APLIKASYON SA AMNESTIYA NG 17 REBEL RETURNEES, INAPRUBAHAN SA QUEZON

UMABOT sa 17 aplikasyon ng rebel returnees ang inaprubahan para sa amnestiya at reintegrasyon sa lipunan matapos ang isinagawang ika-9 na Case Conference ng Local Amnesty Board sa Quezon noong Martes, Agosto 25. Pinangunahan ni Provincial Administrator Manuel Butardo, bilang kinatawan ni Local Amnesty Board Chairperson Governor Helen Tan, ang pagsusuri kasama ang mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kabilang ang Quezon PNP, sa pangunguna ni Provincial Director PCol. Romulo Albacea at ng mga opisyal ng AFP. Tinalakay sa pagpupulong ang kalagayan at karanasan ng mga aplikante, gayundin…

Read More

P26.6M PUSLIT NA YOSI NAKUMPISKA SA NEGROS OCCIDENTAL

TINATAYANG P26.6 milyong halaga ng puslit na mga sigarilyo ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine National Police sa Brgy. Alimango, Escalante City, Negros Occidental noong Lunes ng gabi. Isang 29-anyos na lalaki ang nahuli sa pangunguna ng Regional Special Operations Group ng Police Regional Office–Negros Island Region, katuwang ang iba’t ibang yunit. Nakumpiska ng PNP ang 447 master cases ng mga sigarilyo na may unauthorized tax seals at walang required health warning graphics. Dinala na sa Escalante City Police Station ang suspek para sa dokumentasyon at temporary custody. Pinapurihan…

Read More

KUBO PINAGBABARIL; 2 SENIORS, PASLIT SUGATAN

NATAGPUANG sugatan ang tatlo katao, kabilang ang dalawang senior citizens at 4-anyos na lalaking paslit makaraan umanong pagbabarilin ang kanilang kubo sa Indang, Cavite noong Martes ng gabi. Kinilala ang mga biktimang sina alyas “Franco”, 63, isang magsasaka; “Juanita”, 62, at alyas “Nathan”, 4-anyos, pawang residente ng Sitio Buho, Brgy. Daine 1, Indang, Cavite. Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng suspek at kung anong baril ang ginamit sa pamamaril. Ayon sa ulat, bandang alas-12:30 ng madaling araw nang nakatanggap ng ulat ang Indang Municipal Police Station ng report hinggil sa narinig…

Read More

Salpukan sa Infanta, Quezon RIDER PATAY SA TUMALSIK NA SALAMIN NG VAN

PATAY ang isang 22-anyos na rider matapos tamaan sa leeg ng nabasag na salamin ng isang van na nakasalpukan nito sa Marilaque Highway, Barangay Magsaysay, Infanta, Quezon noong Linggo ng hapon. Ayon sa pulisya, ang biktima ay isang 22-anyos na lalaking residente ng Tanay, Rizal. Nabatid sa ulat, lulan ng kanyang motorsiklo ang biktima at patungong Infanta, Quezon nang makasalpukan ang passenger van na minamaneho naman ng 44-anyos na driver. Nabasag umano ang salamin ng van at tumalsik ang bahagi patungo sa leeg ng biktima na ikinamatay nito. (NILOU DEL…

Read More

FRUSTRATED MURDER SA TUMAGA SA PULIS

PORMAL nang sinampahan ng kasong direct assault with frustrated murder ang suspek sa pananaga kay PSSg. Noli Miraña ng San Jose Municipal Police Station sa Camarines Sur. Isinampa ang kaso noong Agosto 23 sa pamamagitan ng inquest proceedings sa Camarines Sur Provincial Prosecutor’s Office, at may inirekomendang piyansa na P120,000.00. Noong Martes, Agosto 24, pormal namang inihain sa Regional Trial Court sa San Jose ang impormasyon para sa nasabing kaso. Sa ngayon, si Miraña ay patuloy na nagpapagaling sa ospital makaraang matagumpay na maibalik ang naputol niyang kamay. Tiniyak ng…

Read More

2 PATAY SA SALPUKAN NG TANDEM AT KALABAW

PATAY ang dalawang binata na lulan ng motorsiklo makaraang makabanggaan nila ang isang kalabaw na tumatakas mula sa kalaban nito sa Silay City, Negros Occidental. Ayon sa ulat ni PLt. Col. Edison Garcia, hepe ng Silay City Police Station, sakay ang dalawang biktima sa motorsiklo noong Agosto 23, Linggo ng madaling araw. Galing umano sa Bacolod City ang mga biktima patungo sa Barangay Gimbalaon ngunit pagsapit sa bahagi ng Hacienda Santo Rosario sa nasabing Barangay ay nakabanggaan nila ang kalabaw. Kaagad naman silang isinugod sa ospital subalit idineklarang dead on…

Read More

NAGRESPONDENG MGA PULIS SA NAG-AMOK, PINAPURIHAN NG PNP

PINAPURIHAN ni PNP chief, PGen. Melencio Nartatez Jr. ang katapangan ni PSSg. Noli Miraña at mga kasamahan nito sa San Jose MPS sa Camarines Sur, na nagresponde sa isang insidente noong Agosto 22. Matatandaang sinubukang kausapin at pakalmahin ni Miraña at ng mga kasamahan nito, ang isang armadong indibwal na nag-aamok ngunit inatake siya nito ng taga na ikinaputol ng kanyang kaliwang kamay. Kaagad naman itong isinugod ng kanyang mga kasamahan sa pinakamalapit na hospital. Patuloy namang tinitiyak ng PNP ang kinakailangang tulong at suporta para kay Miraña habang siya…

Read More

P25M JACKPOT SA SUPER LOTTO 6/49, NASOLO NG CAVITEÑO

INSTANT milyonaryo ang isang mananaya mula sa Lalawigan ng Cavite, makaraang makuha nito ang winning combination ng Super Lotto 6/49. Ayon sa kalatas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakuha nito ang kombinasyon na 47-20-36-43-07-06 na may premyong P25,413,563.73. Nabatid mula kay PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades “Mel” A. Robles, nabili ang masuwerteng tiket sa isang outlet sa Bacoor City, Cavite. Ang Super Lotto 6/49 ay binobola tuwing araw ng Martes, Huwebes at Linggo. (TOTO NABAJA) 273

Read More

2 SUSPEK SA ROBBERY AT CARNAPPING ITINURO NG TRACKING DEVICE

BUNSOD ng tracking device feature ng isang smart watch, naaresto ang dalawang kalalakihan nang matunton ang kanilang kinaroroonan matapos tumangay ng mahigit P100,000 halaga ng mga kagamitan at gadgets sa isang bahay sa Gen. Trias City, Cavite noong Linggo ng hapon. Nahaharap sa kasong robbery at paglabag sa RA 10883 (Carnapping of a Two wheeled vehicle) ang naarestong mga suspek na sina alyas “Toto”, 31, isang magsasaka, at alyas “Ogag”, 29, walang trabaho, kapwa residente ng Brgy. San Francisco, General Trias City, Cavite. Ayon sa reklamo sa pulisya ni alyas…

Read More