8-ANYOS GINAHASA, PINATAY SA SAGINGAN

DAVAO DE ORO – Natagpuang walang buhay ang isang 8-anyos na batang babae na hinihinalang ginahasa bago pinatay sa bayan ng Maragusan sa lalawigan. Nadiskubre ng mga residente at mga pulis ang bangkay ng biktimang si alyas “Chelle” na nakahandusay sa sagingan sa Purok Kape 2, Brgy. Magcong. Ayon sa Maragusan Municipal Police, nakababa ang underwear nito nang makita at nasa tabi nito ang isang malaking bato na hinihinalang siyang ipinukpok ng suspek sa ulo ng biktima na siya nitong ikinamatay. Nadiskubre rin ng mga awtoridad sa crime scene ang…

Read More

DALAGA NAWALA SA DAGAT NAKITA

CEBU CITY – Natagpuan ang mga awtoridad ang wala nang buhay na 19-anyos na dalaga na unang iniulat na nawawala noong Linggo ng umaga sa lungsod. Ayon sa report ng Cebu City Police, nadiskubre ang katawan ni Niña Fuentes Arpon sa karagatang bahagi ng Mactan Channel, malapit sa Shell Island sa Cebu City noong Martes, Peb. 27, o dalawang araw matapos itong mawala. Ang bangkay ni Arpon ay narekober ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos itong i-report ng mga unang nakakita sa labi na mga kalalakihang naliligo…

Read More

DIGONG NANAWAGAN NG SUPORTA PARA KAY VP SARA

NANAWAGAN si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng suporta para sa anak na si Vice President Sara Duterte kapag nagdesisyon itong tumakbo sa anomang posisyon sa susunod na nasyonal eleksyon. Sa ginanap na Maisug Prayer Rally sa Cebu City noong nakaraang Linggo, umapela ang dating Chief Executive sa mga Cebuano. “Indeed, Inday is truly our pride. God might not give everything, but if He grants this, we Bisayas should be grateful because there would be two Dutertes,” pahayag ng dating Pangulo. Hindi ito direktang sinabi ng dating Pangulo ngunit nagpahiwatig…

Read More

3 ‘DRUG QUEENS’ LAGLAG SA P.6-M DROGA

CAVITE – Bagsak sa kulungan ang tatlong tinaguriang “drug queens” makaraang makumpiskahan ng mahigit P.6 milyong halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Gen. Trias City sa lalawigan noong Lunes ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek na sina alyas “Joana”, “Abegail”, at “Angelou”. Ayon sa ulat, dakong alas-8:40 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Cavite Police Provincial Office (PPO), at Gen. Trias Component City Police Station, sa Purok 1, Brgy. Tapia,…

Read More

2 PATAY SA MOTORCYCLE DRAG RACING SA COTABATO

COTABATO – Nauwi sa aksidente ang isinagawang illegal drag race ng ilang motorcycle riders sa bahagi ng Cotabato-Kidapawan Highway, Barangay Ulamian, sa bayan ng Libungan sa lalawigan noong Sabado. Ayon sa report ng Libungan PNP, sumalpok sa isang tricycle ang isa sa mga motorsiklong kalahok sa karera na tinatawag ng mga lokal na “waswasanay”. Nagresulta ito sa pagkamatay ng rider na kinilalang si John Lloyd Calawigan, at ang pasahero ng nasalpok nitong tricycle na si Genevieve Daclan Villela, 42-anyos. Sugatan din at nasa ICU pa ang mister ni Villela na si Florante…

Read More

4 MAGKAKAPAMILYA PATAY SA SUNOG SA CEBU CITY

CEBU CITY – Apat na miyembro ng pamilya ang namatay sa sunog na sumiklab sa mga kabahayan sa Sitio Sta. Lucia at Putat, Barangay Tinago, sa lungsod nitong Martes ng madaling araw. Ayon sa Cebu City Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog dakong ala-1:00 ng madaling araw na agad itinaas sa 4th alarm. Tumagal ang sunog ng apat na oras at naapula ang apoy pasado alas-5:00 ng umaga. Ayon sa BFP, umabot sa 41 kabahayan ang nilamon ng apoy. Nang maapula ang sunog, natagpuan ng mga tauhan ng BFP…

Read More

4 DRUG PUSHERS ARESTADO SA P.3-M SHABU

CAVITE – Apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang inaresto at nasamsam ang tinatayang P.3 milyong halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA) noong Linggo ng gabi. Nasa kustodiya na ng GMA Municipal Police Station ang suspek na sina alyas “Greg”, 36, construction worker; “Bong”, 52; “Ace”, 21, at “Cyrine”, 24-anyos. Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Jervie San Pascual ng GMA Police Station, dakong alas-7:10 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Team…

Read More

BUNDOK SA MULANAY NILAMON NG GRASS FIRE

QUEZON – Tinatayang nasa 20 hanggang 30 ektarya ng kagubatan at damuhan ang nasunog sa kabundukan sa dalawang barangay sa bayan ng Mulanay sa lalawigan. Ayon sa report ng Bureau of Fire Protection – Mulanay, nagsimula ang sunog sa bulubunduking bahagi ng Brgy. F. Nanadiego dakong ala-1:00 ng hapon noong Linggo at mabilis na kumalat ang apoy patungo sa katabing lugar sakop ng Barangay Matataja. Malayo naman sa residential area ang sunog kaya walang naapektuhan o nadamay na mga kabahayan. Pero ayon sa barangay officials at mga residente, mabilis ang…

Read More

ABC PREXY PATAY SA PAMAMARIL SA HOTEL

PATAY ang ABC president ng Isabela City sa Basilan matapos pasukin at pagbabarilin sa hotel ng hindi kilalang mga suspek sa Zamboanga City noong Linggo ng gabi. Kinilala ng Zamboanga City Police ang biktimang si Franklyn Galos Tan, chairman ng Barangay Seaside, at ABC president ng Isabela City, Basilan. Sugatan naman ang isa pang kapitan na si Jaider Jundam, Punong Barangay ng Kaumpurnah, Zone 1, habang hindi naman tinamaan ang kasama nilang isa pang kapitan na si Daryl Jalani, Punong Barangay ng Kaumpurnah, Zone 3. Ayon sa initial report ng…

Read More