MANDANAS INAKUSAHANG DESPERADO, GUMAGAMIT NG PEKENG SURVEY FIRM

PINARATANGAN si Batangas Gov. Hermilando Mandanas ng kanyang mga kritiko na desperado at gumagamit na ng pekeng survey company para palakasin ang kanyang kandidatura bilang vice governor ng lalawigan. Sa survey ng One Research Philippines Inc. (ORPI), malaki umano ang lamang ni Mandanas sa karera sa pagka-bise gobernador. Pero sa pagsasaliksik, lumilitaw na walang kahit anong detalyeng makikita sa internet tungkol sa ORPI. Ang Facebook page nito ay ginawa lang noong Enero 18 at hindi naman mabuksan ang kanilang website na http://www.oneresearchphinc.com/. Malayong-malayo ito sa ibang survey firms gaya ng…

Read More

Pulis vs pulis MISTER PATAY KAY MISIS

PATAY ang 43-anyos na pulis nang barilin ng kanyang misis na isa ring pulis sa garahe ng kanilang bahay sa Brgy. Cuayan, Angeles City noong Lunes ng gabi. Kinilala ni PMajor Dexter Ebbat, chief of police ng Angeles City Police Office (ACPO), ang biktimang si Police Chief Master Sergeant Jayson Mariano, miyembro ng PNP na nakatalaga sa City Investigation and Detection Management Unit ng ACPO, residente ng nasabing lugar. Kinilala naman ang suspek na si Police Staff Sergeant Karen Mariano, 34, misis ng biktima, miyembro rin ng PNP na nakatalaga…

Read More

Kotse ng 2 doktor, engineer unang inatake NEGOSYANTE BAGONG BIKTIMA NG BASAG-KOTSE

CAVITE – Makaraang mabiktima ang dalawang doktor at isang engineer, isa namang negosyante ang naitalang biktima ng basag-kotse sa Dasmariñas City noong Martes ng hapon. Kinilala ang biktimang si alyas “Michael”, 28, residente ng Barangay Sta. Rita, Olongapo City, Zambales habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek. Ayon sa ulat, ipinarada ng biktima ang kanyang Ford Everest na may plakang CAI 2062, sa parking lot sa harap ng isang commercial center complex sa Paliparan Road, Brgy. Paliparan 1, Dasmariñas City, upang dumalo sa TESDA seminar. Habang nasa seminar, narinig niyang…

Read More

BABAE NATAGPUANG PATAY SA ILALIM NG TULAY

QUEZON – Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang babae ang natagpuang sa ilalim ng tulay sa Barangay Pulo, sa bayan ng San Antonio sa lalawigan noong Martes ng umaga. Ayon sa ulat ng San Antonio Police, bandang alas-9:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay na nakabulagta sa gilid ng ilog sa ilalim ng tulay sa Barangay Pulo. Napag-alaman sa imbestigaston ng pulisya, natuklasan ang mga sugat nito sa noo at mukha na maaaring sanhi ng pagkahulog mula sa tulay. Nabatid naman mula sa ilang nakasaksi, nakita ang babae na naglalakad…

Read More

BARANGAY CAPTAIN NAIPIT SA MINAMANEHONG ROAD GRADER, PATAY

BATANGAS – Patay ang isang barangay captain matapos na maipit ng kanyang minamanehong road grader sa Barangay Calantas, sa bayan Rosario sa lalawigan noong Martes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Barangay Captain Rudy Manongsong Endencio, ng Barangay Antipolo, Rosario. Ayon sa report, minamaneho ng biktima ang soil grader sa barangay road pababa sa bahaging may tulay nang mawalan umano ng preno ang heavy equipment. Iniwas ito ng kapitan sa mga batang estudyante na naglalakad sa kalsada, at itinalon sa gilid ng daan. Para sa kanyang kaligtasan, tumalon din ang…

Read More

NEGOSYANTE PINATAY NG AKYAT-BAHAY SA QUEZON

QUEZON – Patay ang isang negosyante makaraang barilin ng hindi nakilalang suspek na nanloob sa kanilang bahay sa Brgy. Malabanban Sur, bayan ng Candelaria noong Lunes ng madaling araw. Base sa report ng Candelaria PNP, binaril ng mga suspek ang biktimang negosyante na si Willy Sy, 59-anyos, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang matuklasan nito ang dalawang lalaking armado ng baril sa loob ng kanilang bahay. Batay sa imbestigasyon, nang makapasok ang mga suspek, niyapos ng isa sa mga ito ang anak na babae ng biktima. Tinangka namang agawin ng…

Read More

MAGPINSANG RIDER PATAY SA TRUCK

CAMARINES SUR – Patay ang magpinsang estudyante matapos masalpok ang sinasakyang motorsiklo ng isang truck sa Rolando Andaya Highway ng Brgy. F. Simeon, sa bayan ng Ragay sa lalawigan noong Lunes ng hapon. Kinilala ang mga biktimang sina Brex Villa, 19, at Jamaica Kim Moreno, 16, kapwa residente ng Brgy. Lower Omon, Ragay. Camarines Sur. Ayon sa ulat ng Ragay Municipal Police, bandang alas-5:20 ng hapon, pauwi na ang magpinsan at minamaneho ni Villa ang motorsiklo sa southbound direction ng highway nang nasalpok sila ng kasalubong na wing van truck…

Read More

KAPAYAPAAN SA HALALAN 2025, TINIYAK NG PNP CALABARZON

TINIYAK ng PNP CALABARZON ang maayos at ligtas na halalan sa 2025 sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng gun ban alinsunod sa COMELEC Resolution No. 11067. Ayon kay PCol. Melvin Napiloy, ang Deputy Regional Director for Administration ng PRO CALABARZON, sa ilalim ng programang F.E.E.L S.A.F.E.R., umabot na sa 3,138 na armas ang boluntaryong isinuko mula Setyembre 2024 hanggang Enero 2025. Sa isinagawang mga operasyon tulad ng search warrants, checkpoints, police patrols, at Oplan Bakal, 414 armas ang nakumpiska at 313 katao ang naaresto. Bukod dito, sa Oplan Katok,…

Read More

Sa CALABARZON Region 3K ARMAS NAKUMPISKA, ISINUKO NG MGA POLITIKO

TINATAYANG mahigit sa 3,000 matataas at maiiksing armas na nakumpiska mula sa iba’t ibang police operation, at pag-aari ng mga politiko at kandidato ngayong midterm election, ang iprinisenta sa Camp Vicente Lim, Calamba City, Laguna. Kaugnay ito sa proyekto ng Police Regional Office CALABARZON (Cavite Laguna Batangas Rizal Quezon) na F.E.E.L S.A.F.E.R. o Firearms and Explosives from Candidates/Supporters/Kins/Juridical for Safekeeping and Disposal, An Effort Leading to a Secure, Accurate and Fair Election in CALABARZON Region). Sa kabuuan, tinatayang 3,138 na mga baril at mga armas ang iprinisenta kabilang dito ang…

Read More