OFW sa Taif, Saudi Arabia humihingi ng tulong sa DMW

ISA na namang kababayan nating overseas Filipino worker (OFW) ang dumaranas ng matinding pang-aabuso sa kamay ng kanyang employer sa Saudi Arabia. Kinilala ang biktima na si Divina Ganoot Perez, isang domestic worker na tatlong taon nang naninilbihan sa Alshafa, Taif. Ngunit sa halip na magandang oportunidad sa abroad ang kanyang matamasa, puro hirap at kalupitan ang kanyang sinapit. Ayon sa salaysay ni Perez, hindi na siya pinasasahod, hindi pinauuwi, at kinuha na rin ng kanyang employer ang lahat ng kanyang personal na dokumento—kabilang ang kanyang passport. Lalo pang pinasama…

Read More

“HEALTH IS WEALTH”

 KAPE AT BRANDY ni SONNY T. MALLARI MAHIRAP ngayon ang magkasakit o magkaroon ng anumang karamdaman. Malaking gastos. Kailangan ang kuwartang pambayad sa doctor na magsusuri, iba’t ibang eksaminasyon na ipapagawa (hindi katulad noon na tingin lang ng doktor na may stethoscope at thermometer, alam na agad ang sakit), at pambili sa botika ng ireresetang gamot na bakit ang tataas naman ng presyo. Yes, may generic. Pero parang walang tiwala ang marami sa bisa nito. Nawala na ang gamot-albularyo na patapal-tapal lang ng mga dahong ligaw mula sa bukid, hilot…

Read More

HUWAG NAMANG BASTUSIN ANG SUPREME COURT

CLICKBAIT ni JO BARLIZO MAHALAGANG panatilihin na malaya, iginagalang, at pinagkakatiwalaan ang Korte Suprema dahil ito ang huling takbuhan ng taumbayan. Dito umaasa ang ordinaryong Pilipino kapag binigo na siya ng mga nasa poder. Kaya nakalulungkot ang mga batikos ngayong natatanggap ng Kataas-taasang Hukuman. Hindi lang mula sa mga ‘tagalabas’ kundi sa ilang dating miyembro pa mismo ng SC. Gaya na lamang nina dating Supreme Court Associate Justices Antonio Carpio at Adolfo Azcuna na kasama sa pagbira sa institusyong minsan nilang pinangalagaan. Lantaran na ang kanilang pagkontra sa desisyon ng…

Read More

‘YANG MGA PEKENG PINOY

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA POSIBLE nga ba ang ‘Silent Chinese Invasion’ na hindi gaanong pinapansin at binibigyan ng atensyon ng ating pamahalaan? Ilang beses ko rin naman na itong tinalakay sa pitak na ito e mukhang dedma or wako sey ang ating pamahalaan. Narinig n’yo na marahil ang kwento ng ating mga Lolo at Lola sa biglang pagdating noon ng mga Japanese sa maraming dako ng bansa noong taong 1940s na ‘di gaanong pinansin at binigyan ng atensyon ng ating mga lider noon. Tulad ng mga ginawa ng…

Read More

SERBISYO NI ENGR. RONNEL TAN NA MAY LAYUNIN AT PANUKALA NG 4K PARTY-LIST NA MAKABULUHAN

TARGET ni KA REX CAYANONG SA isang makabuluhang pananalita sa ginanap na 56th Commencement Exercises ng Southern Luzon State University, pinaalalahanan ni Engr. Ronnel Tan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga nagtapos na ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa diploma, kundi sa kung paano nila ginagamit ang kanilang natutunan upang makapaglingkod sa kapwa. Hindi aniya sapat ang mataas na lipad kung hindi nakikita ang tunay na kalagayan sa lupa. Aniya, hindi sapat ang pagiging edukado kung walang layunin at malasakit sa kapwa. Dahil sa…

Read More

PEKENG YAKAP

DPA ni BERNARD TAGUINOD MARAMI ang nagsasabi na peke ang YAKAP o Yaman ng Kalusugan Program para Malayo sa Sakit (YAKAP) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na isa sa kanyang ipinagmalaki sa kanyang State of Nation Address (SONA) noong nakaraang linggo. Sa ilalim ng YAKAP, wala na raw babayarang hospital bills sa mga government hospital kahit magkano pa ‘yan at libre na ang pagpapa-check-up, at screening sa malalang mga sakit tulad ng cancer. Pero pekeng Yakap daw ito dahil ang mga inililibre sa hospital bills ay ‘yung mga pasyente…

Read More

HOUSE BICAM BINANATAN NI CONG. UNGAB

PUNA ni JOEL O. AMONGO PINUNA ni Davao City Rep. Isidro Ungab na lumalagpas na rin sa kanilang kapangyarihan ang mga miyembro ng Bicameral Conference Committee dahil nag-aamyenda ang mga ito ng batas sa pambansang pondo na hindi na idinaraan sa regular na proseso. Ito ang isiwalat ni Davao City Rep. Isidro Ungab sa kanyang privilege speech kamakailan kaugnay ng mga nakalkal na ilegal na ginawa umano ng mga miyembro ng Bicam sa 2025 national budget na pinaniniwalaang labag sa saligang batas o unconstitutional. Ayon sa dating chairman ng House…

Read More

CONSPIRACY THEORY SA KASO NI TONY YANG

BISTADOR ni RUDY SIM NOONG nakaraang taon, September 19 ay hinarang at inaresto ang nakatatandang kapatid ni dating economic adviser Michael Yang na si Tony Yang sa Ninoy Aquino International Airport nang tangkain nitong lumabas ng bansa. Inaresto si Yang ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Immigration at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), sa NAIA dahil sa pagiging undesirable alien nito dahil sa koneksyon sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Dahil sa lumalalang kalagayan nito sa kanyang kalusugan dahil na rin sa kanyang edad, hiniling ng kanyang mga defense…

Read More

LIVELIHOOD IPALIT SA 4Ps

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS HINDI limos ang dapat ibinibigay buwan-buwan sa mga miyembro ng pamilyang Pilipino na mahihirap kundi pangkabuhayan para maging sustainable ito. Ang mga pamilyang Pilipino na mahihirap ay nakatatanggap ng tinatawag na Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na nagmumula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para tulong sa kalusugan, nutrisyon at pag-aaral ng mga bata na 0 hanggang 18-taong gulang. Ang 4Ps ay inilunsad noong 2008 at napasailalim sa institusyon noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act No. 11310 o ang 4Ps Act,…

Read More