PARA sa mga gaya natin na tagaprobinsya, ang banggit pa lamang ng pagluwas sa Metro Manila ay nakapapagod na dahil nga sa buhul-buhol na daloy ng trapiko na malamang bubunuin. Tingnan Natin: sa kahabaan ng EDSA, mula Balintawak, QC hanggang Ninoy Aquino International Airport (NAIA), umaabot na ng 2-4 na oras ang biyahe, kasinghaba o doble pa mula Subic hanggang Balintawak. Ganoon din pabalik. Naniniwala tayo na sa kabila ng volume ng mga sasakyan, maiiwasan ang sobrang bagal o patigil-tigil na daloy ng trapiko kung: isa, alam ng mga kinauukulan…
Read MoreCategory: OPINYON
ESTRATEHIYANG PAMBANSA
(Huling bahagi) Kailangang magkaroon ng national industrial strategy, i-harness ang talino at galing ng ating mga batikang scientist, engineer, artist at IT scientist. Dalawang approach, mag-develop ng mga sari¬ling high-value products gamit ang Pinoy crea-tivity at bayanihan spirit na mag-inspire sa ating mga bihasa, at reverse engineering naman para makopya at ma-improve ang mga high-value products na nasa merkado. Sa national security, bukod sa taunang procurement ng mga kagamitang pandigma, kina-kailangang i-regulate ang pagpasok ng mga banyaga sa bansa. The fact na tatlong mil¬yon na ang banyagang Intsik sa Pilipinas at 5,000 ang…
Read MoreMANDATORY ROTC SA SENIOR HS
Pasado na sa House of Representatives ang House Bill 8961 na muling bubuhay sa Reserve Officers Training Corps (ROTC) para sa mga kabataang naka-enroll sa Grade 11 at 12 na tinatawag ding Senior High School. Kasing-edad rin ng mga Grade 11 at 12 ang mga dating estudyante sa first at second year college kung saan mandatory ang ROTC sa apat na semester sa ilalim ng subjects na Military Science (MS) 11 and 12 para sa freshmen at MS 21 at 22 sa sophomore. Basic military training ang sakop ng MS 11-22…
Read MoreREBATE PARA SA LAHAT NG NAWALAN NG TUBIG!
Tagumpay ng taumbayan ang P153.93 at P2,197.94 na dagdag pa na voluntary bill rebate mula sa Manila Water, ngunit sa tingin ng Bayan Muna at sa tagapangulo nito na si Neri Colmenares, hindi ito sapat. Bagama’t tinitingnan natin bilang positibong pangyayaring ito matapos maghain ang Bayan Muna at iba pang grupo ng reklamo laban sa Manila Water, kailangan ay mas maraming konsumer na apektado ng water interruption ang mabigyan ng kompensas¬yon. Nararapat na lahat ng apektado ng kawalan ng tubig ay mabigyan ng makatarungang kompensa¬syon! Dapat hindi lamang ang mga…
Read More‘DUWAG SA TSINA ANG ADMINISTRASYONG DUTERTE’
SINISIRA talaga ng mga Intsik ang likas na yamang dagat sa West Philippines Sea, hindi na ito sikreto at hindi na maitatago. Tingan Natin: kitang-kita sa sariwang mga “satellite images” na inilabas ng Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI) ang mapaniraang mga barko ng intsik na humahango ng taklobo sa karagatang sakop ng hurisdiksiyon ng Pilipinas. Bukod sa walang pakundangang pagnanakaw ng mamahalin at endangered na “giant clams” o Taklobo, permanenteng pinsala ang dulot ng pamamaraan ng mga Intsik na nanghihimasok sa teritoryo ng bansa. Inaari ng Tsina ang halos kabuuan…
Read MoreDAPAT KASUHAN ANG MGA NARCO-POLS
Sa kabila ng kampanya ng Department of Interior and Local Government laban sa 46 lokal na opisyal na sinasabing narco-politicians, 27 sa 37 tumakbo para sa re-election at ibang posisyon ang nanalo sa halalang Mayo 13. Sa 27 na narco-pols na nanalo, 18 ay binoto muli sa parehong posisyon samantalang walong incumbent mayor at vice mayor ang nanalo sa ibang posisyon dahil sa term limit na itinatadhana sa ating Saligang Batas. Kabilang sa mga nanalong narco-pols ay 18 mayor, tatlong vice mayor, dalawang kongresista, isang vice governor, isang provincial board…
Read MorePAGSASAPUBLIKO NG KALUSUGAN NG PANGULO ‘DI KAILANGAN SA NGAYON
Bagama’t aminado si DOJ Secretary Menardo Guevarra na nakasaad sa Konstitusyon na obligasyon ng pangulo ng bansa na ihayag sa publiko ang anumang seryosong kondisyon nito. Pero paliwanag ni Secretary Guevarra na hindi obligado ang pangulo na isapubliko ang kanyang health condition kung hindi naman ito seryoso. Dagdag pa niya ay walang malalang kondisyon si Pangulong Duterte dahil tuluy-tuloy naman nitong nagagampanan ang kanyang trabaho at kahit sa kanilang cabinet meeting ay lagi naman itong naroroon. Kaya para roon sa masyadong nagmamadali na mawala na sa puwesto si Digong, mukhang…
Read MoreEX-OMBUDSMAN MORALES SINIPA PALABAS NG HK
(NI ABBY MENDOZA) HINARANG sa Hong Kong International Airport si dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales at agad itong ipadedeport pabalik ng bansa bilang protesta ng Beijing matapos nitong kasuhan sa International Criminal Court(ICC) si Chinese President Xi Jinping. Si Morales ay pinipigil sa isang hiwalay na kuwarto sa HK airport at nakatakdang ipadeport pabalik ng Pilipinas kasama ng kanyang buong pamilya. Ayon kay Morales, magtutungo sya sa Hongkong para sana sa isang bakasyon kasama ng kanyang pamilya. Wala naman naging paliwanag ang Hongkong authorities sa ginawa nitong pagpigil kay Morales subalit…
Read MoreINCUMBENTS SA CAMANAVA, QC NAGNINGNING SA HALALAN
IBA na talaga kung subok na ng tao sa serbisyo-publiko dahil tiyak sa isang halalan tulad nitong nakaraan lang ay walang pagdududa na sila pa rin ang magwawagi gaya ng lahat ng incumbent officials sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) at Quezon City area. Tulad na lang ni Caloocan Mayor Oca Malapitan, na halos walang naging katunggali at unopposed Vice Mayor Maca Asistio III kasama sina District 1 Rep. Along Malapitan at District 2 Rep. Egay Erice pati ang kumpletong tiket ng councilors na pinangunahan nina topnotcher Councilor-elect Enteng Malapitan…
Read More