PORMAL nang sinimulan nitong Agosto 19, 2026 ang Inter-Agency Territorial Defense Operations (IA-TDO) “Orion’s Taming” Exercise 2026 sa lalawigan ng Sulu. Bilang bahagi ng simuladong senaryo, inirekomenda ni Maj. Gen. Leonardo I. Peña, pinuno ng 11th Infantry “Alakdan” Division at Joint Task Force Orion, kay Hon. Abdusakur A. Tan II, Gobernador ng Lalawigan ng Sulu, ang pagpapasimula ng operasyon ng Sulu Joint Inter-Agency Coordinating Center (JIACC) at Emergency Operations Center (EOC), na agad namang idineklara ng gobernador bilang hudyat ng pagsisimula ng koordinadong inter-agency response. Dumalo rin sa pagsisimula ng…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
PANTABANGAN AT MAGAT DAMS BINABANTAYAN SA POSIBLENG PAG-APAW
MAHIGPIT na mino-monitor ng National Irrigation Authority (NIA) ang lebel ng tubig sa Pantabangan at Magat dams alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipagpatuloy ang pagbabantay sa mga dam. Sa pangunguna ni NIA Administrator Eduardo “Eddie” Guillen, patuloy na sinusubaybayan ng ahensya ang water level ng dalawang pangunahing dam sa gitna ng sunod-sunod na pag-ulan. Batay sa pinakahuling ulat, nasa 178.27 meters above sea level ang water level sa Magat Dam sa Isabela, habang 187.72 meters above sea level naman sa Pantabangan Dam sa Nueva Ecija.…
Read MoreMGA PASYENTE NG BATANGAS DISTRICT HOSPITAL INILIKAS
MAAGANG inilikas ang 17 pasyente ng San Juan District Hospital ng Pamahalaang Bayan ng San Juan sa lalawigan ng Batangas, dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig-baha sa kinatitirikan nito sa Brgy. Talahiban. Inilipat ang mga pasyente sa pasilidad na hindi apektado ng baha sa karatig bayan upang matiyak ang kaligtasan at tuloy-tuloy na serbisyong medikal. Personal namang nagtungo sa ospital ang mga opisyal ng LGU upang suriin ang sitwasyon at tiyakin ang maayos na paglilikas at transportasyon ng mga pasyente. Samantala, nananatiling mataas ang tubig sa Laiya-San Juan Road…
Read MoreROMERO ITINANGGING GINAWARAN NG GOLD CROSS MEDAL
MANILA — Mariing itinanggi ni Philippine Air Force Reserve Brig. Gen. Michael “Mikee” Romero na siya ay ginawaran o nagmamay-ari ng Gold Cross Medal ng Armed Forces of the Philippines (AFP). “Para sa rekord, hindi ako ginawaran at wala akong Gold Cross Medal,” pahayag ni Romero. Ayon kay Romero, ang medalya na paulit-ulit na tinukoy sa mga litrato at ginamit bilang sentro ng mga alegasyon laban sa kanya ay hindi Gold Cross Medal. Aniya, ang naturang parangal ay ang Gawad sa Kapayapaan, na ipinagkaloob bilang pagkilala sa kanyang mga naging…
Read More2 PATAY SA PAMAMARIL SA ATENEO DE ZAMBOANGA
DALAWANG high school students ang namatay sa nangyaring shooting incident sa Ateneo de Zamboanga University nitong Martes. Kabilang sa dalawang namatay ang suspek sa pamamaril. Kinilala ang suspek na isang Grade 10 student na ang ama ay nagtatrabaho sa Zamboanga City Customs Office. Ayon sa ulat ng Police Regional Office 9 (PRO9), dakong alas-7:50 nitong Martes ng umaga ay umalingawngaw ang mga putok ng baril sa ika-apat ng palapag ng ADZU High School Campus sa Barangay Lunzuran, Zamboanga City. Batay sa paunang imbestigasyon, bigla na lamang pumasok ang suspek sa…
Read MoreLIBRENG PSYCHIATRIC CONSULTATION ISINULONG SA LAGUNA
ISINULONG ni Laguna Governor Sol Aragones ang pagkakaroon ng libreng psychiatric consultation sa ilang ospital sa lalawigan para mas mapalapit sa mga residente ang tulong para sa mental health. Simula sa Setyembre, magkakaroon ng psychiatrist sa JP Rizal Hospital tuwing Sabado at Linggo, habang may psychiatrist naman sa Laguna Medical Center tuwing Huwebes at Biyernes. Layunin ng programa na matulungan ang mga nangangailangan ng psychiatric consultation, lalo na’t isa sa mga hadlang ang mahal na bayad sa konsultasyon. (NILOU DEL CARMEN) 248
Read MorePara sa mas ligtas na biyahe LIGAW NA HAYOP SA NLEX TUTUTUKAN
MARILAO, Bulacan — Pormal nang nakipagtulungan ang NLEX Corporation at ang Local Government Unit (LGU) ng Marilao upang matiyak ang makataong pagsagip, pangangalaga, at pamamahala ng mga ligaw na hayop na matatagpuan sa NLEX corridor. Ang Memorandum of Agreement ay nilagdaan noong Agosto 10 sa Marilao Municipal Hall nina NLEX President at General Manager Luis S. Reñon at Marilao Mayor Atty. Jemina M. Sy, sa pakikipagtulungan ng Animal Shelter and Care Facility (ASCF) ng munisipyo. “Ang pakikipagsosyo na ito ay bumubuo ng isang mahalagang bahagi ng aming pangkalahatang adbokasiya para…
Read MoreSITG BINUO SA PANANAMBANG KAY MACACUA SA MAGUINDANAO
INANUNSYO ng Philippine National Police na bumuo ng Special Investigation Task Group na siyang tututok sa imbestigasyon sa pananambang sa convoy ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua sa Barangay Bitu, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte noong Sabado ng hapon. Sa isinagawang press briefing nitong Lunes ng umaga sa Camp Crame, sinabi ni PNP-PIO chief, PCol. Allen Rae Co, 81 basyo ng bala ang natagpuan sa lugar na pinangyarihan ng pananambang at kabilang sa mga nakuhang basyo ang mula sa 5.56 at 7.62 caliber. Ayon kay Co, wala namang…
Read MoreNABANGGA NG MARINE ANIMAL, BANGKA LUMUBOG SA ROMBLON
NASAGIP ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang 31-anyos na mangingisda matapos lumubog ang kanyang motorbanca makaraan umanong mabangga ng isang marine animal sa karagatang sakop ng Barangay Cambijang, Cajidiocan, Romblon noong Huwebes, Agosto 13. Kinilala ang biktimang si Rommel Roco, residente ng Sitio Ilawod sa nasabing barangay. Ayon sa Coast Guard Sub-Station Cajidiocan, lumubog ang asul at puting motorbanca ng biktima humigit-kumulang anim na nautical miles ang layo mula sa baybayin. Agad nagkasa ng search and rescue operation ang PCG katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction…
Read More