kuomintang ni Chiang Kai-shek. Malaking selebrasyon ang nasaksihan sa Tiananmen Square sa syudad ng Beijing kahapon kung saan muling ipinakita ng PROC ang mga modernong kagamitang pandigma ng Peoples Liberation Army na tumalo sa pwersa ng Kuomintang na nagresulta sa pag-atras ni Chiang Kai-shek sa Taiwan na siyang naging Republic of China. Binigyang diin…

Read More

NINJA COPS ISSUE MASAKIT PARA SA PNP, BANSA

FOR THE FLAG

Malalim ang usapin sa ninja cops. Misteryoso. Parang pelikula. Naghahanap ng kaliwanagan at katotohanan ang taumbayan. Marami na ang namatay dahil sa droga. Ngunit masakit na malaman na nagkakabentahan ng drogang nakumpiska. Na maaaring pinatatakas ang mga suspek kapalit ng salapi at ka­yamanan. Ngayon nahuhukay na ang dating hindi napag-uusapan o takot pag-usapan. Na ang krimen ay nagmumula pala mismo sa mga awtoridad. Matagal nang alam ng taumbayan na may mga milagrong nangyayari ngunit ngayon lamang nabibigyan ng kaliwanagan. Ngunit tinatapalan pa rin ang liwanag, nagkakatakipan, nagkakasaluhan, mukhang pinaiilap pa…

Read More

PARA SA SINTANG PAARALAN NG MASA

Psychtalk

Itong huling mga linggo, marahil nabasa o narinig natin ang isyu sa mga imbestigasyon at pronouncements ng matataas na pinuno ng pamahalaan gaya ng ilang senador at mismong pangulo tungkol sa ilang pamantasan ng estado, partikular ang Polytechnic University of the Philippines (PUP). Nariyang bansagan itong recruitment site ng New People’s Army (NPA). Pinigilan din ang pagbibigay sana rito ng national university status dahil may kailangan pa itong patunayan pagdating sa ranking at performance kumpara sa iba pang pamantasan ng gobyerno (SUCs). Para sa mga taong gaya ko na kahit…

Read More

20 TAON NG BAYAN MUNA: LABAN, BAYAN!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Noong Setyembre 25, 1999 ay itinatag ang Bayan Muna. Dala ang politika ng pagbabago, naging boses ang Bayan Muna ng mga mahihirap at inaapi. Itinatakwil ng Bayan Muna ang tradisyunal at maru­ming politikang namamayani sa bansa at isinusulong nito ang  Bagong Politika: Ang interes ng mayoryang naghihirap, hindi ng iilang naghaharing uri. Ang politikang nakabatay sa prinsipyo at programa, hindi sa personalidad at utang na loob. Ang tapat at malinis na paglilingkod-bayan, hindi ang pangungurakot at pandarambong ang ipinakita ng Bayan Muna sa loob ng dalawang dekada. Ipinamalas ng Bayan…

Read More

ISANG HUKUMAN LANG DAPAT SA DENGVAXIA CASES

EARLY WARNING

Lalo pang dumarami ang pamilyang humihingi ng ayuda-legal sa Public Attorney’s Office pero patuloy na nagbibingi-bingihan ang Department of Health sa hinaing ng mga ito samantalang si PAO Chief Persida Rueda-Acosta nama’y nananawagan kay (Supreme) Court Admi­nistrator Midas Marquez na magkaroon na lang ng isang exclusive court na didinig sa controversial Dengvaxia cases. Sa petisyon ng PAO, mahalagang magkaroon na lang ng isang hukuman na ang tanging gagawin ay dinggin ang lalong dumaraming Dengvaxia cases lalo’t patuloy ang paghingi ng tulong ng mga pamilya na namamatayan ng kanilang mga anak…

Read More