CAVITE β Humantong sa trahedya ang pagdiriwang ng mag-asawa sa Mother’s Day noong Linggo nang malunod sa ilog ang isang lalaki na niyayang maligo ng kanyang misis sa bayan ng Amadeo sa lalawigan noong Linggo ng hapon. Isinugod pa sa Rural Health Center ng Amadeo ang biktimang si alyas “Ranel” subalit hindi umabot nang buhay. Napag-alaman, bilang pagdiriwang sa Mother’s Day, niyaya umano ng ginang ang kanyang mister na maligo sa Biting Bayong river sa Brgy. Banay Banay, Amadeo, Cavite. Ngunit habang naliligo ang dalawa, bigla umanong nagtungo ang biktima…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
GRANADA, BARIL AT BALA NASAMSAM SA MAG-ASAWA
CAVITE β Sari-saring mga kalibre ng baril, bala at granada ang nasamsam sa bahay ng isang mag-asawa at dalawang kasamahan ng mga ito makaraang salakayin ng puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa bisa ng search warrant, sa bayan ng Naic noong Sabado ng hapon. Ayon sa ulat, bandang alas-3:00 ng hapon nang isilbi ng CIDG Southern MM DFU (lead unit), NCR RFU CIDG at Naic Cavite MPS, ang isang search warrant dahil sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act, na inisyu ni…
Read MoreKAALYADO NG POLITIKO SA CAVITE, PATAY SA TANDEM
CAVITE – Tinutugis ng mga awtoridad ang isang riding in tandem makaraang pagbabarilin at napatay ang isang negosyante at kaalyado sa pulitika ng isang kasalukuyang kongresista sa lalawigan noong Sabado ng hapon. Isinugod sa San Pedro Calungsod Hospital ang biktimang si alyas “Jose”, isang negosyante at residente ng Brgy. Magdalo-Potol, Kawit, Cavite subalit namatay habang nilalapatan ng lunas. Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo. Ayon sa ulat, kabababa lamang ng biktima mula sa kanyang sasakyan na isang Nissan Navara at papasok sa…
Read MoreDALAGANG MASAHISTA GINAHASA SA HOTEL
ANTIPOLO CITY β Nagharap ng reklamo ang isang dalagang empleyado ng massage services business makaraang gahasain at pagnakawan ng kanyang customer sa isang hotel sa lungsod. Nagharap ng reklamo sa Women’s and Children Protection Desk ng Antipolo Component City Police Station, ang biktimang si alyas “Lenlen”. Ayon sa reklamo nito, nangyari ang insidente noong gabi ng Marso 21. Tumawag umano sa kanilang hotline ang suspek na kinilalang sa mga alyas na “Reynaldo Marinas /Angelo/Michael”. Nag-request umano ang suspek ng room massage service sa isang hotel sa Sumulong Highway, Brgy. Mambugan,…
Read MoreRIDER BINOGA SA ULO NG NAKAMOTORSIKLO
CAVITE β Patay ang isang motorcycle rider makaraang barilin sa ulo ng kapwa niya nakamotorsiklo sa DasmariΓ±as City noong Sabado ng hapon. Dead on the spot ang biktimang si alyas “Miguel” dahil sa tama ng bala sa ulo makaraang paputukan ng hindi pa nakikilalang motorcycle rider na tumakas matapos ang insidente. Ayon sa ulat, sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo habang binabagtas ang Sitio Pook, Brgy. Paliparan 3, DasmariΓ±as City nang dikitan siya ng suspek at walang sabi-sabing binaril sa ulo bandang alas-2:43 ng hapon. Matapos ang pamamaril, tumakas ang…
Read MoreCASINO AGENT, TIKLO SA P3.6-M DROGA
LAGUNA β Hindi nakapalag ang isang lalaking casino agent matapos masamsam dito ng mga awtoridad ang P3.6 milyong halaga ng illegal drugs sa buy-bust operation sa bayan ng Sta. Cruz, sa lalawigan noong Miyerkoles ng gabi. Ayon sa report ng PDEA Regional Office 4A, isinagawa ng kanilang mga operatiba, kasama ang PDEA Laguna Provincial Office, at mga miyembro ng Sta. Cruz Municipal Police Station, ang buy-bust operation sa bahay ng suspek na si Nikki Zotomayor sa Sitio Maunawain, Barangay Duhat, mag-aalas-12:00 ng hatinggabi. Sinasabing si Zotomayor ay nakatala bilang high-value…
Read MoreGRUPO NG DOLPHINS NAISPATAN SA RESORT SA SAMAL ISLAND
NAMATAAN sa pambihirang pagkakataon malapit sa beach resort sa Samal Island, ang pod o grupo ng dolphins noong Miyerkoles ng hapon. Nangyari ang ‘sightings’ sa Kaputian District sa Island Garden City of Samal sa Davao del Norte Makikita sa drone video ng resort ang hindi bababa sa labingdalawang dolphin na tila naglalaro habang lumalangoy sa bahagi ng Davao gulf. Sa video naman ni Brooks Salinas, kitang namangha ang mga bisita nang makita ang pambihirang paglitaw ng mga dolphin. Ayon sa mga eksperto, ang ‘sightings’ ng mga dolphin at iba pang…
Read More36 PAMILYA NASUNUGAN SA CAVITE, 1 SUGATAN
CAVITE β Nawalan ng tirahan ang 36 pamilya nang lamunin ng apoy ang mga kabahayan sa sunog sa Bacoor City noong Huwebes ng umaga. Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), bandang alas-11:30 ng umaga nang magsimula ang sunog sa isang bahay sa Phase B, Tabing Ilog, Brgy. Molino 4, Bacoor City. Mabilis na kumalat ang apoy sa mga kabahayan na pawang yari sa light materials. Umabot sa unang alarma ang sunog at bandang alas-12:20 ng hapon nang ideklarang fire-out ng ground commander na si Fire Senior Insp.…
Read More3 PATAY SA KINAING BUTETE SA ALBAY
ALBAY – Tatlong magkakapamilya ang binawian ng buhay matapos malason sa kinaing puffer fish o butete sa bayan ng Libon sa lalawigan noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang mga nasawi na sina Tirso Concepcion, 47, ang asawa nitong si Marissa Concepcion, 46, gayundin ang kanilang manugang na si Louise LucaΓ±as, 36, pawang mga residente ng Tambo, Libon. Apat pang kapamilya nila ang nagpapagaling sa ospital matapos makaramdam din ng mga sintomas ng pagkalason sa butete. Ayon sa report ng Libon Police, inulam ng pitong mga biktima noong Miyerkoles ang kanilang…
Read More