ILLEGAL GAMBLING, UMARANGKADA

BAGO TO

Hindi aarangkada ang ile­gal na sugal kung walang proteksyon mula sa mga taong tiwali sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan. Pati ilang tiwaling hukom ay gusto ring makakurot mula sa ilegal na sugal. Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang naiirita sa mga tiwaling ito na patuloy na nangungurakot gamit ang kanilang kapangyarihan sa go­byerno. Kung walang kokontra sa mga tiwaling ito ay patuloy ang kanilang “halakhak tungo sa bangko” para ideposito ang katas ng payola mula sa illegal numbers game gaya ng jueteng dito sa Luzon, swertres at masiao…

Read More

SAKIT NG BABOY GALING AFRICA, PATAY TRABAHO PARA SA MGA PINOY 

USAPANG KABUHAYAN

Balita ngayon na banned na ng ating gobyerno ang pag-aangkat ng mga baboy at mga produktong gawa sa baboy ga­ling sa Japan matapos na i-anunsyo ng pamahalaan nito na pumasok na sa kanilang bansa ang kinatatakutan na African swine flu. Ang Japan ang pinakahuling bansa kung saan hindi na pwede tayong umangkat ng baboy dahil sa African swine flu o ASF. Nauna nang na-ban ang importasyon ng baboy galing China, Russia at mga bansa sa Africa at Europa dahil sa ASF. Ang virus kasi ng ASF ay nananatili sa karne…

Read More

SPECIAL ASSISTANT TO THE PEOPLE

SIDEBAR

Dating “special assistant to the president” si SAP Christopher Lawrence “Bong” Go at kabilang sa kanyang trabaho noon sa Malacañang ang pagiging kalihim ng presidential management office kung saan dumadaan lang lahat ng presidential appointees sa pamahalaan. Nagbitiw si Bong Go bilang miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte nang maghain ito ng certificate of candidacy bilang senador at ngayong araw na ito (Pebrero 12) ang simula ng 90-araw na kampanya para sa mga tumatakbong senador at party-list representatives. Nagkaroon ng bagong kahulugan ang SAP ni Bong Go na ang…

Read More

LORNA TOLENTINO HUMIHINGI NG SAKLOLO SA LNS INTERNATIONAL MANPOWER

BANTAY OFW

Bibigyang pansin naman natin ngayon ang rek­lamo ng ating kabayani na kapangalan pa man din ng isang artista na si Lorna Tolentino. Ayon kay Lorna, siya ay nakarating sa Kuwait sa pamamagitan ng LNS International Manpower Services Corporation. Ayon sa sumbong ni OFW LORNA TOLENTINO ay “Wala po akong sapat na tulog lalo na sa araw na may pasok sa eskwela at trabaho ng employer ko. Natutulog po ako sa ilalim ng mga tambakan ng damit. Ginigising ako ng mga anak ng employer kahit sa gitna ng aking pagpapahinga. Walang…

Read More

MAGULANG, ANAK AT KALUSUGANG PANG-ISIP

Psychtalk

Nitong Sabado, naging isa ako sa tagapagsalita sa isang forum tungkol sa pangangalaga at pagpapatatag ng kalusugang pang-isip ng mga mag-aaral sa pamantasang pinagtuturuan ko. Ang mga dumalo ay ang mga opisyales at kasapi ng organisasyon ng mga magulang. Nakakatuwang isipin na sa araw na sanay nagpapahinga ang mga magulang pagkatapos ng isang linggong paghahanapbuhay ay pinili nilang makibahagi sa aktibidad na magtataguyod ng kapakanan ng kanilang mga anak kahit ang mga ito’y nasa kolehiyo na. Nagpapatunay ito kung gaano kasidhi ang hangarin ng bawat isa na patatagin lalo ang…

Read More

NAKAKAALARMA ANG PAGKALAT NG TIGDAS

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Nakababahala ang balitang may outbreak ng tigdas sa ating bansa, na ikinamamatay na ng higit animnapu kabilang ang higit sa dalawampung bata ngayon lamang taon. Ayon pa sa Department of Health Epidemiology Bureau, may 942 na naitalang kaso ng tigdas sa buong bansa. Sa NCR, mayroon nang 58 na namatay sa San Lazaro Hospital pa lamang. Kailangan ay may kagyat na gawin ang ating pamahalaan upang hindi kumalat ang sakit na ito, na maaari namang mapigilan ng pagbabakuna. Minumungkahi ng mga grupong pangkalusugan na triplehin ang pagsisikap ng pagbabakuna kabilang…

Read More

CUTTING TRIP SA PITX

POINT OF VIEW

Halos maglilimang buwan nang ibinukas sa publiko ang  Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Paranaque City na inaasahang magseserbisyo para sa may 100,000 pasahero kada araw  na papunta at paalis sa mga lalawigan ng Batangas at Cavite. Ito ang itinuturing na kauna-unahang  moderno at world class  landport sa bansa. Ang PITX ay binuksan noong Setyembre 2019,  na noong una ay itinuturing itong ‘bangungot’ ng mga commuters dahil sa hirap  na kanilang dinaras dahil kulang sa kahandaan ang pagbubukas nito particular ang kakulangan ng mga public utilities (PUVs) na maari nilang…

Read More

KAPAKANAN NG MGA BATA ANG UNAHIN

BREAKTHROUGH

Kamakailan ay nag­deklara ng outbreak ng tigdas sa Metro Manila ang Department of Health. Sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo na nasa 861 na ang maaaring kaso ng tigdas ang naitala sa Metro Manila at sa nga­yon ay maaaring tumaas pa o baka nadoble na nga. At nitong nagdaang araw ay idinagdag ng DOH ang Calabarzon, Western Visayas at Central Luzon. Hindi biro ang tigdas dahil sinisira ng virus na ito ang respiratory tract o daanan ng hininga hanggang sa kumalat sa buong katawan ng pasyente at ikamatay. Maaari itong…

Read More

IPASA NA ANG SB 1826

SALIKSIK

NAKASALANG ngayon sa plenaryo ng Senado ang Senate Bill 1826 o “The Security of Tenure and End of Endo Act of 2018,” bersiyon ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso upang magwakas na ang kontraktuwa­lisasyon sa bansa. Ang bersiyon ng mababang kapulungan (House Bill 6908) ay ipinasa noon pang Enero 2018. Tingnan n’yo, Pebrero 2019 na ngayon, ngunit hindi pa naipapasa ang SB 1826. Ang bagal kasi ng Senate Labor Committee na pinamumunuan ni Senador Joel Villanueva. Napakayaman na kasi ni Villanueva, kaya marahil balewala sa kanya na manatiling hindi regular…

Read More