LIGTAS AT KAPANI-PANIWALANG BARMM POLLS TINIYAK NI PBBM

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mamamayan ng Bangsamoro na gagawin ng kanyang administrasyon ang lahat sa loob ng mandato nito upang matiyak ang ligtas, mapayapa at kapani-paniwalang inaugural parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Setyembre 14. Inihayag ito ng Pangulo matapos pangunahan ang pagbubukas ng 2026 National Peace Consciousness Month, kung saan binigyang-diin niya ang buong suporta ng kanyang administrasyon sa makasaysayang halalan sa rehiyon sa kabila ng ilang pagpapaliban dito. “We are prepared for the first Parliamentary elections in the Bangsamoro…

Read More

MILF CONVOY NAHARANG SA LANAO CHECKPOINT

NAHARANG ng mga awtoridad sa isang checkpoint ang convoy ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) nitong Miyerkoles dakong alas-7:30 ng umaga sa Barangay Libertad, Kolambugan, Lanao del Norte. Binubuo ang convoy ng 23 sasakyan at limang motorsiklo na isinailalim sa verification ng mga tauhan ng Lanao del Norte Police Provincial Office at Philippine Army. Ayon sa ulat ni Lanao del Sur Police Provincial Office Director Police Colonel (PCOL) Leo De Leon Sua, walang naipakitang kaukulang dokumento o patunay ng prior coordination sa kinauukulan ang mga miyembro ng MILF 131st Brigade…

Read More

DEPENSA NG SMC SA MGA BATIKOS: BULACAN AIRPORT, REDEVELOPMENT HINDI RECLAMATION PROJECT

SA kabila ng kaliwa’t-kanan na pagpuna sa itinatayong New Manila International Airport o Bulacan International Airport na isa umanong reclamation project, iginiit ni Ramon S. Ang, President at Chief Executive Officer ng San Miguel Corporation (SMC), na ang nasabing proyekto na itinatayo sa coastal area ng Bulacan ay redevelopment project. Sa panayam ng Bulacan media-based sa top head ng SMC, sinabi ni Ang na ang lupang pinagtatayuan ng airport ay existing na at ito ay deklarado noon bilang mga titled land kung saan pagkalipas ng maraming taon ay unti-unting lumubog…

Read More

BENEPISYO TINIYAK NG PNP SA PAMILYA NI PSSG. MACUHA

NAGPAABOT ng pakikiramay ang Philippine National Police sa nasawing pulis sa Balayan, Batangas na humabol sa suspek sa pagnanakaw. Namatay si PSSg. Von Rico Bibaño Macuha, nakatalaga sa Sta. Teresita Municipal Police Station, habang nagsasagawa ng follow-up operation laban sa suspek sa pagnanakaw na si Carlo Arcilla Sape sa Barangay Sampaga noong Agosto 30. Ayon sa ulat, nagpaputok ng baril si Sape habang tumatakas mula sa kanyang tinutuluyan at tinamaan sa ulo si Macuha na nagresulta sa kamatayan ng pulis. “We deeply mourn the loss of Police Staff Sergeant Von…

Read More

SANGGOL NADAMAY SA PAGSABOG NG GRANADA SA MARAWI CITY

DALAWANG lalaki ang nasawi sa ikinasang joint law enforcement operation ng Philippine National Police at Philippine Army sa Barangay Tampilong, Marawi City. Ayon sa ulat, patay ang dalawa nang mauwi sa engkuwentro ang pagsisilbi ng warrant of arrest ng mga tauhan ng military at pulis sa Barangay Tampilong. Subalit may isang anim na buwang gulang na sanggol din ang nadamay at nasawi nang mahagip ng shrapnel ng sumabog na granada. Ayon sa Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), isinagawa ang operasyon upang arestuhin ang isang alyas “Engineer” na nahaharap sa…

Read More

1,215 WANTED PERSONS TIKLO SA CENTRAL LUZON

SA pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) laban sa wanted persons, nakapagtala ito ng pagkakaaresto ng 1,215 wanted persons noong Agosto, kasunod ng patuloy na manhunt operations at service of warrant of arrest sa buong Gitnang Luzon. Sa report ng Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD), ang mga naaresto ay batay sa 1,082 wanted persons mula Agosto 1 hanggang 26, habang ang mga istasyon ng pulisya at mga operating unit ay nagpatuloy sa kanilang mga operasyon sa mga natitirang araw ng buwan at umabot sa 1,215…

Read More

OCD-NDRRMC nakatutok pa rin sa NLEX 135 ROAD NETWORK APEKTADO SA MGA BAGYO AT HABAGAT

NANATILING apektado ng mga nagdaang bagyo at ng pinalakas na epekto ng Southwest Monsoon ang nasa 135 road network sa Luzon dahil sa mga landslide at pagbaha kabilang ang Northern Luzon Expressway (NLEX) na patuloy na binabantayan ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) at ng operating arms nitong Office of Civil Defense. Sa ulat ng OCD, apektado pa rin ng pagbaha ang 135 road networks sa Luzon bunsod ng patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat. Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction ang Management Council (NDRRMC), 678…

Read More

P58.3B LGSF FUND PROTEKTADO SA PULITIKA, PABORITISMO – LMP

TINIYAK ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) na may mga nakalatag na mahigpit na alituntunin at safeguard upang matiyak na magiging malinis, walang pampulitikang paboritismo, at patas ang pamamahagi sa panukalang P58.32-billion Local Government Support Fund (LGSF) para sa taong 2027. Ang naturang pondong inilaan para sa local government units (LGUs) ang itinuturing na pinakamalaking LGSF allocation sa kasaysayan ng bansa. Ayon kay LMP president at Echague, Isabela Mayor Faustino Dy V, siguradong pantay-pantay na matatanggap ng mga lalawigan, lungsod, at munisipalidad ang pondo. “Guard rails have been…

Read More

200 BARANGAY LUBOG SA BAHA, 11,550 INILIKAS SA BULACAN

TINATAYANG mahigit 200 barangay ang lubog sa tubig-baha habang 11,550 pamilya ang inilikas sa mga evacuation center bunsod ng malakas na pag-ulan dulot ng Hanging Habagat o Southwest Monsoon sa lalawigan ng Bulacan. Base sa situation report (sitrep) ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Operations Center, ang binahang mga barangay ay mula sa halos lahat ng munisipalidad at lungsod sa lalawigan kung saan ang pinakanasalanta ng mataas tubig-baha ay ang bayan ng Calumpit na halos lahat ng 26 barangay dito ay nakaranas ng pagbaha na 1…

Read More