Batay sa datos mula sa World Bank, bumaba sa 21.6% ang poverty incidence ng Pilipinas noong 2015 kumpara sa naitala noong 2012 na 25.2%. Matutuwa na sana sa impormasyong ito kung hindi natin nakita ang mas malawak na larawan ng mga bagay-bagay: Pilipinas ay pangalawa sa pinakamahirap na bansa sa Timog-Silangang Asya noong 2015. Inaantay pa rin natin ang pinakabagong datos tungkol sa kahirapan ngayong 2019. Sinasabi na ang bahagyang pagbaba ng bahagdan ng insidente ng kahirapan ay dulot ng mga palyatibong programa ng pamahalaan gaya ng dole outs na…
Read MoreCategory: OPINYON
BANGKAY NG OFW MAIUUWI NA; ATNU DAPAT BUMISITA SA MGA OSPITAL
NakatanGgap ako ng tawag mula sa nakababatang kapatid ng yumaong si Rizalin Lipalam na si Jefrey Canada. Humihingi siya ng tulong upang mapauwi na ang bangkay ng kanyang ate na namatay dahil sa vehicular accident sa Jeddah, Saudi Arabia. Kasama rin sa namatay ang anak ng kanyang employer noon pang Enero 2019. Si Rizalin ay nakarating sa Saudi Arabia sa pamamagitan ng LNS International Manpower at nagtatrabaho bilang household helper. Agad akong nakipag-ugnayan kay Consul General Ed Badajos at mabilis namang nagbigay ng update: “We received the documents from the…
Read MoreDATING BOC OFFICIAL AT ANG LARGE-SCALE ESTAFA
Iba rin umano itong si Jervino Maglunob, dating Chief-of-Staff ng Bureau of Customs (BoC) Enforcement Group, dahil habang nag-e-enjoy umano sa masarap na buhay sa nabiling farm sa lalawigan ng Laguna ay halos hindi naman magkandaugaga sa paghahanapbuhay ang negosyante na inutangan umano nito ng tumataginting na P13 milyon. Pagkatapos umanong lapitan ni Maglunob ang negosyanteng si Bernie Miaque upang maglabas ito ng P13 milyon para pondohan ang kanyang negosyo ay tila nagkaamnesiya na umano ito. Ang masaklap ay hiniram lang din ni Miaque sa mga kamag-anak ang malaking parte…
Read MoreAWAY SA BUDGET DAHIL SA MATAGAL NG AWAY NINA GLORIA AT PING
Lumalabas sa bagong kasunduan sa pagitan ng Senado at ng Kamara tungkol sa isyu ng 2019 General Appropriations Act (GAA) na dahil lang talaga sa matagal nang away sa pagitan nina Senador Panfilo Lacson at Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang away kung sino ang tama o mali sa dalawang Kamara ng Kongreso. Ibabalik na raw ng Kamara o House of Representatives ang orihinal na GAA na pinagkasunduan ng bicameral conference committee ng dalawang Kamara para hindi na magprotesta ang Senado at mapirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang GAA at…
Read MoreSEN. TRILLANES A-TAPANG A-TAO NAGPAPASAKLOLO?
Naniniwala ako noon na maninindigan itong si Senator Antonio Trillanes IV sa kanyang mga binitawang salita na kaya niyang panindigan o patunayan sa Makati City Regional Trial Court na lehitimo ang kanyang pagkaabsuwelto sa kasong rebellion dahil sa ipinagkaloob na amnestiya sa kanya ng Aquino administration. Pero ano ito?! Bakit ngayon ay tila hindi na nito mapanindigan ang kanyang mga pahayag noon, at ngayo’y nagpapasaklolo na siya sa court of appeals? Pahiwatig ba ito na nabahag na ang buntot ng senador? O dahil nakita nito na mayroong sapat na basehan…
Read MoreBATOCABE CASE NAPOPOLITIKA
Isa umanong opisyales ng Department of Justice (DOJ) na kamag-anak ng isang kumakandidatong opisyales sa Albay ang gumagamit umano ng kanyang posisyon upang impluwensiyahan ang kaso ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo na ngayon ay inaakusahang utak umano sa pagkamatay ni dating AKO-BIKOL Congressman Batocabe. Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source mula sa tanggapan ng DOJ, isa umanong “Usec. P” na kamag-anak umano ng tumatakbong alkalde ngayon sa Daraga ang “bumabraso” upang impluwensiyahan ang kaso. Liban kay Rodel Batocabe, tumatakbo bilang alkalde ang isang kilala sa tawag na “VP” na kamag-anak ng…
Read MoreHUSTISYA PARA KAY JAMES VINAS!
Mariing kinokondena ng Bayan Muna ang pagpaslang sa miyembro at coordinator nito sa Borongan City, Samar. Ito ay atake hindi lamang sa progresibong partido ng Bayan Muna kundi sa demokrasya at karapatang-pantao. Pinatay si James Vinas noong March 12 sa labas ng kanyang bahay, ganap na alas-7:15 ng gabi. Kami ay humahati sa pighati ng mga naiwang pamilya, kaibigan, at mga kasama ni James. Ang mas mapait pa sa sinapit niya ay ang tila kawalang-bahala ng pulisya upang hanapin ang tunay na may gawa ng krimen. Pinapalabas nila na ang…
Read MoreARTIPISYAL NA KRISIS SA TUBIG
Marso 6 nang magsimulang mawalan ng tubig sa east zone ng Metro Manila na sineserbisyuhan ng Manila Water na pag-aari ng mga Ayala at umaabot sa 1.2 milyong kabahayan (households) ang sakop ng operasyon ng naturang kompanya ng tubig. Kabilang sa mga apektadong lugar ang mga lugar sa Eastern at Southern Metro Manila kung saan kasama ang mga siyudad ng Mandaluyong, Pasig, Marikina, San Juan, Makati, Pasay, Muntinlupa, Parañaque at Las Piñas. Kasama na rin sa sineserbisyuhan ng Manila Water ang mga bayan ng Binangonan, Angono at Baras sa lalawigan…
Read More202ND: BEST ARMY BRIGADE
Ang mga miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Maringal” Class of 1988 na nasa Armed Forces of the Philippines (AFP) ay papalapit na rin sa rurok ng kanilang serbisyo. Ilang taon na lamang at sila’y balik na rin sa pagkasibilyan, retired na. Karamihan sa mga miyembro ng Maringal class ay nasa Philippine Army kung kaya masikip na masikip ang posisyunan para sa kanila sa mga tinatawag na most-coveted position gaya ng Chief of Staff, Army chief, Air Force chief, at Navy chief, at iba pa. Gaano man sila karami mayroon…
Read More