NAIS paimbestigahan sa Senado ni Senator Joel Villanueva ang Department of Health (DOH) kaugnay ng mahigit P11-B halaga ng gamot at medical supplies na nasira noong 2023. Matatandaang sinita ng Commission on Audit (COA) ang pagkasayang ng mga gamot at kagamitan ng DOH. Nitong Marso 27 ay pinangunahan ni Villanueva ang financial assistance payout sa may 1,000 residente ng Iloilo City. Inihain ni Villanueva ang Senate Resolution No. 1326 nito lang March 18 na layong “to determine accountability for the massive loss of government resources due to inadequate procurement planning,…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
2 LALAKI ITINUMBA SA SEMENTERYO
LAGUNA – Dalawang lalaki ang natagpuang walang buhay sa gilid ng main road ng San Pedro City Public Cemetery sa Barangay San Antonio, San Pedro City nitong Biyernes ng umaga. Ayon sa San Pedro City Police, parehong hindi pa nakikilala ang dalawang lalaking biktima. Ang unang biktima ay tinatayang nasa mid-20’s ang edad, may taas na humigit-kumulang 5’4″, nakasuot ng itim na jogging pants, walang pang-itaas na damit, at nakabalot sa tape ang ulo. Ang ikalawa namang biktima ay tinatayang nasa mid-20’s din ang edad, may taas na humigit-kumulang 5’4″,…
Read MoreP3.7-M SHABU NASABAT SA BABAENG HVI
LAGUNA – Arestado ang isang babaeng high-value target sa isinagawang buy-bust operation ng PDEA at Calamba City Police Station noong Huwebes ng hapon sa Bucal Bypass Road, Brgy. Bucal, Calamba City. Kinilala ang suspek na si alyas “Irene”, 42, residente ng Barangay Pansol, Calamba. Ayon sa ulat ng PDEA Regional Office 4A, bandang alas-5 ng hapon nang isagawa ang buy-bust operation at nakumpiska mula sa suspek ang humigit-kumulang 550 gramo ng hinihinalang shabu na P3,740,000 ang halaga. Nasa kustodiya na ng PDEA 4A sa regional headquarters sa Sta. Rosa, Laguna…
Read More2 BANGKAY NATAGPUAN SA CAVITE
CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa dalawang bangkay ng lalaki na natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Dasmariñas City noong Huwebes ng gabi. Sa unang insidente, bandang alas-8:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng isang lalaking nakasuot ng itim na sando, blue na short at itim na sapatos sa Molino Paliparan Road, sakop ng Brgy. Salawag, Dasmariñas City. Wala namang nabanggit sa ulat kung may nakitang sugat sa katawan ng bangkay. Sa ikalawang insidente, isa ring bangkay ng lalaki na nakasuot ng navy blue na short at…
Read MoreGov. Garcia, ipinakita suporta kina Abalos, Revilla, Pacquiao, Tolentino sa campaign kick-off ng One Cebu
Pormal na inendorso ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia ang apat na kandidato mula sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa pagsisimula ng malawakang kampanya ng One Cebu sa lalawigan nitong Biyernes. Ito ay isang malaking tulong para sa Senate slate na suportado ng administrasyon, lalo na sa isa sa pinakamalalaking vote-rich provinces ng bansa bago ang midterm elections sa Mayo. Kabilang sa mga inendorso ni Garcia sina reelectionist Senators Ramon Bong Revilla at Francis Tolentino, dating Senador Manny Pacquiao, at dating Interior Secretary Benhur Abalos. Kasama ang mga lokal na…
Read MorePAG-ARESTO KAY FPRRD PINAGPLANUHAN NG ‘CORE GROUP’
‘SMOKING gun’ na maituturing ang pagsisiwalat ni DILG Sec. Jonvic Remulla hinggil na may “core group” na nagplano ng pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Senator Imee Marcos, ipinakikita nito na “planado at labag sa Konstitusyon” ang hakbang ng ilang matataas na opisyal ng pamahalaan. “Ang pahayag ni Kalihim Jonvic Remulla ng Department of the Interior and Local Government na ang umano’y planong pag-aresto ay base lang sa tsismis, ay hindi kapani-paniwala,” sabi ni Marcos sa isang press briefing nitong Huwebes. Dagdag pa niya, ang hindi kapani-paniwalang pahayag…
Read MoreENRILE UTAK MARTIAL LAW PA RIN – OFWs
INUPAKAN ng isang grupo ng overseas Filipinos si Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na tila nagbabalik umano sa dating estilo ng panggigipit. Ito’y kasunod ng pagbabanta ng ilang OFW groups na nagsusulong ng Zero Remittance Week bilang protesta sa pagkakaaresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay AKO-OFW nominee Joseph Rivera, walang rason para bawiin ang tax privileges ng mga OFW kabilang na ang income tax exemption, travel tax exemption, at marami pang iba. Dahil dito, bumuhos ang suporta ng overseas Filipino workers (OFW) sa AKO-OFW Party-list dahil…
Read MoreZERO REMITTANCE WEEK KALMADONG PROTESTA
ISANG mahinahon at kalmadong pagpapakita ng pagsalungat sa ginawa ng administrasyon, ang plano ng overseas Filipino workers (OFWs) na zero remittance week simula ngayon, Marso 28, kaysa mag-alsa, ayon kay dating Chief Presidential Counsel Atty. Salvador Panelo sa “Meet the Manila Press” forum nitong Huwebes. Sinabi ni Panelo, isang linggo lang naman ang gagawing sakripisyo ng mga OFW sa kanilang pamilya na hindi makapagpadala ng pera. Aniya, hindi naman ito makaaapekto sa kanilang pang-araw-araw at hindi rin makakaapekto sa ekonomiya. Sinabi rin ni Panelo, kusang gagawin ito ng mga OFW…
Read MoreNSC, PNP at AFP nagmamatyag BIRTHDAY NI DIGONG WALANG VALIDATED THREAT
WALANG nasasagap na anomang banta sa seguridad ng bansa ang tanggapan ng National Security Council, maging ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippine, kaugnay sa pagdiriwang ng ika-80 kaarawan ng nakakulong na si dating Presidente Rodrigo Roa Duterte sa The Hague, Netherland. Ayon sa National Security Council (NSC), tuloy-tuloy ang kanilang ginagawang pagmamatyag sa mga kaganapan at mga aktibidad na may kaugnayan sa pag-aresto sa dating Pangulong Duterte. Nabatid na maging ang pagdiriwang ng ika-80 kaarawan ni dating Pangulong Duterte ngayong Biyernes, Marso 28,2025, ay mino-monitor ng…
Read More