P2-M MARIJUANA SINUNOG SA BENGUET

UMABOT sa P2,080,000 halaga ng marijuana plants ang binunot at sinunog ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa nadiskubreng tatlong taniman ng marijuana sa Sitio Manggahan, Brgy. Kayapa, Bakun, Benguet kahapon. Ayon sa ulat na nakarating sa tanggapan nI PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, nagsagawa ng marijuana eradication operation ang kanilang mga operatiba mula sa PDEA RO I-Ilocos Norte Provincial Office (PDEA RO I-INPO), PDEA RSET, PDEA Seaport Interdiction Unit, PDEA La Union Provincial Office, PDEA Cordillera Administrative Region, Philippine Army 501st Infantry Brigade 5ID, 51st Division…

Read More

BINATA PATAY SA SAKSAK NG BINATILYO

BATANGAS – Patay ang isang binata makaraang tadtarin ng saksak ng kanyang kaalitan na isang 17-anyos na binatilyo sa Brgy. 5 sa bayan ng Lian, sa lalawigan noong Sabado ng gabi. Kinilala ang biktimang si John Pert Luis Mendoza, 19-anyos, residente ng nasabing barangay. Ayon sa report, dakong alas-9:00 ng gabi, nakatayo ang biktima sa lugar kasama ang kanyang mga kaibigan, nang dumating ang suspek na si alyas “Kuya” at biglang inundayan ng sunod-sunod na saksak si Mendoza. Isinugod ang biktima sa Apacible Memorial District Hospital sa Nasugbu, subalit idineklarang…

Read More

8 ESTUDYANTE SUGATAN SA OCTOPUS RIDE

CAVITE – Walong estudyante ang nasugatan nang pumalya ang turnilyo sa sinasakyan nilang octopus ride sa isang karnabal sa bayan ng Naic sa lalawigan noong Huwebes ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa San Lorenzo Ruiz Hospital ang mga biktimang sina Zyrinne Marlan, 20; Mary Rose Mariano, 23; Erica Gravador, 21; Joana Pagaduan, 25; Jomer Pagaduan, 25; Michelle Cailo, 16; Abagail Cailo, 21, at Chinne Cabugayan, 22-anyos. Ayon sa ulat, masayang nakasakay ang mga biktima sa isang Octopus ride sa Fiesta Carnival sa Brgy. Ibayo Silangan, Naic, Cavite bandang alas-9:30 ng…

Read More

BALIKBAYAN PATAY, 5 SUGATAN SA SALPUKAN NG 2 SASAKYAN

CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang isang 67-anyos na babaeng balikbayan habang sugatan ang limang iba pa makaraang magsalpukan ang dalawang sasakyan noong Miyerkoles ng gabi. Ayon sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente sa diversion road sa Barangay Barra, Opol, Cagayan de Oro City bandang alas-11:58 ng gabi. Base sa imbestigasyon, sakay ang biktimang si Emilyn Pagaling, isang dating agricultural engineer, residente sa Malaybalay City, sa isang itim na Ford Expedition na minamaneho ni Carlo Emil Bongcayao, nang salpukin ito sa tagiliran ng isang Ford Everest na minamaneho…

Read More

P3-M APPLIANCES NATUPOK SA WAREHOUSE SA QUEZON

QUEZON – Tinatayang umabot sa P3-milyong halaga ng appliances ang nilamon ng apoy sa nasunog na warehouse sa bayan ng Gumaca sa lalawigan noong Huwebes ng gabi. Ayon sa report ng Gumaca BFP, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng isang warehouse sa Brgy. Rosario dakong alas-9:30 ng gabi. Agad sumaklolo ang mga firetruck ng BFP Gumaca at itinaas sa unang alarma ang sunog. Naideklara itong fire-out dakong alas 10:20 ng gabi. Wala namang iniulat na nasaktan sa insidente habang inaalam pa ng BFP investigator ang pinagsimulan nito. (NILOU DEL…

Read More

TANDEM HOLDAPER NABITAG SA FOLLOW-UP OPERATION

CAVITE – Swak sa kulungan ang isang riding in tandem na nangholdap sa isang ginang habang inilalagay ang pinamili sa kanyang sasakyan at natangay ang mahigit P40,000 cash at mga alahas sa Bacoor City noong Huwebes ng madaling araw. Nasa kustodiya na ng Bacoor Component City Police Station ang mga suspek na sina alyas “Reymart” at “John” matapos na maaresto sa isinagawang follow-up operation. Ayon sa reklamo ng biktimang si Jane Marie Celmar, galing siya sa pamimili sa isang convenience store sa Brgy. Habay 1, Bacoor City bandang alas-2:00 ng…

Read More

TRUCK SWAK SA BANGIN; 1 PATAY, 5 SUGATAN

DEAD on arrival sa hospital ang isang pasahero ng truck habang sugatan naman ang limang iba pa matapos na mahulog sa bangin ang nasabing sasakyan noong Miyerkoles ng gabi sa lalawigan ng Ilocos Norte. Kabilang sa mga sugatan ang driver ng Isuzu Elf at apat niyang sakay na pawang itinakbo sa pagamutan, nang magtuloy-tuloy na mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyan pagsapit sa Brgy. Valenciano, Banna ng nabangit na lalawigang, ayon sa Banna Municipal Police Station. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, bumibiyahe ang naturang truck patungong silangang direksyon sa Banna-Batac…

Read More

13th ASIAN BIRD FAIR 2024

NAGSIMULA na ang Asian Bird Fair 2024 sa Las Piñas City. Malugod na tinanggap ni Senator Cynthia Villar ang Dalawampung Asyano at iba pang mga kalahok na bansa na may 180 delegado na kalahok sa 13th Asian Bird Fair sa The Tent, Las Piñas City nitong Huwebes, Nob. 21. Ang Bird fair ay isang taunang internasyonal na kaganapan ng mga mahilig sa ibon, environmentalist, at hobbyist na naglalayong isulong ang avian at biodiversity protection. (DANNY BACOLOD) 174

Read More

REP. NOGRALES PATULOY NA ILALABAN KAPAKANAN NG MGA MANGGAGAWA

(JOEL O. AMONGO) HINIKAYAT ni House labor and employment committee Chair Fidel Nograles ang gobyerno na gamitin ang kapabilidad para masiguro ang kapakanan, ligtas, maayos at makatarungang mga lugar ng trabaho para sa manggagawang Pilipino. “We must work so that the Labor Inspection Convention No. 81 is not a mere piece of paper, but one that the government can actually enforce for the welfare of Filipinos,” anang mambabatas ng 4th district of Rizal. Kamakailan, ang Philippine delegation ay nagpresenta ng ratification instrument ng Labor Inspection Convention No. 81 kay ILO…

Read More