SIMULA sa isang linggo uupo na ang mga nanalong mga opisyal mula senador hanggang konsehal. Marami ang mga bagong mukha at marami rin naman ang nanalong matatagal na sa puwesto. Tapos na ang panahon para sa matatamis na salita at pangako, panahon na para suklian ang mga botante ng tuwiran at tapat na pagsisilbi. Ayon sa ating Konstitusyon, “Public office is a public trust.” Ang mga naglilingkod sa pamahalaan ay dapat magsilbi sa taong bayan ng may katapatan, kagalingan at karangalan. May ngipin ang mga katagang sa mga may tunay…
Read MoreCategory: OPINYON
BIKTIMA NG ILLEGAL RECRUITER SA QATAR, TINULUNGAN NG POLO, OWWA AT DSWD
Isang kaibigan mula sa Community Against Crime Group (CACG) ang dumulog sa akin upang matulungan ang kanyang kapatid na naging biktima ng illegal recruiter sa Qatar. Ayon kay France, ang kanyang kapatid na si Joseph Tumbado ay pumunta sa Qatar sa tulong ng isang recruitment agency. Ngunit nang dumating s’ya sa Qatar ay wala naman palang employer na mapupuntahan. Idinulog n’ya ang kanyang problema sa kanyang ahensya, ngunit ito pala ay matagal nang nagsara at wala na s’yang mahingian ng tulong. Upang makaipon ng pera, para sa kanyang pag-uwi at…
Read MoreNGITNGIT NG PAMILYA NG DENGVAXIA VICTIMS: PLUNDER COMPLAINT VS DUQUE
Sa pagkawala ng kanilang mga anak dahil sa Dengvaxia vaccines at kawalan ng pagdamay sa kanila lalo na ng Department of Health (DOH) at ni Secretary Francisco Duque III, nasilip ang tila iregularidad na kinasasangkutan ng kalihim kung kaya’t kanila itong sinampahan ng plunder. Sa kanilang complaint na dinagdagan pa ng ibang kaso sa paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees and Anti-Graft and Corrupt Practices Act, ang gusaling nirerentahan ng PhilHealth-Regional Office ay pag-aari raw ng kanyang pamilya sa Dagupan. Ang complainants: Ruby…
Read MoreAASAHAN NAMIN, MAYOR ISKO
Kailanman ay hindi ako nanirahan sa siyudad ng Maynila pero halos araw-araw akong naroon magmula nang magkolehiyo hanggang magkaroon ng trabaho sa lugar na ito noon. Saksi ako sa halos araw-araw ding kalagayan ng Maynila. Hanggang ngayon pa rin naman ay napapadpad ako sa lugar na ito, halos ganoon pa rin naman. Parang kamukha na ng Maynila ang isang katabi pa niyang lugar na “City” pa man din ang tawag, pero marumi naman. Iba ang itsura ng Maynila noon. Napakarumi. Umulan at umaraw ay may mga basurang wala sa tamang…
Read MoreMARAMING DAPAT IPALIWANAG SI SEC. DUQUE HINGGIL SA PHILHEALTH
Nahaharap sa kasong graft at plunder sa Ombudsman si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III dahil sa “conflict of interest” na nag-ugat sa pag-upa ng Ilocos Regional Office ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa building na pag-aari ng pamilya ni Duque na matatagpuan sa Dagupan City. Tatlong palapag ng Educational and Medical Development Corp. (EMDC) na pag-aari ng pamilya Duque sa Pangasinan ang matagal nang inuupahan ng PhilHealth-Ilocos regional office sa kabila ng pagiging ex-officio chairman ng PhilHealth ang kalihim. Si Senador Panfilo Lacson ang unang nagbunyag…
Read MoreHINDI SOLUSYON ANG PANUKALANG DEPARTMENT OF WATER SA KRISIS SA TUBIG
Kahapon ay nagkaroon ng pagdinig sa Kamara hinggil sa krisis sa tubig, na nagdulot ng water interruptions sa Kamaynilaan at karatig-probinsya nitong mga nakalipas na buwan. At isa sa mga hakbangin na lumabas sa pagdinig ay ang pag-apruba sa panukala ni House Speaker Gloria Arroyo na magtayo ng Department of Water, na lilikha ng “superbody” ng mga ahensyang may kinalaman sa tubig. Ang tanong, ito ba ang lulutas sa krisis sa tubig? Isinisi ng water concessionaires na Maynilad at Manila Water ang pagkawala ng tubig sa El Niño phenomenon na…
Read MoreANG PANGANIB NG GMO
Pinag-Iingat natin ang mga magsasaka sa paggamit ng mga genetically modified organism (GMO) sa mga sakahan sa bansa lalo na sa pagsasaka ng talong at mais. Sa kagustuhan kasi ng marami nating mga magsasaka na hindi masira ang mga pananim ay nata-trap sila sa paggamit ng GMO na ang hindi nila alam ay nakasasama sa kalusugan nila habang kanilang itinatanim. Bukod dito, ang mismong lupang pinagtatamnan ay nalalason ng nasabing mga GMO na punla at maaaring permanenteng ikasira ng kanilang mga lupang sakahan at maaaring madamay pa ang kalikasan o…
Read MoreBUREAU OF CUSTOMS BA?
Nakaiinis isipin na kapag mga pagkain at iba pang may kaugnayan sa pangangailangan ng publiko ay mulat ang Bureau of Customs at nakikita nila ang mga ito na smuggled goods. Kaagad silang nakapagsasampa ng kaso sa mga umano’y smuggler, eh bakit kapag ilegal na droga ang dumarating sa Manila International Container Port (MICP) ay nakalulusot ang mga ito nang ‘di nila alam? Ang sinasabi ko po ay ‘yung buong pagmamalaki ng ahensya sa pangunguna ni Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero na kinasuhan nila ng kriminal sa DOJ ang Amulet…
Read MoreANG PAGLAHO NG WIKANG FILIPINO AT PANITIKAN SA KOLEHIYO
Hindi malinaw sa akin kung bakit ang Korte Suprema pa ang nagpalabas ng desisyon na nagsasabing hindi mandatory sa kolehiyo ang pag-aaral ng wikang Filipino at Panitikan gayung matagal nang panahong bahagi ito sa mga batayang asignatura. Nauna rito, inalis na rin bilang mga asignatura sa high school sa ilalim ng K to 12 program ang Kasaysayan ng Pilipinas gayundin ang Philippine Government & Constitution na dati-rati ay bahagi ng mga asignatura mula 1st year hanggang 4th year high school. Mariing tinututulan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) party-list ang…
Read More