TINIYAK ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na handa ito na tumugon sa mga apektadong lokal na pamahalaan (LGUs) at mga pamilyang nawalan ng tirahan na maaaring mangailangan ng tulong habang inaasahang muling makapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) si Bagyong Pilandok. “Handa ang DSWD na mag-augment ng tulong sa mga lokal na pamahalaan na maaaring maapektuhan ng pagbabalik ni Bagyong Pilandok sa PAR. Mayroon pong higit 3.2 milyon na family food packs (FFPs) ang kasalukuyang naka-preposition sa iba’t ibang strategic locations sa ating bansa,” sabi ni…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
Sa posibleng peligro sa mga bata PORTION NG RIVER WALK SA LAGUNA ISINARA
PANGANIB sa buhay, ito ang dahilan kaya isinara ang bahagi ng Biñan Riverwalk sa Biñan City matapos mamataan sa CCTV ang ilang batang tumatalon sa ilog habang mataas ang tubig at malakas ang ulan. Ayon sa Biñan City Disaster Risk Reduction and Management Office, nakita sa CCTV ng Command Center ang mga batang naglalaro at tumatalon sa Biñan River sa bahagi ng Evangelista Bridge sa kasagsagan ng pag-ulan dahil sa Habagat. Nagbabala ang mga awtoridad na delikado ang ganitong gawain dahil maaaring tangayin ng malakas na agos ang mga bata,…
Read MoreDEATH TOLL SA HABAGAT UMAKYAT NA SA 43
INAKYAT na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa 43 ang bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng Southwest Monsoon o Habagat at mga tropical cyclone na sina Luis, Maymay, Neneng at Pilandok. Ayon sa pinakahuling datos ng NDRRMC, karamihan sa mga naitalang pagkamatay ay dulot ng landslide at pagkalunod bunsod ng sunod-sunod na pag-ulan at pagbaha na nakaapekto sa buhay ng humigit-kumulang 10 milyong Pilipino. Samantala, 20 katao naman ang nasugatan dahil sa epekto ng sama ng panahon. Kabilang sa mga lugar na naitala ang…
Read MoreEMERGENCY TEAM NI CAYETANO, TUMULONG SA MGA KOMUNIDAD SA PAMPANGA SA GITNA NG ILANG LINGGONG BAHA
NAGHATID ng pagkain, inuming tubig at grocery packs ang emergency response team ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa mga lugar sa Pampanga na patuloy na lubog sa baha nitong Setyembre 4 at 5, 2026. Bumisita ang team sa mga bayan ng Candaba at Macabebe noong Biyernes bago nagtungo sa Apalit, Sasmuan, Bacolor at San Fernando City noong Sabado. Umabot sa mahigit 1,100 katao ang natulungan, kabilang ang mga evacuee, tindero, tsuper, senior citizen, boat operator, rescuer at iba pang manggagawa. Sa Barangay San Agustin sa Candaba, libu-libong pamilya…
Read More500 MINERO APEKTADO SA NI-RAID NA MINING SITES SA QUEZON
APEKTADO ang kabuhayan ng tinatayang 500 minero matapos salakayin ng NBI at iba pang ahensya ang dalawang mining sites sa Barangay Bulo, Buenavista, Quezon noong Setyembre 3, kaugnay ng umano’y paglabag sa batas sa small-scale mining at mga kautusan ng DENR-MGB. Batay sa search warrant, nakumpiska sa operasyon ang tinatayang 500 sako ng processed at unprocessed gold ore, gayundin ang mga kagamitan at iba pang ebidensyang ginagamit sa pagmimina at pagproseso ng mineral. Ayon sa mga minero, biglaan ang operasyon at ilang manggagawa ang umano’y nahuli at dinala sa NBI…
Read MoreOWNER PATAY SA NASUNOG NA CHRISTIAN SCHOOL
NATAGPUANG wala nang buhay ang may-ari ng isang private school makaraang masunog ang nasabing eskwelahan sa Brgy. Sta. Cruz, Dasmariñas City, Cavite noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang biktimang si alyas “Violeta”, 79, may asawa, may-ari ng Brentwood Academy of Dasmariñas Inc. sa Brgy. Sta Cruz 1, Dasmariñas City, Cavite. Ayon sa report, nagsimula ang sunog bandang alas-8:32 ng gabi sa loob ng classroom sa nasabing paaralan. Bandang alas-9:13 ng gabi nang ideklarang under control ang sunog at habang nagsasagawa ng clearing operation ay natagpuan ang bangkay ng biktima sa…
Read MoreWALANG KOMPRONTASYON SA PAGHARANG NG CONVOY NG MILF – PNP
NILINAW ng Philippine National Police na walang nangyaring komprontasyon sa pagharang ng mga pulis at sundalo sa convoy ng MILF. Miyerkoles dakong alas-7:30 ng umaga ay hinarang sa checkpoint ng Barangay Libertad Kolambugan, Lanao del Sur ang MILF 131st Brigade na binubuo ng 23 sasakyan at limang motorsiklo. Hindi naman umano problema sa seguridad kundi ay ang hindi nito pagkakaunawaan sa koordinasyon kung saan ay lulan ang mahigit 100 MILF sa mga sasakyan. Ayon kay PNP spokesperson, PCol. Allen Rae Co, galing umano sa Lanao del Sur ang grupo ni…
Read MoreHULING ALMUSAL, SAKADA NILIKIDA
ISANG sugar cane farmer ang nilikida ng kapwa niya sagada na pinagbabaril habang nag-aalmusal kasama ang ilang kaibigan sa kanyang kubo sa Don Carlos, Bukidnon, ayon sa ulat ng pulisya nitong Huwebes. Kinilala ng Don Carlos Municipal Police Station ang biktima na isang 31-anyos na sakada na binaril bandang alas-7:40 ng umaga noong Miyerkoles. Target ngayon ng manhunt operation ang suspek na kilala rin umano ng biktima at ng mga kaibigan nitong nakasaksi sa pamamaril sa kubo sa Purok 6, Barangay Embayao. Bigla umanong pumasok si alyas “Janjan” sa kubo…
Read MoreP162.2M HIGH GRADE MARIJUANA NASAMSAM
NASA 98 kilo ng high grade marijuana o kush ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nitong Huwebes kasunod ng inilunsad na “board, inspection and search” operation sa Subic Bay Yacht Club. Ayon sa ulat, tinatayang nagkakahalaga ng P162.2 million ang nasamsam na kush matapos ang isinagawang board, search and inspection operation ng Bureau of Customs sa pamamagitan ng Port of Subic, kasama ang iba pang law enforcement agencies. Sa ibinahaging report ng BOC, at maging ng Philippine Coast Guard,…
Read More