MAY DAAN PERO WALANG MALAKARAN

SA bawat kanto ng siyudad, makikita ang bangketa. Pero sa halip na daanan ng tao, ito’y naging paradahan ng kotse, tindahan ng fishball, o minsan pa’y nagsisilbing sala ng mga nakatira sa gilid ng kalsada. May daan nga, pero walang malakaran. Ngayong taon, muling binigyang-diin ng MMDA ang pagpapatupad ng clearing operations sa mga pangunahing lungsod. Sa Quezon City pa lang, dose-dosenang sasakyan at illegal vendors ang pinaalis sa bangketa. Pero parang panandalian lang ang aksyon. Pagkalipas ng ilang araw, balik sa dating gawi. Sa sobrang dami ng nakaharang, ang…

Read More

TAMA NA PAGROMANTISA SA HIRAP NG TAO

GEN Z TALKS TAG-ULAN na naman, at gaya ng dati, kailangan na naman nating maging ‘matatag’ dahil wala namang ibang aasahan. Baha sa kalsada, stranded na commuters, walang kuryente, at mga batang lumalangoy sa putik habang may caption sa Facebook: “Tunay na matatag ang mga Pilipino.” Teka, kailan ba naging masaya ang maglakad sa baha papunta sa trabaho? Kailan naging cute ang kumain ng sardinas habang nakatuntong sa bubong? Resiliency ang palaging bida sa balita at social media. Pero minsan naiisip ko, hindi ba dapat nakahihiya na ito ang paulit-ulit…

Read More

DISIPLINA SA PAGTATAPON NG BASURA MALABO PA

DPA ni Bernard Taguinod HINDI ako nawawalan ng pag-asa na darating pa rin ang araw na magkakaroon ng disiplina ang mga Pilipino sa pagtatapon ng basura pero hindi pa sa panahon natin ngayon dahil hindi tayo naturuan ng tamang pag-uugali. Iyan ang dahilan kaya marami ang nagmumungkahi sa mga mambabatas na gayahin ang education system ng Japan na sa unang tatlong taon ng mga kabataan sa eskuwelahan ay hinuhubog sila sa tamang asal imbes sa eksaminasyon, pero dedma sila. Marami ang kampanya at panawagan na huwag magtatapon ng basura kung…

Read More

LAGI NA LANG!

PUNA ni JOEL O. AMONGO TUWING papasok ang bermonths ay hindi na makapagpahinga ang mga Pilipino sa tama ng mga kalamidad. Bukod sa bagyong Crising ay sinabayan pa ito ng hanging Habagat na nagdala ng malalakas na pag-ulan kaya binaha ang malaking bahagi ng bansa. Ayon sa weather bureau ng bansa na PAGASA, maaaring hanggang ngayong araw pa ng Huwebes mararanasan ang mga pag-ulan na may kasamang mga pagbaha na magdudulot ng perwisyo sa mga tao. Kabilang sa mga apektado ay ang mga magsasaka na nawasak ang mga pananim at…

Read More

BEMBANG SA BI OFFICE USO NA NAMAN

BISTADOR ni RUDY SIM SINO kaya itong isang mataas na opisyal ng Bureau of Immigration na kahit takot magulpi ng kanyang misis ay nakalulusot pa rin sa kanyang taglay na kamanyakan? Ayon sa ating minions na umaaligid sa bawat sulok ng BI office, ay putok na putok ang palagiang close door umano nila ng kanyang chubby at cute na staff? Hmm… eh dumi talaga ng isip ng aking minions, malay mo naman baka naglalaro lamang sila ng sungka… Bueno mga kabubwit, ang opisyal umano ng BI na itatago na lamang…

Read More

DOBLE KARANG BATAS

KAPE AT BRANDY ni Sonny T. Mallari MABALASIK pa rin ang ating pambansang kamao, Manny Pacquiao, sa kanyang ginawang pagbabalik sa boxing ring pagkalipas ng apat na taong pamamahinga. Bagama’t kinapos si Manny upang maagaw ang WBC world welterweight crown mula sa Amerikanong si Mario Barrios – 115-113 ang score ng isang judge na pumapabor kay Barrios at dalawang judge naman ang nagbigay ng parehong 114-114 score – nakita ng buong mundo na nananatili ang lakas at husay ng ating kababayan sa kabila ng kanyang edad na 46. Trenta anyos…

Read More

Report card ni Yorme Isko: Malinis, matinong gobyerno nadarama ng Manilenyo

PUNTO DE BISTA NI BAMBI PURISIMA NAPANSIN n’yo ang napakalaking pagbabago sa Maynila sa loob lamang ng mahigit dalawang linggo, at kahit ang taga-labas ng siyudad, manghang-mangha. Malinis na ang mga kalsada, ‘yung dating nakahambalang na walang disiplinang vendor na kung saan-saan lamang nagdudumi at nagtatapon ng basura, nawalis na, nalinis na. Wala na ang amoy ihi at ebak, maaliwalas na sa mata ang paligid ng Divisoria, Carriedo, Blumentritt, Pedro Gil, Vito Cruz, palibot, paikot ng city hall at ng Quiapo, at iba pang public market. Mabango na ang Maynila,…

Read More

FLOOD MITIGATION PROJECTS NI QC CONG. BONG SUNTAY

TARGET COLUMN NI KA REX CAYANONG SA panahong tila paulit-ulit ang trahedya ng pagbaha sa lungsod, isang lider ang patuloy na nagiging tinig ng pagkilos at tagapagtaguyod ng solusyon para sa mga taga-District 4 ng Quezon City—si Congressman Bong Suntay. Hindi ito ang unang pagkakataon na ipinakita ni Cong. Suntay ang kanyang malasakit sa mga residente ng lungsod. Ngunit sa pinakahuling hakbang upang isulong ang P12.743 bilyong Flood Mitigation Projects, pinatunayan niyang higit pa sa mga salita ang kanyang serbisyo. Sinasabing sa pakikipagtulungan kina Mayor Joy Belmonte at Konsehal Miggy…

Read More

GOBYERNO MISMO NAGPAPAHIRAP SA MGA TAO

DPA ni BERNARD TAGUINOD LIMA ang pangunahing tungkulin o responsibilidad ng gobyerno sa mamamayan na kinabibilangan ng pagpapanatili sa kaayusan ng lipunan, pagbibigay ng serbisyo at pangangailangan tulad ng edukasyon, kalusugan, seguridad at iba pa. Pangatlo ang paglikha ng mga batas at regulasyon para maprotektahan ang karapatan at kapakanan ng mamamayan, pang-apat ang pagpapaunlad ng ekonomiya at pang-lima ang pagpapalaganap ng katarungan at pagkakapantay-pantay. Wala riyan ang pagpapahirap sa mamamayan sa pamamagitang ng sangkaterbang buwis na ipinapataw sa mamamayan lalo na sa middle class o working class na siyang tunay…

Read More