Sa physical contact, verbal abuse BATANGAS POLICE DIRECTOR KINASUHAN NG LADY COP

PERONAL na naghain ng pormal na reklamo sa National Police Commission (NAPOLCOM) ang isang babaeng pulis laban sa Police Provincial Director ng Batangas, dahil sa umano’y grave misconduct and conduct unbecoming of a police officer. Ayon sa isinumite nitong sworn affidavit, detalyado nitong inilatag ang sunod-sunod na insidente na naganap mula Pebrero hanggang Marso 2026, kabilang ang hindi kanais-nais na physical contact, mga ‘di angkop na salita, at mga aksiyong nagdulot ng stress sa nagreklamo, na nangyari sa loob mismo ng police premises at sa trabaho. Aniya, ginamit umano ng…

Read More

7 LAPTOP COMPUTERS NG SCHOOL TINANGAY, 4 ARESTADO

ARESTADO ang tatlong kalalakihan kabilang ang dalawang menor de edad na tumangay ng pitong computer laptops sa isang pampublikong eskwelahan sa Cavite City noong Lunes ng gabi. Hawak ngayon ng Cavite City Component Police Station ang mga suspek na sina alyas “Dave”, “Rider” at dalawang menor de edad. Ayon sa ulat, nagsasagawa ng pagpapatrulya ang mga miyembro ng Philippine Navy sa loob ng kampo nang namataan nila ang mga suspek na umaakyat sa bakod ng Sangley Point National High School sa Naval Base Heracleo Alano, Sangley Point, San Antonio, Cavite…

Read More

2 RIDERS PATAY SA PASKO NG PAGKABUHAY

DALAWANG motorcycle riders ang namatay nitong Pasko ng Pagkabuhay kasunod ng karambola ng mga sasakyan na ikinasugat din ng siyam na iba pa, kabilang ang driver ng isang Sports Utility Vehicle (SUV), sa Barangay Gongogong, San Ildefonso, Ilocos Sur. Batay sa paunang imbestigasyon, isang northbound na Ford Everest na minamaneho ng 23-taong-gulang na lalaki mula Barangay Vacunero, Santo Domingo, Ilocos Sur, ang lumihis sa kabilang linya habang sinusubukang mag-overtake sa sasakyang nasa unahan niya. Hinihinalang nag-alanganin ito at bumangga sa limang southbound o kasalubong na motorsiklo bandang alas-3 ng madaling…

Read More

5 mangingisda nasagip ng Coast Guard 4 DROWNING INCIDENTS NAITALA SA CALABARZON NITONG SEMANA SANTA

APAT katao ang naitalang nasawi sa magkakahiwalay na insidente ng pagkalunod sa rehiyon ng CALABARZON nitong Semana Santa, ayon sa inisyal na ulat ng Philippine National Police, habang lima namang mangingisda ang nasagip ng Philippine Coast Guard sa karagatang sakop ng Batangas. Sa bayan ng Tiaong, isang 38-anyos na lalaki ang nalunod matapos tangkaing kunin ang tsinelas ng kanyang anak na inanod ng agos sa Mabilog River. Sa Magdalena, isa ring lalaki ang matagpuang hindi na gumagalaw sa ilalim ng tubig sa Balanac Dam. Sa Mabini, nasawi ang isang 48-anyos…

Read More

BABAE NATAGPUANG PATAY SA DALAMPASIGAN

NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang pulisya kung namatay sa pagkalunod ang isang babae makaraang matagpuang walang malay sa dalampasigan sa isang resort sa Tanza, Cavite noong Linggo ng gabi. Isinugod pa sa Tanza Doctors Hospital ang biktimang si “Precious” subalit wala na itong pulso pagsapit doon. Ayon sa ulat, isang pamilya ang nagtungo sa Garden Coast sa Brgy. Capipisa, Tanza, Cavite upang maligo at doon ipagdiwang ang Easter Sunday. Inakala ng pamilya na natutulog lamang ang biktima sa kanilang inupahang cottage ngunit bandang alas-10:00 ng gabi ay nabatid na wala ito…

Read More

Sa shooting incident sa Puerto Princesa 4 PULIS IPINAAARESTO SA ILEGAL NA PAGRESPONDE

IPINAG-UTOS ni PNP chief, Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang pag-aresto at pagpapakulong sa apat na pulis na tinukoy na nagresponde sa pamamaril sa Puerto Princesa sa Palawan. Ito ang inihayag ng hepe ng Pambansang Pulisya sa isinagawang flag raising ceremony nitong Lunes ng umaga sa Camp Crame. Inatasan ni Nartatez ang Regional Director ng Police Regional Office Mimaropa na arestuhin at ipakulong ang apat na pulis na nagresponde sa pamamaril noong Biyernes Santo sa Barangay Irawan, Puerto Princesa City, Palawan na ikinasawi ng tatlo katao. Kabilang sa mga nasawi…

Read More

Para sa bagong simula 4 DATING REBELDE PINAGKALOOBAN NG TITULO NG LUPA

APAT na dating rebelde sa Albay ang nakatanggap ng Certificates of Land Ownership Award (CLOAs) mula sa Department of Agrarian Reform (DAR), isang mahalagang hakbang upang muling makapagsimula at makabalik sa payapang pamumuhay sa ilalim ng Executive Order No. 103 (1986) o National Reconciliation and Development Program (NRDP), ayon sa Department of Agrarian Reform (DAR). Naniniwala si DAR Assistant Regional Director for Operations Gay L. Labad, higit pa sa simpleng programa ng pamahalaan ang pagkakaloob ng titulo ng lupa dahil nagbibigay ito ng katiyakan sa pagmamay-ari ng lupa at oportunidad…

Read More

BABAE PATAY SA SAKSAK NG ASAWANG HOSTAGE TAKER

PATAY ang isang ginang at sugatan naman ang isa sa dalawang anak nito sa nangyaring umano’y pangho-hostage ng kanyang mister dakong alas-11:30 ng umaga sa Sta. Isabel Subdivision, Havila, Brgy. Mahabang Parang, Angono, Rizal noong Sabado, Abril 4, 2026. Ayon sa inisyal na impormasyon ng mga awtoridad, patay na ang biktimang babae nang matagpuan ng mga pulis sa kanilang bahay nitong Linggo ng umaga. Kinilala ni PCol. Eleazar Barber, provincial director ng Rizal Provincial Police Office (Rizal PPO), ang biktimang si Ma. Lourdes Santos, anak nitong sugatan na si alyas…

Read More

PH ‘DI IKOKOMPROMISO WPS SA CHINA KAPALIT NG OIL EXPLORATION

TINIYAK ng Malacañang na hindi isusuko ng Pilipinas ang anomang interes nito sa West Philippine Sea (WPS) kapalit ng posibleng joint oil at gas exploration sa China. Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mananatiling maingat ang pamahalaan sa pakikipag-usap upang maprotektahan ang interes ng bansa at ng mamamayan. “Walang mawawalang interes, walang ipamimigay na interes,” ani Castro. Sinabi rin niya na bukas ang Pilipinas sa usapin ng joint exploration, ngunit igigiit nito ang karapatan nito sa WPS. Nauna nang nagkaroon ng pulong ang Pilipinas at China sa 24th Foreign…

Read More