NOONG nakaraang Biyernes ay nagsagawa ng piket protesta ang Bayan Muna kasama si Atty. Neri Colmenares sa tanggapan ng Meralco. Ito ay dahil sa nakaamba na namang taas-singil sa kuryente. Sa pagtingin ng Bayan Muna, hindi makatarungan ang panibagong taas-singil ng Meralco, na may record na ng panlalansi upang mas makasingil ng mas mataas sa mga konsumer. Idiniin ng Bayan Muna ang kasong inihain nito noong 2013 sa Korte Suprema, nang magpataw ng P4.15 kada kwh na dagdag-singil ang Meralco. Dahil sa kasong ito, hanggang ngayon ay naka-Temporary Restraining Order…
Read MoreCategory: OPINYON
LTFRB PAHIRAP SA OFW
Ang pamahalaan ay binuo ng mamamayan upang magkaroon ng organisadong pamamahala sa isang teritoryo, sa ating sitwasyon ay ang bansang Pilipinas. Tinawag itong Republika ng Pilipinas dahil ang pamahalaan ay binubuo ng mga taong nagsisilbing representante ng mamamayan. Nandiyan ang mga opisyal na inihalal ng mamamayan at nandiyan din ang mga opisyal at manggagawang ini-appoint ng ating mga halal sa gobyerno, at mga propesyunal na tinanggap ng ating mga representante sa pamahalaan. Madalit salita, ang gobyerno ay likha ng mamamayan upang maglingkod sa kanilang mga pangangailangan, interes at mithiin. Yan…
Read MoreHAMON NG ARAW NG PAG-IBIG
(Ikalawang bahagi) PAANO nga ba matutugunan ang hamon ng araw ng pag-ibig na hindi kinakailangang magpaalipin sa mga komersiyalisadong ekspektasyong pinalalaganap ng kasalukuyang kultura? Paano ba maipapakita ang pag-ibig sa minamahal na hindi kailangang magpadala sa pressure na gumastos kung hindi talaga pasok sa budget? Paano ba natin mararanasan ang kahulugan ng pag-ibig anuman ang kalagayan o estado, saan man tayo ngayon? Dahil kung paniniwalaan lang natin ang namamayagpag na pananaw ngayon, marahil mapapaisip tayo na ang selebrasyon nito ay para lamang sa mga mayroong pera. Kung kapos ka, wala…
Read MoreMAS MALAKI AT MAS MALAWAK ANG PYRAMIDING SCAM NG KAPA
NITONG nakalipas na isyu ay naging paksa natin ang KAPA Community International Ministry Inc. na isiniwalat ni Puwersa ng Bayaning Atleta Party-list Rep. Jericho Nograles. Nabanggit natin na ang raket ng grupo na pyramiding ay gaya ng ginawang panggagantso ng Aman Futures ni Manuel Amalilio. Gaya kasi ng Aman Futures, itong KAPA ay nagsi-mula rin sa Mindanao. Nagtataka tayo tuloy kung bakit tila napakarami sa ating mga kababayan sa Mindanao ang madaling mabuyo sa mga ganitong klase ng scam. Ang mali natin ay ang akalang mas malaki ang Aman Futures…
Read MorePAGLIPAT NG SENADO SA BGC
NAGSIMULA na ang kampanya noong Martes (Pebrero 12) para sa mga tumatakbong senador at ilan sa mga 70 kandidato ay naniniwala na sila ay mananalo sa halalan sa Mayo 13. May nakapagbulong sa atin na isang senatorial candidate mula sa Min-danao ang tila sigurado na sa kanyang pagkapanalo dahil ngayon pa lang ay nagpaplano na itong bumili ng isang condominium unit sa Bonifacio Global City o BGC. Kilala bilang commercial and business district ang BGC at alam ng mga negosyante kung gaano kamahal ang mga condominium unit sa naturang lugar…
Read MoreNAGPABAYA SI RAFAEL MARIANO
HINDI ko masisisi si Pangulong Rodrigo Duterte kung nilayasan nito ang pulong ng gabinete kamakailan, sapagkat totoo namang nakakabuwisit ang balitang dalawang taon nang hindi umuusad ang mga kaso ng land conversion sa Department of Agrarian Reform (DAR). Palagay ko, kahit sino ay mababanas, mag-iinit ang ulo at lalayasan ang mga taong nasa kanyang harapan kung panay kapalpakan ang nangyari sa DAR sa nakalipas na dalawang taon. Dalawang taong nakababad sa DAR ang problema sa pagpoproseso ng land conversion, ngunit hindi man lang ipinarating sa media noong si Rafael Mariano…
Read MoreDEPLOYED NG PRIMEWORLD MANPOWER AGENCY INC., HUMIHINGI NG SAKLOLO
Natanggap ko sa ating Bantay OFW monitoring center ang reklamo ng ating OFW na nasa Dammam, Saudi Arabia na si Mary Kres Rosales. Ayon sa sumbong ni Mary Kres Rosales ay: “expired na po ang iqama ko at hindi ma-renew gawa ng nilagay ng nagbenta sa akin dito po eh takas ako kaya undocumented po ako dito at ayaw ako pauwiin ng amo ko.’Yung agency ko po ay hindi nila ako iniintindi. Sana po ay matulungan ninyo akong makauwi. “ Ito ang dahilan kung bakit paulit-ulit tayong nanawagan sa lahat…
Read MoreIBINAWAL NA NOON BAKIT MAY PORK PA RIN?
Marami nang banner headline sa iba’t ibang mga pahayagan ang nai-dedicate ukol sa banga-yan nina Rep. Rolando Andaya, House Committee on Appropriations chair, at Budget Sec. Benjamin Diokno. Sa ordinaryong mamamayan, ang dati-ngan ng pinagtatalunan ay ukol sa mga itinatagong salapi ng taumbayan na gustong pakinabangang personal. Ganyan ang lumalabas. Sinasabi ni Rep. Andaya na nabuking niya na may mga savings pala mula sa 2017 at 2018 na pondo na naka-park lamang. Sinasabi naman ni Sec. Diokno na in-offer niya ang impormasyong iyon sa Mababang Kapulungan at wala s’yang itinatago.…
Read MoreHAMON NG ARAW NG PAG-IBIG
(UNANG BAHAGI) Buwan na naman ng mga puso—malamig pa rin ang simoy ng hangin, at naglipana na sa mga pampublikong mga lugar ang mga advertising materials na nagpapaalala tungkol dito. Kaakibat nito ang iba’t ibang ekspektasyon lalo na para sa mga taong nasa isang romantikong relasyon. Kasi naman, sa hinaba-haba nang panahon, ang pangkaraniwang pagkakaunawa ng mga tao sa pag-ibig ay galing sa iisa at limitadong pakahulugan. Kadalasan ito ay tumutukoy sa pag-ibig na romantiko na siyang temang namayani sa mga klasiko at mga kasalukuyang naratibo tungkol sa mga relasyon…
Read More