Napakalaking pagsubok ang bumiyahe sa kahabaan ng EDSA dahil sa napakaraming sasakyan ang narito, idagdag pa ang kawalan ng disiplina ng ilang motorista kaya buhul-buhol ang trapiko. Ilang administrasyon na ang nagdaan at sinubok na lutasin ito pero hanggang plano lamang ang nangyari dahil agad na may batikos mula sa iba’t ibang grupo na wala ring maibigay na solusyon. Sinubok ng Metro Manila Development Authority (MMDA), na magpatupad ng provincial bus ban sa EDSA, pero bago pa ito isulong, may mga umangal na grupo at nagpetisyon sa Supreme Court para…
Read MoreCategory: OPINYON
ADVISORY COUNCIL BINUO PARA SA KAPAKANAN NG MGA OFW
Pagkatapos ng halos dalawang taon na paghihintay matapos ang OWWA Selection Committee panel interview noong Hunyo 2017, ay pormal na akong manunumpa sa Malacañang sa harap ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang bagong miyembro ng Board of Trustee ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Taliwas sa inaakala ng maraming OFW, ang pagiging isang miyembro ng Board of Trustee ay hindi isang hanapbuhay na maituturing, dahil wala naman itong regular na sweldo na matatangap. Ang tanging kagustuhan ko lamang o inte¬res sa pagiging miyembro nito ay upang masiguro na maririnig ang…
Read MoreMAGSASAKA UMIIYAK NA SA BAGSAK PRESYO NG PALAY
Nitong mga nakalipas na linggo ay may mga nababasa tayong mga artikulo at balita tungkol sa hinaing ng ating mga lokal na magsasaka kaugnay sa pagbaba ng buying price ng palay sa bansa. Medyo natabunan ang isyu dahil sa nakapokus tayo sa katatapos lamang na May 13, 2019 midterm elections. Base sa kanilang mga reklamo, nitong katatapos na anihan, ang presyo ng palay ay binibili na lamang sa kanila ng P14 per kilo ng National Food Authority (NFA), mula sa dating P16 kada kilo noong hindi pa ipinatutupad ang Rice…
Read MoreAYUDA PARA SA MGA FILIPINONG INA
(Ikalawang bahagi) Bilang bahagi ng patuloy na pagtataguyod at pag-aangat sa kalagayan ng mga Filipinong nanay, ninanais na dagdagan ang bilang ng maternity leave ng mga nanganganak na kababaihan. Mula sa dating dalawang buwan, ninanais ng nakahain na bill sa Senado na bigyan ng 120 araw na maternity leave ang mga nanay, kasal man sila o hindi. Para sa mga single parents, sila ay nila-layong bigyan ng 150 na araw ng maternity leave. Kung nanaisin pa ng isang nanay na dagdagan ang leave dahil kinakailagan, maaari pang mag-file ng karagdagang…
Read MorePETC STAKEHOLDERS, NALITO SA MEMO NI USEC. TUAZON
NAKAKATUWA ang ipinalabas na memo ni Atty. Artemio Tuazon, usec ng Department of Transportation (DOTr) noong May 14, 2019 na nakasaad ang “All PETC stakeholders IT service providers LTO regional directors; Subject: public consultation on the proposed amendments to department order 2012-10.” Ibig sabihin ay inaanyayahan siya ng taga-PETC para sa isang pampublikong konsultasyon. Dahil dito, nagkaroon ng kalituhan sa mga PETC stakeholders kung sino ba talaga ang nagpapatawag sa isang pampublikong konsultasyon, ang kanilang pangulo ba na si Jun Evangelista o si Atty. Artemio Tuazon na usec at chief…
Read MoreMOVE ON NA
TAPOS na po ang eleksyon. Move on na tayo at tanggapin ang desisyon ng mas nakararami. ‘Yan ang kahulugan ng demokrasya — ang desisyon ng mayorya ang mananaig at hindi ang kagustuhan ng iilan. At kung ano man ang kalalabasan nito sa hinaharap ay kagustuhan din ‘yan ng nakararami. Sa totoo lang nakakatawa ang mga balitaktakan sa social media. ‘Yung ibang hindi matanggap na talo ang kanilang mga manok ay tinatawag na mga bobo at walang mga pag-iisip ang mga bumoto sa ilang kandidato. Maaaring sa tingin natin ay hindi…
Read MoreMAS GAGANDA ANG BUHAY SA SIPAG AT TIYAGA
Kalahati ng mga Filipino ang umano’y umaasa na gaganda pa ang kanilang buhay sa susunod na 12 buwan at apat sa 10 Filipino naman ang nagsabing gumanda ang kanilang buhay nitong nakaraang taon, ayon sa survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS) nitong nakaraang Marso o halos dalawang buwan bago ang eleksyon noong Mayo 13. Ang ganitong kataas na kumpiyansa sa pagganda ng kanilang buhay ang marahil isang dahilan sa naging panalo ng mga kandidato para senador ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong katatapos lang na eleksyon. Maliban kay Dong…
Read MoreBIG, SNAPPY SALUTE SA NCRPO MEN AT KAY GEN. ELEAZAR
TODO-selebrasyon ang mga ganador sa nagdaang eleksyon lalo na sa Kalakhang Maynila at na-overlook na tuloy ng marami na kahit papaano ay dapat mabigyang pansin at ma-recognize ang matinding effort ng ating kapulisan lalo na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pamumuno ni Maj. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar. Kahit sadyang trabaho nila ang mag-maintain ng peace and order, pero hindi naman siguro mabigat sa atin ang i-praise itong si General Eleazar sampu ng NCRPO personnel lalo na ang may 16,000 na miymbro nito na naitalaga na i-secure ang…
Read MoreAWTOPSIYA NG KUWAIT SA MGA LABI NI CONNIE DAYAG, PINAGDUDUDAHAN NG PAMILYA
Nakarating na sa Pilipinas ang mga labi ng namatay na si Constancia “Connie” Lago Dayag. Siya ang OFW na natagpuang patay sa loob ng kanyang kuwarto na ayon sa unang balita na ipinalabas ni Labor Secretary Silvestre Bello ay nakatanggap siya ng report mula sa Kuwait na si Dayag ay nakita sa Al Sabah Hospital na maraming pasa o marka ng bugbog at may nakapasak pa na pipino sa loob ng ari. Nakausap ng inyong lingkod ang anak nito na si Lovely Jane Dayag na halos hindi makapagsalita dahil sa…
Read More